SHUELA'S POV:
Bumaba na ako sa rooftop habang nag-iisip pa rin kung ano ba ang dapat na gawin. Mahirap ang sitwasiyon pero kailangan kong mag-isip ng mabuti kundi lahat kami ay mapapahamak
Madaing conclusion ang pumapasok sa isip ko tulad na lang na "Titigilan na ba nila pag umalis ako at putulin ang lahst ng communication??" "Ako na lang ba ang gagambalahin nila??" O "Mas mabuting nasa malapit ako sa kanila??"
Pag baba ko ay sumandal muna ako sa pader bago sumilip para makita sila Alister sa labas ng kuwarto ni Shanley. Kita kong nag kakagulo ang pamilyang Javier at Danyas dahil anak nila ang binaril
Natatakot akong magpakita dahil baka ako na naman ang sisihin pero ako naman talaga dapat eh dahil ako ang may hawak sa kanila pero sa ngayon hindi na dahil tapos na ang mission ko sa kanila
Huminga ako ng malalim bago mag lakad patungo sa kuwarto ni Shanley, tumingin naman silang lahat sakin pero agad din namang umiwas ng tingin. Lumapit ako kay Alister
"Hey, i'm sorry" sabi ko
"For what??" Tanong naman nito habang nakatingin sa pituan ng kuwarto ni Shanley
"For what happened" simpleng sagot ko at agad na nag iwas tingin nang bumaling sakin si Alister
"You blaming yourself, don't you??" Huminga ako ng malalim dahil sakin naman talaga ang sisi niyon kahit na wala na akong mission sa kanila
"Yes, i'm blaming myself dahil hindi ko nagampanan ang dapat kong gampanan" sagot ko bago ko inilagay ang kamay ko sa aking bulsa at doon ikinuyom ng sobrang higpit
"Wala ka ng mission samin kaya anong gampanin pa ang kailangan mong gampanan??" Tanong nito, hindi ko nakikita ang kaniyang reaksiyon pagkat nanatili ang tingin ko sa sahig ng hospital
"As friend, as a family. I know family protects their family" sagot ko at naramdaman ko namang gumalaw siya
"You don—"
"Shuela, may i speak with you??" Naputol ang dapat na sasabihin ni Alister nang siningitan siya ni Mrs. Javier
"Ahm..... Sure"
Nag simula naman ito mag lakad kaya sinundan ko. Nang huminto ito ay dumagundong ang kaba sa aking dibdib sa hindi mawaring dahilan, hurarap sakin si Mrs. Javier
"What is your plan??" Agarang tanong ni Mrs. Javier. Sumandal ako sa pader at yumuko dahil wala akong plano "The way you act infront of me i know that you don't have any plan" daretsahang ani ni Mrs. Javier
"Yeah, i don't have" pag-amin ko at unti-unti na akong nawawalan ng hininga dahil sa pesteng kaba na namumuo sa dibdib ko, ang pag kalabog ng pusok ko ay sumasabay sa kaba
"Ano na gagawin mo ngayon na ang dami ng nadadamay??" Cold na tanong sakin ni Mrs. Javier, hindi ako sanay pero alam kong ganyan siya pag seryoso