1: DEBT....

2.3K 34 5
                                    


Nakatanghod ako kay Red habang kumakanta. ang tagal ko ding hindi narinig ang boses niya. Graduation ball ito para sa aming mga graduating students at si Red ang isa sa mga kakanta kaya hindi ko pinalampas ang sandaling masilayan siya.

Matagal akong naka tingin sa malungkot na mga mata ni Red. Ang tagal ko na siyang gusto pero uli ay inaayawan niya ako.

"Red, gusto kitang e kiss!"

Sigaw ko na napalakas ata dahil hindi ko namalayan ang paglingon ng kakambal ni Red, si Blue. Kumunot ang noo nito habang seryosong nakatitig sa akin. "Hindi kapa ba nadala?"

Sita niya sa akin at mukhang asar na asar pa. Sa mukha niyang busangot ay nagiging kamukha niya si Red. Kaya biglang naging pilya ang utak ko.

"Sabi ko lang naman diba? Nag move on na ako pero gusto ko talaga siyang e kiss, pero dahil malabo yun may idea ako."

"Ano na naman yun?"

"Are you willing to be his substitute, Blue? Will you kiss me?"

"Ano???"

"Will you kiss me and let me feel loved by him? Will you please? Please?"


"Hahahaha"

"Kim, are you alright?" tanong ni mommy na nagtataka kung bakit ako tumatawa mag isa. "Kumain ka ba?"

"I'm good mom. May naalala lang ako. Part ng past na sobrang nakakatawa."

"Is it about the boys?"

"Hmmm, yeah, you could say that."

"Are you staying longer here? Or vacation lang?"

"I'm staying for good mom, after all, na miss ko kayo."

"Good to hear that. So saan ka mag aaral?"

"Lourdes."

"Good luck."


@ Lourdes

Pag pasok ng pag pasok ko palang sa Lourdes ay biglang nanariwa ang masasakit na past ko. Ang unang heart ache ko kay Red Fuentebella.

San na kaya siya ngayon? Do i still have a feelings for him?

Nag hanap ako ng mauupoan, then binuklat ko ang readers digest. Nag babasa ako ng makarinig ako ng awayan, isang babae at lalaki, biglang nanariwa ang mga kagagahan ko kay Red noon.


"Good morning Red. Ako pala si Kim, ang bago mong secretary.

"Paki ko!"

"Tama nga sila ang sama ng ugali mo. Pero hindi kita susukuan."

"Mag trabaho ka nga bago pa ako ang sumuko sayo at ipatapon kita kung saan ka galing."


Bigla kong pinahid ang luha ko, masakit parin pala kahit matagal na. Yeah, I was fourteen then when i first saw him. Crush ko agad ang ka angasan niya at pagiging suplado.

@Canteen

Nakaramdam ako ng gutom kaya pumasok ako sa canteen. Maraming nakapilang estudyante, hindi pa ako masyadong gutom kaya naupo lang ako at nag patuloy sa pag babasa.

"Hi, can I sit here?"

Bigla akong napalingon akala ko sa akin nag tatanong pero sa kabilang table pala. Isang girl na lumapit sa table ng isang lalaking walang paki alam. Just that, and i can't stop thinking about the past.

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon