D
"Jema, let's stay at my parents' house muna ha? Until I finish my project here."
Nag bbreakfast na kami ni Jema dito sa hotel. Medyo late na nga eh.
Hirap na hirap si Jema gisingin ako kanina. Pano napadami na ang inom ko kagabi sa reception namin.
Nagsama sama ba naman yung mga kaibigan ko nung college eh. Ang lakas din uminom kagabi ni Bea at Maddie. Di na ako nakatanggi sa kanila.
"Why not sa condo unit ko na lang, Deanna? Para makapag sarili tayo. Nakakahiya naman kina mommy at dad, kinasal tayo tapos dun tayo titira."
"What's wrong with that? Parents ko naman sila. And besides, sabi naman nila nandyan lang sila para satin di ba? Pansamantala lang naman, Jema."
"Eh bakit nga di na lang sa condo ko? Solo pa natin yun."
"Sayang rent mo dun. Ang mahal mahal pa. Ipunin na lang natin yun, baby.."
"Alam ko na, kuha na lang tayo ng bahay dito. Kahit sa maliit na subdivision lang. Tutal matagal pa yung project mo dito. Para may sariling bahay na din tayo dito sa Cebu."
"Kulang pa yung ipon ko pang down, Jema.. Saka gusto ko sana bibili ako ng lupa saka tatayuan ng bahay."
"Eh di hati tayo, baby.."
"Jema naman eh, ang kulit mo naman eh.. Masisira yung plano ko sa gusto mo eh."
"Tell me first your plans, Deanna. Para magmeet naman tayo halfway sa pag dedesisyon."
"I'll finish my project here, baby.. Sa Manila ko balak bumili ng lupa at magtayo ng bahay natin hindi dito, Jema. Kaya nga sana para makatipid tayo, dun muna tayo kina mommy eh. Malapit pa din naman sa hospital mo yun."
"That's one year of living with your parents, Deanna."
"Ano bang problema dun, Jema? Welcome na welcome ka naman kina mommy ah?"
"Nagpakasal tayo para makitira sa parents mo?"
"For the mean time lang naman yun.."
"Kaya ko naman magbayad ng rent natin, ako na sa bagay na yun. Malaki pa naman ang matitira para sa ipon. Please, Deanna.. Wag lang tayo makitira sa parents mo."
"Ang labo mo naman, Jema.. Simpleng bagay lang di mo pa ko mapagbigyan.. As if naman nasa bahay ka the whole day, nasa hospital ka naman lagi. Ako naman nasa site buong araw. Sayang lang bayad sa rent."
"Di mo kasi ako naiintindihan, Deanna eh.."
"Ako ang di mo maintindihan, Jema eh. Ang simple lang ng sinasabi ko, di mo---"
"Hep! Tama na yan! Awat muna.. Ano ba naman yan, first morning as married couple, away agad ha? Hoy, Deanna ikaw, aga aga inaaway mo si Jema.. Kumain muna tayong lahat ng payapa. Ganda ganda ng umaga ohhhh.." pag awat samin ni Maddie. Kasama niya si Bea.
Ibinaba na nila yung dala nilang mga pagkain.
"Yeah, guys, ang ganda ng morning.. Mamaya na kayo mag away, kain muna tayo.. Tapos mag swim tayo sa dagat.." dagdag pa ni Bea.
Umupo na silang dalawa sa tabi namin ni Jema..
Lumingon ako sa paligid.. Nasaan na kaya sila Kim? Mukhang bagsak pa yung mga yun ah.. Pati sila Jia wala pa din.
"Deans, ang aga nang aaway ka ng asawa. Naku, bad start yan.. Di ba dapat lambingan muna?" Bea.
"We're not fighting.. May pinag uusapan lang kaya kami."
"Wag ako, Deanna.. Yung kilay mo halos magdikit na kanina.." Maddie.
"We're okay, Mads, Bea. Don't worry.." sagot ni Jema.
"See, okay lang kami ng asawa ko. Wag nga kayong tamang bintang sakin ng nang aaway.."
"Umayos ka, Deanna ah.. Lilipad ako lagi dito para lang batukan ka.. Jema, I'm one call away, okay?"
"Don't worry, Maddie.. Behave to si Deanna.. Ako bahala." Jema.
Okay di ako nilaglag ni Jema sa mga kaibigan ko. Pero di pa kami tapos mag usap. We need to decide soon.
"All right, then.. Let's enjoy the breakfast. Swim tayo, Jema, Deanna after neto ha?" aya ni Bea.
"Sure. Palit lang kami ni Jema after natin mag breakfast." sagot ko.
Nagkkwentuhan lang kami habang nag bbreakfast. Si Jema di ako masyado kinakausap, mas kinakausap pa niya si Maddie eh.
Kaya kahit puro kalokohan lang ang pinagsasabi nitong si Bea, siya na lang ang kinausap ko..
----------
🙋
First day as married couple..
Hmmmmm 🤔🤔🤔
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanfictionFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...