D
"Dito na lang ako, Jema.. Ingat ka pabalik ng ospital."
Pag gising ko sobrang sakit na talaga ng balikat ko. Sinama na ko ni Jema sa ospital kanina. At ayun nga, napwersa ng sobra ang balikat ko, na-sprain ito.
"Sunduin kita mamaya.. Di ka naman makakapag drive eh."
"Okay na.. Mag gagrab na lang ako mamaya.."
"Susunduin na kita.."
"Sige na, mag memessage na lang ako.. May meeting pa kami."
"Okay.. I'll see you later.. Kumain ka ng lunch ha.."
"Opo.. Sige na, bababa na ko.."
Pababa na ko ng tawagin ako ni Jema.. Napaupo ulit ako at tumingin sa kanya..
Niyakap niya ko bigla.. Di niya ko agad binitawan..
"Jema, male-late na ko.."
Niyakap niya ko lalo..
Nakakapagtaka naman to si Jema... Ano bang nangyayari dito..
Hinayaan ko na lang muna siya. Aantayin naman ako dun sa meeting bago mag simula..
Pag bitaw ni Jema sakin, inayos niya ang damit ko..
"Sige na, baka ma-late ka na.."
"May problema ba, Jema?" nakakapagtaka kasi eh.
Tinignan niya muna ako sa mga mata ko bago siya sumagot.
"Uwi tayo ng maaga mamaya.. Magluluto ako." sagot niya.
"Bakit? Anong meron? Hanggang madaling araw ka pa sa ospital di ba?"
"Lalabas ako ng maaga. Sabay tayo mamaya."
"Sige.. Ikaw bahala.. Baba na ako.. Ingat ka." hinalikan ko siya sa pisngi at saka ako bumaba ng sasakyan.
Pag pasok ko sa loob ng conference room si Kim agad ang bumungad sakin. Inaayos na niya yung laptop.
"Oh, Deans.. What happened to you?" nakatingin siya sa arm sling ko.
"Ah eto... Nasprain kahapon to. Pero okay lang ako."
"Nag commute ka? Iniwan mo pala kotse mo dito kahapon ah."
"Hinatid ako ni Jema, galing kaming ospital."
"Pano ka pauwi nyan?"
"Susunduin daw niya ko. Daw haha.."
"Oh, bat parang di ka naniniwala?"
"Eh busy naman lagi sa ospital yun. Tignan mo mamaya magmemessage yun extended na naman siya sa ospital."
"Malay mo naman sunduin ka nga, lalo ngayon di ka naman makakapagdrive."
"Let's see.. Kaya ko naman mag drive. Ako pa ba.."
"Hay naku.. Mamaya mapano ka pa. Pag di ka sinundo, ihahatid kita pauwi."
"Bahala na.. Simulan na natin ang meeting. Mahaba haba pa ang pag uusapan nating lahat."
Pinatawag na namin lahat para makapagsimula na. Mahaba haba ang naging meeting namin.
Kailangan na naming makabawi at makakuha ng malaking project kung hindi, di na namin alam kung saan pa pupulutin ang firm namin.
Natapos ang meeting namin ng sakto lunch time. Nagpadeliver na lang kami para hindi na kailangan lumabas pa. Gutom na gutom na din kaming lahat.
"Guys, kain lang kayo ah.. Maiwan na namin kayo dito. Don't forget to clean the room ha?" pagpapaalam ni Kim.
"Tara, Deans.. Dun na tayo kumain sa office ko. May sasabihin ako sayo." bulong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Locked Away
Fiksi PenggemarFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...