32

3.7K 150 10
                                    

D

Bago pa kami makapag imbestiga sa nangyari sa bumagsak naming building, ayun, tinakbuhan na kami ng contractor namin..

Wala na kaming nahabol pa.. Bigla na lang silang nawala lahat. Dinaya nila kami sa mga materyales. Mali ko din, ako ang project engineer pero hindi ko nacheck ng mabuti kung tama ba yung dinadala nilang materyales samin.

Sinagot namin lahat ng gastos.. Nagdagdag kami ng mga workers para mahabol namin yung target completion date. Kahit wala naman sa budget namin to, napilitan kaming maglabas ni Kim. Reputation ng firm namin ang nakasalalay dito.

Pati yung budget ko sana para sa interior at mga gamit ng pinapagawa kong bahay namin nailabas ko na.. Wala na talaga, hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pang gastos namin, emergency fund ko na ang ginagamit ko para sa pang araw araw ng pamilya ko.

"Jema, alis na ko.." tawag ko kay Jema.

Nasa loob ng kwarto si Jema, pinaliguan niya si baby.

"Wait lang, patapos na ko bihisan si baby.."

Anong oras na, malapit na kong ma-late. May client meeting pa naman kami..

Pag labas ni Jema, karga niya din si baby Jei..

"Baby, yung electric bill pala natin, need na natin ma-settle."

"Kakabayad ko lang ah?" ang bilis naman parang kakabayad ko lang non, meron na agad.

"Last month pa yun, baby.."

"Sige, sige.. Ako na magbabayad bukas.."

"Ako na lang, bayaran ko na mamaya. Due date na nun bukas eh.. Mag gogrocery na din ako, wala na tayong stock.. Last na tong breakfast natin."

What?! Grocery na naman? Bat parang ang bilis naman maubos ng pagkain namin dito..

"Wala na agad? Bat ang bilis naman, Jema.."

Kung kailan naman tipid na tipid ako saka ganito.. Parang dumadaan lang sa kamay ko yung pera eh.. Halos wala na ngang pumapasok na pera sa account ko, ganito pa yung gastusin.

"Deanna, 2 weeks ago pa tayo nag grocery. Every other week naman talaga tayo namimili ah.. Saka need ko na din bumili ng vitamins ni baby, malapit ng maubos eh."

Biglang sumakit ang ulo ko sa gastos.. Konti na lang talaga ubos na ang emergency fund ko..

"Sige na, sige..." kinuha ko ang wallet ko sa bag..

"Here, Jema.. Pagkasyahin mo na lang muna yan ah. Saka, Jema, baka pwedeng magtipid tipid muna tayo sa kuryente at pagkain.."

Binilang ni Jema ang inabot kong pera.. Yun na lang talaga laman ng wallet ko.. Wala na talaga.. Pang gas ko na lang yung tinira ko sa wallet.

"Ah, Deanna.. Kulang to, lumaki yung bill natin.."

"Bakit lumaki? Ano ba naman yan, maghapon na nga akong wala dito, lumalaki pa yung bill natin. Magtipid ka naman dito, Jema.."

"Nagtitipid ako, Deanna.. Need lang talaga ni baby ng naka aircon pa din sa umaga sa room, nagkakarashes siya pag sobrang naiinitan."

"Okay, okay.. Sige na, papadalhan na lang kita sa account mo pagdating ko sa office, wala ng laman wallet ko oh, 500 na lang, pang gas ko na lang to.. Sige na.. Aalis na ko, late na ko sa client meeting ko. Ingat kayo mamaya ni baby.. I-message mo ko."

Hinalikan ko na si Jema sa noo at pati na din si Jei jei..

"Ingat ka din, baby.. Dahan dahan sa pag dadrive."
.
.
.
.
.
----------

J

Di ko alam kung anong meron pero pansin ko kay Deanna hirap na hirap siya magbigay ngayon sakin.

Dati naman di ko na kailangan magsabi sa kanya para sa mga gastusin dito sa bahay, kusa na siyang nagbibigay. Ngayon parang gulat na gulat pa siya na humihingi ako ng pambayad sa electric bill namin.

Wala siyang sinasabi pero ramdam kong may problema. Ngayon ko lang din narinig sa kanya na magtipid daw ako.. Parang may mali talaga..

Tapos ngayon, kulang pa yung binigay niya saking pera.. Vitamins palang ni baby at electric bill ubos na tong binigay niya sakin. Pano pa ko makakapag grocery nito?

Aantayin ko na lang yung padala ni Deanna sakin habang nasa labas kami ni baby..

Pag tapos ko maglinis at mag ayos, umalis na ako kasama si baby Jei. Nag grab na lang ako papuntang mall. Dun na ko magbabayad ng bill at mamimili.

Pag tapos ko mag bayad ng bill at bumili ng vitamins ni baby, nag ikot ikot muna kami.. Di pa tumatawag si Deanna eh. Chineck ko yung atm ko, wala pa naman siyang pinapadala.

Kung saan saan na ako nakaikot, pero di pa rin tumatawag si Deanna. Buti na lang di tinotopak to si Jei jei, di umiiyak o naglilikot.

Pag check ko sa relo ko, alas dos na pala.. Di ko namalayang hapon na.. Kanina pa pala ako nag iikot dito.. Nagugutom na din ako.

Maya maya, nag ring na yung phone ko.. Tumatawag si Deanna.

"Hello, baby.." bati ko sa kanya.

"Saan na kayo, Jema?"

"Nandito kami sa mall ni Jei jei."

"Wait niyo na lang ako dyan, wife.. Puntahan ko kayo, tapos na client meeting namin."

"Di ka pupunta sa site?"

"Nandun na si Kim. Salitan kami sa site, wife.. Sige na, tawagan kita pagdating ko dyan. Malapit lang naman ako."

"Okay, baby. Ingat ka.."

Ayos, pupuntahan na kami ni Deanna dito, di na namin kailangan mag commute pauwi.

Saglit lang, nakarating na din si Deanna. Dun na kami nagkita sa supermarket..

Nakita ko na agad siyang nakatayo sa entrance..

"Hi, wife.. Akin na si Jei jei, ako na magbubuhat. Mamili na tayo."

Ako na ang kumuha ng cart, si Deanna karga na si Jei jei..

Nag ikot na kami dito sa supermarket..

"Wife, yung need lang talaga natin kunin mo ahh.."

Nakakapanibago talaga to si Deanna. Dati naman kuha lang siya ng kuha. Ngayon, piling pili niya lahat ng ilalagay ko sa cart.

"Baby, what's wrong? May problema ba?" di ko na mapigilan ang sarili ko magtanong. Naninibago talaga ako kay Deanna.

Nilalagay na niya sa likod ng kotse lahat ng pinamili namin.. Parang nangalahati yung usual na dami ng pinapamili namin dati.

"Anong tanong yan, Jema? Ayusin mo na si baby sa backseat."

"Naninibago lang ako sa gastusin natin ngayon. May problema ba tayo sa pera?"

Sinara niya muna ang compartment ng kotse bago siya humarap sakin.

"Wala, Jema.. Need lang natin magtipid. Alam mo naman patapos na ang bahay na pinapagawa natin. Madami pa tayong bibilhing gamit para dun."

"Okay, okay.. Pag may problema, Deanna, please tell me.. Mag asawa tayo, wag mo sarilinin ang problema."

"All right, Jema.. Sige na pasok ka na sa loob, uwi na tayo.. Nagugutom na ko.."

Di ako convinced sa sagot sakin ni Deanna. Nakikita ko sa mga mata niya na may problema talaga. Ramdam na ramdam ko, ano pa't naging asawa niya ko kung di ko mararamdaman na may problema ang asawa ko.

Gusto kong malaman kung ano bang gumugulo sa isip ni Deanna, kung bakit siya nagkakaganito..

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon