D
"What are you thinking, Deanna?" napalingon ako sa tumabi sa akin sa gilid.
Ang sarap pakinggan ng hampas ng alon.. Ang lamig ng simoy ng hangin.. Ang sarap lang pagmasdan ng mga bituin sa langin ngayon.
"Nothing.. It's just relaxing here.."
"Relaxing? Why not join your friends and family? They are having fun at the gazebo.."
"I'll join them later.."
"Why not now, Deanna? You're alone here.."
"I'm not alone now.. You're here now."
"Pero di ba we're here because you wanted to be with your family?"
"Yes, Ara.. But, I still want the calming feeling here.."
"Okay.."
Tahimik namin pinagmasdan ang dagat sa unahan namin.. Wala ng gaanong tao. Masyado ng madilim para lumangoy pa sa dagat.
"Deanna..."
"Yes?"
"I need to go back to work... I can't stay na.. Sorry, love."
"It's all right, Ara. I understand. Uwi na tayo."
"No, Deanna.. Ako lang ang babalik, you stay here with your friends and family. You need to spend more time with your son. He's a smart kid, nakakatuwa siya kausap."
"I know.."
"Hey, okay ka lang? You seem bothered kanina pa."
"I'm okay. Iniisip ko lang yung naiwan kong trabaho."
"Wag mo muna isipin yun. Relax. About last night pala, nagising ako ng wala ka sa room."
"Ahh, I was with dad. Just had a couple of beers."
"Okay.. Uuwi na ako bukas ah.."
"Hindi na ba kita mapipigilan?"
"Bakit parang natatakot ka mag isa? You're not alone here.. Kasama mo silang lahat dito, ako nga ang dapat makaramdam nyan eh, but they are so welcoming, ang bait nilang lahat sa akin. Even your wife. Funny, ang ineexpect ko susugurin niya ko or what pero hindi, sobrang bait niya."
"Ganon naman talaga si Jema. Kahit noon pa."
"Di ka pa ba pupunta sa kanila?"
"Dito muna ako. Sige na, balik ka na sa kanila."
"Deanna, tell me.. May problema ba?"
Haaaayyyy...
"I just don't feel myself anymore." napayuko na lang ako at napahawak sa ulo ko.
"Hey, Deanna.. Okay lang yan. Naooverwhelm ka lang masyado."
"Ara, sabihin mo nga.. Ang dami kong ginawang mali sa buhay ko, ang dami kong maling desisyon, ang dami kong nasaktan pero bakit ganito pa rin sila sakin? Patuloy pa din nila akong iniintindi. Bakit di nila ako sumbatan, sigawan at ipagtabuyan? Deserve ko yun. Masa lalo ko tuloy nararamdaman na ang hina hina ko, na parang di nila pwedeng gawin sakin yun kasi baka di ko kayanin, ganun ba yun, Ara? Ganon ba kahina ang tingin nila sakin?"
"Hindi, Deanna.. Iniintindi ka nila kasi mahal ka nila, hindi dahil mahina ka. Takot ka pero di ka mahina. Pero if you'll be braver enough, Deanna to face your greatest fear, matatapos din lahat ng nagpapabigat dyan sa loob mo."
"Do you really love me, Ara? Or you just love me kasi yun ang naisip mong paraan para tulungan ako?"
Ngumiti muna siya sakin bago sumagot..
"I really love you. Yes, I wanna help you, pero hindi kita minahal dahil dun. Di ka naman mahirap mahalin kahit na may pagkacareless ka minsan."
"What do you mean?"
"Mabilis ka magdesisyon without considering the possible consequences. Basta mag dedecide ka na lang ng akala mong makakabuti. Sa nakikita ko, dun lahat nagsimula yung mga nagpapabigat dyan sayo. Pero naiintindihan naman kita, tao lang tayo, nagkakamali. But you have to learn, Deanna. Di pwedeng paulit ulit kang magkakamali, you can't make the same mistake twice and thrice.."
"I don't wanna make the same mistake again, Ara."
"Face your nightmares, Deanna... Ikaw mismo ang mas makakatulong sa sarili mo."
"I will, Ara. I will.."
"You don't need me anymore, Deanna.." she caressed my face.
"What, Ara?"
"I know you still love your wife. I can see it, I can feel it."
"Di ka ba naniniwalang mahal kita?"
"Naniniwala. I feel it. Hey, psychiatrist ako.. I can sense kung nagsasabi ba ng totoo yung tao."
"Minsan nakakatakot ka eh hehe.." I tried to light up the mood, alam ko kasing masyado ng seryoso ang pinupuntahan ng usapan namin.
"Listen, Deanna.. I know you love me but not as much as how you love Jema. Mahal mo ko kasi ako yung nandito. Di ko siya kayang pantayan dyan. Pinili mong di na bumalik kahit pwedeng pwede naman, kahit alam mong tatanggapin ka niya agad kasi ayaw mo na siyang masaktan. She sacrificed a lot for you pero ikaw din naman. Pareho lang kayo. Why not try it again? Para sa anak niyo din. It would be a better world with one less broken family."
"Ayoko na siyang saktan.. Di na ako yung taong minahal niya non."
"Ikaw pa din yun. Just a little damaged but it can be healed, its not too late."
"I don't know, Ara.. I don't know. I can see that she's okay naman without me."
"Think about it, Deanna.. My flight is tomorrow morning, so, I have to pack my things na and rest."
"Are you leaving me?"
"I could still be your specialist... And your friend.."
"Nagbibiro ka lang, di ba?"
"I'm not, Deanna.. I am helping you. Trust me. This is for you. You'll figure it out soon. I advice that you take a long break from work and start figuring out what you really want in your life. Take this advice, Deanna please.. Take a long breather... I don't care how long basta dapat pag balik mo, alam mo na ang gusto mo. Nakapagdesisyon ka na ng maayos."
"I don't know what to say.... Bakit ba lahat kayo iniiwan ako? Ganon na ba ko kaworst at kahirap ihandle?"
"Correction, hindi ka iniwan ni Jema."
"She did, when she chose New York over me before."
"Nakwento mo na sakin yan. She had a valid reason. You made her choose. Kahit siguro ako, pipiliin ko yung ganong opportunity for my career no.."
"Kinampihan mo pa talaga siya ah.." bigla niya kong binatukan ng mahina..
Grabe ah, kailangan bang mambatok..
"Loko! Doctor din ako.. Naiintindihan ko siya sa part na yun. Look at her now di ba.. Dun siya dinala ng desisyon na yun."
"I know.. Haaaay.."
"So, ano? Balik na tayo dun?"
"Sige.. Balik na tayo sa kanila. Sinamahan mo lang pala ako dito para makipagbreak.." pagbibiro ko.
"Hahaha.. Sira ulo! Ayusin mo buhay mo ah? Kundi irerequest ko na talaga na ipasok ka sa mental."
"Mababalitaan mo na lang nasa mental na ko hahaha.."
"Baliw ka talaga! Tara na nga.. Tumayo ka na dyan, Wong!"
![](https://img.wattpad.com/cover/207878746-288-k987229.jpg)
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanfictionFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...