29

3.7K 127 9
                                    

J

Yung sama ng pakiramdam ni Deanna dahil sa kalasingan niya ayun napunta na nga sa sakit, tinrangkaso na siya at inubo.. Ilang araw na din siyang di pumapasok sa trabaho.

"Deannaaa.. Gising ka muna. Kain ka muna para makainom ka na ng gamot."

Anong oras na tulog pa din si Deanna.. Hinawakan ko ang noo at leeg niya ang taas pa din ng lagnat niya. Nag aalala na ko, on and off ang lagnat niya.

"Hmmmm..."

"Sige na, Deanna.. Bangon ka muna, saglit lang."

Kumilos siya at umikot paharap sakin..

"Anong oras na, Jema?" mapungay ang mga mata niya at halata talagang may iniinda siya.

"Past 12 na, baby.. Sige na, kain ka kahit konti para makainom ka ng gamot."

"Ang sama pa din ng pakiramdam ko.. Asan anak natin?"

Tinulungan ko na siya umupo sa kama..

"Ayun oh, naglalaro.." tinuro ko mula sa labas ng pinto ang anak namin na naglalaro sa crib.

Kinuha na niya sakin yung tray, kumain na siya at uminom ng gamot. Di man lang niya nakalahati yung pinrepare kong pagkain.

"Deanna, pacheck up na tayo sa ospital. Ilang araw na yang lagnat mo, on and off pa.. Baka di na lang trangkaso yan."

"You're my doctor naman, wifey di ba? Magaling ka naman eh no need to go to the hospital na."

"I'm serious, Deanna.. Nag aalala ako. Baka mamaya kung ano na yan.. Baka di lang trangkaso yan."

"Okay, okay, wifey.. Sige na, pacheck up tayo para di ka na mag alala.."

"Today, Deanna.."

"Ngayon agad?"

"Oo, para malaman na natin agad.."

"Sige na nga.. Shower lang ako.."

"Bilisan mo lang baka lalong tumaas lagnat mo pag tumagal ka sa bathroom."

"Okay, bibilisan ko lang.."
.
.
.
.
"Hey, baby Jei.. Wag makulit kay dada, nagda-drive si mommy..."  we gave our child a nickname na, and we agreed to Jei or sometimes Deanna called him Jei jei..

On the way na kami sa ospital at ang kulit kulit ng anak namin na hawak hawak ni Deanna..

"Bat parang lalong bumibigat tong anak natin Jema?"

"Ang lakas niya sa milk kasi.. Mag grocery pala tayo after sa ospital, kaya mo ba? Paubos na yung stock natin."

"Kaya ko, wife.. Sige, mamili tayo mamaya."

Pagdating naman sa ospital inassist agad kami ng mga nurse at pinaupo si Deanna sa hospital bed..

Chineck ang temperature niya at nag request na din ako ng iba pang test para sa kanya.

"Wife, matagal pa ba tayo?"

"Medyo, baby.. Nagugutom ka ba?"

"No.. Naiinip na ko eh. Kanina pa tayo dito."

"Matatapos din tayo.. Bili ako food mo, wait lang."

"Wag na, wife.. Wag mo na ilabas si baby.. Baka makakuha pa ng kung anong sakit yan dito eh.. Sa labas na lang kaya kayo?"

"May choice ba tayo? Wala namang magbabantay kay baby.."

Then, I saw Jia coming...

"Oh myyyy, Jemaaaa! I miss you! Hello, Deans.." tumango at ngumiti lang si Deanna sa kanya.

"Uy, Jia! Kamusta?"

"Eto maganda pa rin.. Hehe.. Eto na ba si baby? Ang cute cute!" pinisil pa ni Jia ang mukha ni baby..

"Ang lakas kasi mag milk eh. Ah, bes, matagal pa ba result ni Deanna?"

"Oh, what happened ba?"

"Ilang araw na kasi siyang nilalagnat.. Nag aalala lang ako.."

"Okay, check ko baka may result na.. Para madischarge na kayo. Naku, si baby di pwede ang long exposure dito.."

"Oo nga bes eh. Wala kasi kaming mapag iwanan."

"Sige, bes.. Check ko na yung result ni Deanna."

Pag alis ni Jia, bigla namang nag ring ang phone ni Deanna..

"Yes, Kim?"

...

"Nasa ospital ako.. But nothing serious naman."

...

"What?! Seryoso ka ba, Kim? Hindi magandang biro yan.."

Biglang nag iba ang expression ng mukha ni Deanna.. Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay niya.. Kitang kita ang pag aalala sa kanya.

"No! No! No, Kim! That can't be!"

...

"I'll be on my way!" tapos binaba na niya ang phone niya at napahawak sa ulo niya..

"Deanna, what's wrong?"

Tumayo na siya sa hospital bed at nagmamadali..

"I have to go, Jema.. Emergency lang sa site.. Please, pagkakuha mo ng result umuwi na kayo agad ni baby. Magtataxi na lang ako."

"Wait, what? May sakit ka pa, baka mapano ka sa daan.. Ano bang nangyari, Deanna?"

"Kaya ko, Jema. Sige na.. Kailangan ko na umalis. Ingat kayo ni baby, text me okay? I love you." at ayun nagmamadali na siyang lumabas..

What just happened? Naiwan kaming dalawa ng anak ko dito.. Ni wala akong nakuhang explanation kay Deanna.

Pagkakuha ko ng result niya tinawagan ko agad siya pero di niya to sinasagot. Di na ko nakapag grocery, umuwi na lang kami ni baby..

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon