50

3.9K 154 7
                                    

D

"Ano bang nangyayari sayo, Deanna? Ha? Inaway away mo pa yung guard namin sa ospital."

Kanina pa salita ng salita si Jema dito sa sasakyan. Kung minamalas nga naman, ang traffic pa pauwi.

Gusto ko na lang umuwi, makasama ang anak ko. Sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Jema.

"Ano, Deanna? Di ka magsasalita dyan? Wala kang sasabihin? Di ka magpapaliwanag?"

Anong sasabihin ko? Mag sorry?

Dapat bang mag sorry ako sa nararamdaman ko kanina?

Anong magagawa ko, hindi ako komportable kanina.. Kung alam lang niya yung pakiramdam ko kanina, baka tumakbo pa siya palabas sa ospital.

Ang hirap kaya ipaliwanag yung isang bagay na ikaw mismo di mo maintindihan bakit nararamdaman mo yun.

"Jema, uwi na muna tayo. Ang sakit na ng ulo ko."

"Pano yang braso mo?"

"I'll be fine, Jema.. Please, sulitin na nating yung araw na to. Wag tayong mag away. Babalik na ko bukas sa trabaho ko oh."

"Kailangan bang bumalik ka agad? Look, hindi pa okay yung braso mo. Baka pwedeng mag extend ka pa ng stay mo dito. Pwede naman yun di ba? Di ba, Deanna?"

"I can't, Jema.. Alam mo naman yan eh."

"Kahit man lang 2 days, para sa result ng xray mo.. Para alam ko kung anong gagawin ko. Mag aalala ako ng di naaayos yan."

"Sige na, tatawag ako. Pero di ko mapapangako. May ticket na ko pabalik bukas."

"Alam mo yung reschedule, Deanna? Pwede yun.." okay, Jema being sarcastic..

Ayoko na sumagot. Alam ko namang naiinis siya sa ginawa ko kanina sa ospital eh.

Hindi na kami nakadaan sa mall. Inorder ko na lang online lahat habang nasa byahe kami. Wala na sa mood tong asawa ko eh. Ayoko na kulitin.

Pagdating namin sa bahay dumiretso si Jema sa kusina, sa kwarto ako dumiretso. Nag shower muna ako bago pumunta sa anak ko.

And luckily, gising na to sa bed niya. Naglalaro na lang.. Pagkakita palang sakin ni Jei jei, tumayo agad to at ngumiti sakin..

"Hello, baby.. Miss me?" hinawakan na nito ang kamay ko.

"D-dada..." namiss ko to!

Namiss kong marinig na tinatawag ako ng anak ko..

Kinuha ko na ito sa higaan niya at kinarga.

"I miss you, anak.. Sobraaa.."

Hinawak hawakan na niya ang pisngi ko at hinalik halikan ako sa pisngi..

"Ang sweet naman ng baby kooo..."

Ang laki na nito ni Jei jei.. Nakakatayo na din siya mag isa. Ganito na yung nagagawa ng anak ko di ko man lang nakitang magawa niya lahat to ng una..

Parang nalungkot tuloy ako. Wala man lang ako sa mga first achievement ni Jei jei habang lumalaki. Buti nga kilala pa niya ko kahit limang buwan akong di umuwi.
.
.
.
.
.
----------

J

Hay nakaka stress.. Wala man lang paliwanag si Deanna sa ginawa niya kanina. Kaya pag uwi namin kanina dumiretso na lang ako sa kusina kanina, nagluto na muna ako ng lunch namin.

Di na bumaba si Deanna pag akyat niya. Ano ng nangyari dun.. Wala talagang balak makipagusap.

"Nag away ba kayong mag asawa, Jema? Nakita ko kanina pagdating niyo dire diretso lang kayong dalawa." tanong ni mama habang inaayos ang mesa.

"Misunderstanding lang, ma."

"Napano yung braso ni Deanna? Wala pa yun kagabi ah?"

"Na-out balance lang po siya kagabi, ma. Braso niya yung tumama."

"Makakabalik ba agad siya sa trabaho niya nyan?"

"Hindi ko pa alam, ma."

"Mag usap kayong dalawa. Minsan na nga lang kayo mag sama eh."

"Opo, ma. Saglit lang, ma, tawagin ko lang si Deanna."

Nakaready na yung pagkain, aba at di pa rin bumababa.

Pag akyat ko sa kwarto namin wala naman siya don.. Okay, alam ko na kung nasaan siya.

Sa labas palang ng pinto ng kwarto ng anak namin naririnig ko na si Deanna at Jei jei..

Tawa lang ng tawa ang anak ko...

Tumayo ako sa gilid ng pinto, nakatalikod sa akin si Deanna.. Karga karga niya si Jei jei.. Kinakausap kausap niya to.

"Ano ng favorite food mo anak, ha? Bibilhin yan ni dada.." si Jei jei panay lang ang tawa at hawak sa mukha ni Deanna.

Halatang ang saya saya ng anak namin na makita si Deanna eh..

Ang sarap pag masdan ng dalawang to, kinakausap kausap lang ni Deanna ang anak namin, hinahalik halikan niya to. Tuwang tuwa naman tong anak namin.

"Let's go na kay mommy mo, baby? Ikaw back up ko ah? Nainis siya sakin kanina eh.."

Aba to si Deanna ah.. Natawa na lang ako sa kanya..

"Dinamay mo pa ang anak mo, Deanna.." humarap agad sakin si Deanna.

"Jema... Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo.. Tuwang tuwa ang anak mo sayo. Dinamay mo pa sa kalokohan mo."

"Baby, look, si mommy mo ohhh nagtatransform na naman. Nagiging dragon ohh.."

Lumapit na sakin si Deanna..

"I'm sorry kanina, Jema.. Hindi ko alam ang nangyayari sakin kanina."

"Nag aalala ako sayo, Deanna.. Please, mag stay ka muna ng ilang araw pa dito."

"Okay, baby.. Tatawag ako mamaya.. Galit ka pa sakin?"

"Hindi ako galit. Nag aalala ako.. Lika na, kakain na tayo. Inaantay na tayo ni mama sa baba."

"I love you, wife!" lumapit pa lalo si Deanna at hinalikan ako sa noo.

"Kiss mo din si mommy, Jei.." nilapit pa niya si Jei jei sakin.

Hinalikan din ako nito. Ang sweet naman din ng anak namin na to, nagmana kay Deanna.

Bumaba na kami para kumain.

Mas nag aalala talaga ako sa kalagayan ni Deanna ngayon. Hindi ko na kailangang maging doctor para makita na hindi siya okay.

Nakita ko na dati to.. Ayoko lang mag-assume muna. Gusto ko munang makasiguro. Pero sana naman mali ang nasa isip ko.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon