33

3.8K 154 19
                                    

D

"Kim, ano? Nakasingil na ba tayo? Meron na?" bungad ko kay Kim pag pasok ko sa office niya.

"Wala, dude.. Nasa bakasyon daw si Mr. Litton. Next week pa babalik."

"What?! Next week pa? Pano yan? Sumahod na mga workers natin?"

"Oo, kanina pinasahod ko na.. Pati employees natin dito."

"Pano tayo?"

"Wala naman tayong magagawa, workers at employees muna natin. Di uusad mga projects natin pag di sumahod yung mga yan. Tiis tiis muna hanggang makabawi tayo.."

Napabuntong hininga na lang ako..

Ano pa nga bang magagawa ko? Ilang buwan na kaming ganito. Ramdam na ramdam ko yung nawala sa firm namin..

Nagpapasahod kami sa lahat pero kami mismo ni Kim wala man lang nauuwi.. 

"Here, Deans.." may inabot na white envelope sakin si Kim.

"Ano to, Kim?"

"Sige na, kunin mo na. Mas kailangan mo yan." kinuha ko to at tinignan.

"Para san to? Kala ko ba wala tayo?"

Pera lang naman ang laman ng inabot sakin ni Kim.

"Wala nga. Pero alam kong kailangan mo yan. Alam kong hindi yan ganon kalaki pero sana makatulong, Deans. Sige na umuwi ka na sa mag ina mo.. Ako ng bahala dito."

Pero imbes na umalis, umupo ako sa harap ng table niya..

"Salamat, buddy! Hindi ko na talaga alam kung saan pa kukuha ng pang gastos para sa pamilya ko.. Ang hirap, Kim."

"Bakit kasi di mo pa sabihin kay Jema ang sitwasyon natin? Para matulungan ka niya."

"Ayoko siyang mag alala. Gusto ko sa anak lang namin ang focus niya. Hindi pa din naman siya makakabalik sa trabaho eh, maliit pa ang anak namin."

"At least tell her, Deans.. Asawa mo siya. For sure, may napapansin na din yan si Jema, di lang niya sinasabi sayo."

"Bahala na, Kim.. Sana lang makabawi na agad tayo."

"Sana nga.. Sa dami ba naman ng mga project na na-pull out satin, sana lang may pumalit na mga project pa."

"Meron yan, Kim.. Magtiwala lang tayo."

"Kamusta na yung pinapagawa mong bahay pala?"

"Tapos na, Kim.. Pero ewan, di ko alam kung lilipat ba kami don. Wala naman na akong budget pambili sa mga gamit don."

"Tutal may bahay na kayo, bakit di mo ibenta yung condo mo? Tas yun ang gamitin mo pambili ng mga kakailanganin niyo sa bagong bahay niyo."

"May sentimental value sakin yung condo ko, Kim.. Ayokong ibenta.."

"Eh di ipa-rent mo na lang. What do you think?"

"Bahala na... Sige na, uwi na ko.. Nang makauwi naman ng maaga ulit sa mag ina ko.."

"Sige ingat ka, Deans.."

"Salamat, Kim! Ingat."

Pinilit kong matapos yung construction ng bahay namin pero ang problema wala na kong budget pa para sa mga gamit. Di ko alam kung makakalipat ba kami agad dun.
.
.
.
.
.
----------

J

"Ateeeee! I miss yoouuu!" niyakap agad ako ni Mafe pag bukas ko ng pinto ng unit namin.

Nakakagulat naman to si Mafe, wala man lang pasabi na bibisita siya dito, hindi pa ko nakakapagluto, kakatapos ko lang maglinis ng bahay at maglaba..

Pinapasok ko siya at dire-diretsi siyang umupo sa living room..

"Hoy, loka! Wala ka man lang pasabi na bibisita ka. Wala pa kong ipapakain sayo.."

"Okay lang, ate.. Nagpadeliver ako, maya maya dadating na yun. Namiss kita ate Jema! Ano ka ba! Umupo ka muna dito sa tabi ko."

Ayos din tong kapatid ko ah, handa naman pala sa pag bisita niya, may pa deliver pa ng pagkain.

Umupo na ako sa tabi niya at nagpunas muna ng pawis ko.. Kakatapos ko lang kasi talaga maglinis.

"Anong meron at napabisita ka ha? May boyfriend ka na no?" biro ko sa kanya.

"Sira! Wala ate. Namiss ko lang kayo. Nasaan pamangkin ko? Si ate Deanna asan?"

"Tulog pa si Jei jei.. Si Deanna padating na siguro yun.. Nag message siya kanina pauwi na daw siya eh."

"Kamusta naman kayo ate? Nakakaya niyo pa naman ba?"

Saan nanggaling tong tanong ni Mafe? Anong nakakaya? Okay naman kami ah.. Wala namang problema.

"Okay naman kami, bakit mo naman natanong?"

"Nag aalala lang ako, kaya napabisita na din ako."

"Nag aalala para saan? Okay naman kami dito.. Ganon pa rin."

"Eh kasi baka naapektuhan kayo sa nangyari dun sa firm nila ate Deanna eh. Ang tagal na din nung huli tayong nagkausap ate."

Wait... Teka.. Naguguluhan ako. Anong nangyari? Di ko maintindihan yung sinasabi ni Mafe.

"Teka, Mafe.. Di ko maintindihan.. Anong nangyari sinasabi mo?"

"Di ba yung bumagsak yung ginagawa nilang building non, 5 months ago ata yun. Basta yun.. Balita yun sa firm namin eh, sila nga nag shoulder lahat ng gastos sa building eh.."

"Hindi ko alam yan. Walang nasasabi sa akin si Deanna."

"Seryoso ka ba ate? Wala talagang nasabi si ate Deanna sayo?"

"Oo.. Wala talaga siyang nasabi sakin."

Napatakip siya ng bibig niya..

"I'm sorry ate.. Ang daldal ko. Akala ko alam mo na.. Napangunahan ko ata si ate Deanna. Nag aalala lang talaga ako sa inyo kaya napabisita ako bigla."

"Its okay, Mafe.. Okay nga eh, nasabi mo sakin. At least, naiintindihan ko na bakit ganon ang kinikilos ng asawa ko ngayon. May problema pala talaga siya. Ang hindi ko maintindihan, eh bakit hindi niya sinasabi sakin, ang tagal na pala non."

"Alam kong may valid reason si ate Deanna para dyan, ate."

Narinig naming tumunog ang doorbell. Sabay pa kaming napalingon sa pinto. Baka eto na yung  pinadeliver ni Mafe. Sakto nagugutom na din ako..

Pag kakuha namin ng pinadeliver ni Mafe agad kaming kumain. Gutom na gutom ako dahil sa pagod.

Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain. Kamustahan at kung ano ano pa tungkol sa trabaho niya.

Namiss ko tuloy yung buhay ko sa ospital, wala akong makwento kay Mafe, pano ba naman nandito lang ako maghapon sa bahay. Namiss ko din talaga si Mafe, ang tagal naming di nagkita.

Natutuwa naman ako sa mga achievements niya sa career niya..

Kahit ang saya saya naming nag kukwentuhan di pa din maalis sa isip ko si Deanna, yung pinagdadaanan niya, yung problema niya. Ang tagal na pala niyang tinitiis mag isa lahat yun, di man lang siya nagsasabi sakin, kay Mafe ko pa malalaman yung mga nangyari.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon