J
"Deannaaa..." tawag ko kay Deanna.
Hindi man lang siya gumalaw. Tulog na tulog siya. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama namin.. Alas dos pasado palang ng madaling araw.
"Deannaaaa..." tinapik tapik ko na siya.
"Hmmmm..." umayos lang siya ng higa at yumakap sakin.
"Deanna, wake up please.. Umiiyak si baby.."
Madaling araw na ko nakatulog kanina. Pano ba naman, anong oras na iyak pa din ng iyak si baby, ginawa ko na lahat kanina, pinadede at hinele hele ko pa siya pero iyak pa din ng iyak. Tumigil lang siya ng dumating na si Deanna at kinarga siya.
Madaling araw na kanina nakauwi si Deanna. 1 month after kong manganak bumalik na siya sa trabaho, inumpisahan na kasi yung mga project nila at kailangan siya dun.
Halos isang buwan na ding madaling araw kung umuwi si Deanna. Isang buwan na din akong hirap na hirap patulugin ang anak namin sa gabi.
Dalawang buwan na ang anak namin, sobrang lusog ng anak namin, ang taba taba niya at ang laki talaga. Ang takaw din kasi sa gatas eh, parang kada oras dumedede siya sakin..
"Deannaaaa.." inalog ko na si Deanna.
Sobrang lakas na ng iyak ni baby, di ko alam bat di pa rin natitinag sa pagtulog to si Deanna eh. Nasa gilid lang naman niya yung crib ni baby..
"I'm sleepy pa, Jemaaaa..." nakapikit niyang sagot.
Di ba nito naririnig iyak ng anak niya???
"Deanna! Umiiyak si baby.. Di mo ba naririnig?!"
"Arrrggggg, Jemaaaaa... Baka gutom lang.. Gusto lang dumede ni baby sayo.."
Kainis! Di man lang natinag, niyakap niya pa yung isang unan..
"Baka nakakalimutan mo Deanna, ikaw ang nakatoka ngayon kay baby..."
"Ikaw muna ulit, Jema.. Pleaseeee.. Maaga pa pasok ko bukas..."
Aba, aba! Di lang siya pagod dito.. Pareho lang kami, kung alam lang niya na pag alis niya mag sisimula ng mag wala ang anak niya maghapon hanggang sa makatulog na lang kakaiyak..
Nakakainis naman kasi eh, sinanay niya si baby na lagi niyang hawak at nilalaro. Yan tuloy, nang bumalik na siya sa trabaho, hinahanap hanap siya ng anak niya, ako tuloy nahihirapan pakalmahin si baby...
Imagine, mula umaga hanggang gabi, yun lang ang gagawin ko, kargahin at patahanin si baby kakaiyak. Tapos pag nakatulog si baby, saka lang ako makakapag ayos ng bahay, maglilinis, magluluto at aasikasuhin yung laundry namin.
"Pag di ka gumising dyan, wag ka ng magulat pag wala na kami ni baby mamaya pag gising mo!"
Akmang tatayo na ko ng hawakan ako ni Deanna sa braso..
"Jema namaaan... Sabi ko nga babangon na ko, ako magpapatulog kay baby.. Sige na sleep ka na ulit.."
Bumagon na siya at pumunta sa crib ng anak namin. Buti naman at nagising na tong si Deanna.
Puro na lang ako kay baby, eh siya nga ang hinahanap ng anak namin. Mas mabilis tumahan at makatulog si baby pag siya ang kakarga..
Pag sakin, naku, kung ano ano pang ritual at dasal ang gagawin ko para lang tumahan si baby..
"Bakit umiiyak ang baby James Dean ko? Sinong umaway sa baby ko ha? Tahan na, baby ko.. Dito na si dada.. Tatahan na yan di ba? Di ba, baby?" pagkausap ni Deanna kay baby habang karga niya.
Instantly, tumahan nga si baby.. Ano bang meron to si Deanna at ang dali tumahan sa kanya ng anak namin?
"Ayan, ang good boy naman pala ng anak ko ehhh.. Baby, sleep ka naaaaa.. Antok na si dada eh, may pasok pa ko bukas... Antok na din si mommy ohhh.." hinarap pa niya sa akin si baby..
Grabe, ang instant ng pag kalma ng anak namin pag siya. Nakangiti na agad to..
"Ano bang meron ka, Deanna at ang bilis lang kumalma sayo ni baby?" tanong ko sa kanya, nakaupo na din ako dito sa kama.
"Pogi kasi ako, Jema, pareho kaming pogi ni baby, hehe... Kaya magkasundo kami ni baby James Dean.."
"Ewan ko sayo! Mag sama kayo ng anak mo, ang kulit niyo pareho.. Ikaw na lang kaya dito sa bahay, ako magtatrabaho.. Tutal sayo lang naman tumatahimik agad si baby.."
Nakakatampoooo 🙁🙁🙁
Ako kaya nagdala kay baby ng ilang buwan.. Ako ang nahirapan manganak at kung ano ano pa, tapos mas gusto niya sa dada niya?
Ang daya! Magkamukha na nga sila tapos ganito pa..
Umupo na sa tabi ko si Deanna habang karga si baby..
"Uyyy, nagtatampo si wifey.." nang asar pa tong si Deanna. Nakakainis!
"Ako na lang magtatrabaho.. Mas magkasundo kayo ni baby, ikaw na lang dito sa bahay.."
"Jema naman eh.. Bawal pa sayo, magpahinga ka muna. Saka mas need ka ni baby, dumedede pa siya sayo.. Kaya ko naman kayong buhayin.."
"Bakit sayo ang bilis lang ni baby kumalma?"
"Wag ka na magtampo, Jema.. Masasanay din si baby sayo, patience lang, wife.. Ikaw ang mommy niya dapat mas malapit siya sayo.."
"Haaay... Sana nga.. Ang hirap pag wala ka dito, Deanna. Nakakaawa si baby, maghapon lang iyak ng iyak."
"Masasanay din siya sayo, Jema.. Gusto mo ba kumuha tayo ng makakasama mong mag alaga kay baby? Para di ka masyado mahirapan."
"Ayaw ko, gusto ko ako ang mag aalaga sa anak natin. Ayoko ipagkatiwala sa iba. Basta umuwi ka lang lagi sana ng maaga, Deanna."
"I will try, wife.. Lahat naman ng ginagawa ko para sa inyo.."
Pag tingin ko sa anak namin, tulog na to sa braso ni Deanna.
"Look, tulog na ulit si baby.. Pag sakin siguro yan, baka hanggang ngayon nag wawala pa din yan.."
"Kaw talaga, wife.. Sige na higa ka na. Ilalagay ko lang ulit sa crib si baby.."
Dahan dahan ng nilagay ni Deanna si baby sa crib at saka siya humiga ulit sa tabi ko at yumakap.
"Sleep na tayo, Jema.. Thank you sa pag aalaga sa amin ni baby kahit nahihirapan ka.."
"Lahat gagawin ko para sa pamilya natin, basta Deanna please uwi ka naman lagi ng maaga oh, yung dito ka maghahapunan, yung sabay tayo. Namimiss ko na kasi yun."
"I will, Jema.. Magpapaalam ako sa trabaho.. Basta lagi mo lang ako i-update kahit nasa work ako.."
"Okay, baby ko.. Sleep na tayo, maaga ka pa bukas.. Good night, baby.. I love you!"
"I love you more, Jema! Good night.."
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanfictionFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...