15

4.3K 154 21
                                    

J

"Baby, do you need anything pa ba? Para mabili ko na muna bago ako umalis?" tanong ni Deanna sakin.

Tinutulungan kong mag ayos ng gamit si Deanna dito sa kwarto namin. May convention kasi sila sa Bacolod, 5 days daw sila dun, 3 araw yung convention at yung 2 days tour na din daw nila dun.

"Okay lang ako, baby.. Dadating naman mamayang gabi si Mafe at mama. Anong oras flight mo?"

"3pm flight namin mamaya, baby.."

"Hatid na kita sa airport, baby ah.."

"Hatid? Pano, Jema? Di ka na pwede mag drive, baby. Mag tataxi na lang ako papuntang airport saka delikado ng mag drive ka."

"Kaya ko pa, Deanna.. Hahatid lang naman kita eh."

"Ayoko.. Ang kulit mo, Jema.. Di ba nga bilin ng doctor bawal ka ma stress o mapagod. Kawawa naman, baby natin.. 4 months na lang lalabas na kaya siya.." lumapit pa siya sakin para hawakan ako sa tyan.

Simula ng mabuntis ako lagi na lang akong nandito sa condo. Makakalabas lang ako pag may check up ako o pag ilalabas ako ni Deanna pag wala siyang pasok.

Ayaw niya kasing lumabas ako mag isa, di na nga niya ko pinapayagang mag drive eh. Nabobored na talaga ako, gusto kong maglakad lakad man lang sana.

Pati sa pag gogrocery siya na din gumagawa non, sa laundry namin siya na din. Di ko naman na kasi kaya talaga.

Ang selan ng pagbubuntis ko kala ko kayang kaya ko kasi doctor naman ako pero hindi pala. Bawat galaw ko kailangan ko ng tulong.

Sa pagbangon at paghiga palang hirap na ako ng mag isa, sobrang laki ng tyan ko at ang bigat talaga. Kaya bawat galaw tatawagin ko lagi si Deanna.

Buti na nga lang kahit busy si Deanna, araw araw siyang umuuwi. Lagi niya kong chinecheck kahit nasa trabaho siya. Pag gagabihin siya o di siya makakauwi, tinatawagan niya agad si Mafe para samahan ako dito.

Pero ngayon, limang araw siyang mawawala, sa malayo pa. Kaya kailangan ko talaga ng kasama dito, sasamahan muna ako ni Mafe at mama hanggang sa makauwi si Deanna.

"Nabobored na ko dito, baby.. Gusto ko maglakad lakad man lang sa labas."

"Mausok sa labas, Jema... Kawawa naman baby natin.."

"Sige na, Deanna.. Please, kasama ko naman sila mama."

"Okay okay, wifey.. Basta di ikaw ang mag ddrive, si Mafe, okay?" yes! Pumayag din siya..

"Opo, baby ko! Thank you.." niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Thank you lang, baby?" ano pa bang dapat kong sabihin?

"Ha? May kapalit ba dapat, baby?"

"5 days kaya ako mawawala.. Wala bang ano dyan, Jema? Hehe.." kalokohan na naman..

"Pinagsasabi mo, Deanna. Tara na, mag early lunch na tayo. Baka matraffic ka pa papuntang airport."

"Maaga pa.. Sige na, Jema.. 5 days yun." hinawakan niya pa ko at hinila paupo sa kanya.

"Deanna, di mo ba nakikita? Ang laki na ng tyan ko oh?"

"Eh ano naman, wife? Asawa naman kita.. You're still beautiful to me.."

"Nambola ka pa! Di mangyayari yang gusto mo. Maghintay ka.."

"Jema naman... Sige ka, sa iba na lang.."

"Kung kaya mo.. Subukan mo lang, Deanna!"

"To naman, binibiro lang kita, galit ka agad. Mamaya pati baby natin galit na din.."

"Sino ba nag umpisa? Subukan mo lang talaga, Deanna. Mapuputol lahat ng pwedeng maputol sayo!"

Kainis kasi magbiro eh. Di nakakatuwa. Yun pa talaga gagawing biro..

"Biro lang yun, Jema eh.. Sorry na. Di ko kayang gawin sa inyo ng baby natin yun. Takot ko lang mawala kayo."

"Buti naman malinaw lahat sayo yan. Mag behave ka dun, Deanna ah? Naku! Yang itsura mo pa naman, mapaupo lang kung saan lakas makahila ng mga higad!"

"Baby, kain na lang tayo.. Init na ng ulo mo eh. Love you po!"

"Love you-hin mo mukha mo, Deanna!" kainis eh..

Inalalayan na niya ko patayo.. Kinuha na niya ang maleta niya at backpack saka kami lumabas ng kwarto.
.
.
.
"Ang sarap mo talaga magluto, baby.. Mamimiss ko to for 5 days.. Sama ka na lang kaya sakin?"

Takaw talaga nito ni Deanna. Nagsasalita habang kumakain.. Halos siya na makaubos ng niluto ko.

"Baby, ubusin mo muna yang nasa bibig mo, wag muna magsalita. Mabilis lang naman ang 5 days, basta mag iingat ka dun ah."

"Okay po, wifey ko.. Hmmmm.. Jema?"

"Yes, baby?"

"Gusto ko ng malaman gender ng baby natin. Parang ayoko na ng surprise.."

Ohhh.. Napagkasunduan kasi namin na surprise na lang gender ng baby namin eh, dun na mismo pagkadeliver ko malalaman sana.

"Bakit naman, baby?"

"Dami ko na kasing naiisip na name eh hehe.. Para ready tayo.. Excited na din talaga ako malaman. What do you think?"

"Sure, baby.. Pag balik mo, we will know the gender of our baby."

"Thank you, wifey ko..." sa pagkain na ulit ang attention niya.

"Ah, Deanna.."

"Yes, wifey? Gutom ka pa? Kuha pa kita food?"

"No, baby.. Gusto ko sana tanungin kung kailan mo sisimulan yung construction ng bahay natin eh."

5 month na kasi since nabili namin yun pero wala pa siyang nababanggit na kahit anong plano dun.

"Pag balik ko baby, aasikasuhin ko na yung plano non. Sobrang busy kasi eh di ko masingit yung plano non."

Sabagay, sobrang busy talaga ni Deanna. Sabay sabay yung mga project nila eh. Pero gusto ko na sana masimulan yung sa bahay namin. Ayoko dito sa condo lumaki anak namin eh.

"Sige, baby.. Sana magka time ka asikasuhin yun. Sayang naman yung oras eh. Sana nasimulan na yun."

"Ako bahala, Jema. Pag balik ko aasikasuhin ko.."

"Okay, baby.. Tapos ka na ba?"

"Yes. Ako na bahala dito. Upo ka na muna sa couch.. I-book mo na pala ako ng grab, baby aagahan ko na umalis. Baka matraffic ako."

Ngayon pa lang nalulungkot na ko. Limang araw din yun, di ako sanay na mawala ng ganon katagal si Deanna. Di ako nakakatulog pag wala siya eh, pano na yung limang araw na wala siya. Haaaayyy..

Pero wala namang akong magagawa, lahat naman to ginagawa ni Deanna para samin. Ang swerte ko nga sa kanya eh, masipag at sobrang mapagmahal at maalaga.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon