D
"Ang cute cute naman nitong pamangkin koooo... Ano baby, gwapo gwapo naman ohhhh.."
"Uy, ate Cy.. Tama na yan, kanina mo pa nilalaro si baby eh.. Pahiram muna ng anak ko.."
Mabilis naman ang recovery ni Jema, pagkatapos ng ilang araw nakalabas din naman kami ng ospital. Very healthy ang baby namin, si Jema naman need muna magpahinga talaga, bawal muna siya magpakapagod at magbuhat ng mabibigat.
Dito muna nag stay sa condo namin sila mommy, dad at ate Cy.. Sila mama at papa sa condo naman ni Mafe nag stay, pumupunta punta lang sila dito.
"Ihhh, mamaya na, Deanna, please.. Sakin muna si baby JD.."
"Anong baby JD, ate???"
"Nickname ni baby.."
"Aba, ikaw pa nagbigay ng nickname sa baby namin, James Dean lang, ate.."
"Ehhh sige na nga.. Sige na sakin muna kasi si baby pleaseee..."
Ano ba naman to si ate, kaninang umaga pa niya hawak si baby eh, pag gising palang, siya na may hawak.. Gusto ko na laruin anak ko eh..
"Sige, pero pag nagising na si Jema, kukunin ko na sayo si baby, hahanapin na ni Jema anak namin pag gising niya."
"Sure, baby Deans... Hihihi.."
"What's happening here? Where's my apo?"
Ay naku, ayan na si mommy, dumating na sila ni dad from supermarket..
"Hi, mom.. I'm hungry na mommy, please cook na. Si ate Cy, ayaw ibigay sakin si baby eh.."
"Akin na nga ang apo ko..." ayan na, kinuha na ni mommy kay ate si baby.
"Anak, let's go.. Ayusin na muna natin sa kitchen tong mga pinamili namin. Hayaan mo na muna sila mommy mo dyan.."
"Okay po, dad."
Nagpunta na kami sa kitchen ni dad at inayos yung mga pinamili nila, sila mommy naiwan na sa living room.
Sobrang dami naman ng binili nila. Pang 2 months na ata tong stock eh..
"Dad, ang dami niyo namang pinamili?"
"Mas okay na yang madami, para di na kayo mag gogrocery.. Tulog pa ba si Jema?"
"Kanina dad nagising pero natulog ulit. Masama daw pakiramdam."
"Its normal, anak. Kakalabas lang niya sa ospital eh. Hayaan mo muna magpahinga."
"Yes, dad. Ano ba lulutuin ni mommy?"
"Etong nasa paper bag, nandito lahat ng lulutuin niya, pinahiwalay na niya kanina."
"Ah, dad, thank you po pala."
"Thank you saan, anak?"
"For coming, dad. Kahit biglaang, pumunta kayo agad dito to help us."
"Deanna, its okay, anak namin kayo, nandito kami para alalayan kayo. Pero, anak, isa lang ang ipapayo ko, alagaan mo ang asawa at anak mo. Wag mo sila pababayaan. Dapat sila na ang priority mo ha? Family comes first."
"Opo, dad. Tatandaan ko po yan.. Sila na ang priority ko."
"Yung trabaho, Deanna, madami yan pero yung pamilya mo iisa lang. Kaya always make decision wisely ha, anak?"
"Yes, dad. Thank you sa advice po."
"Sure, no problem, anak.. We're just one call away lang ng mommy at ate mo."
Pagkatapos namin mag ayos ni dad, pinuntahan ko si Jema sa kwarto namin.
Pag pasok ko ng kwarto, tulog na tulog pa din siya.
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanficFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...