25

3.8K 135 12
                                    

D

"Yes, sir.. Sige po. Follow up ko po kayo later this day po.. Thank you, sir.. Bye po."

Pag baba ko ng tawag nag ring ulit to..

"Hello, Kim.. Bakit?"

"Nasaan ka na, Deanna?"

"Ha? Anong meron? Nasa bahay pa ko.."

"Bakit nandyan ka pa? Dadating daw ngayon si Mr. Litton dito sa site, tinext kita kagabi ah. Di mo ba nabasa?"

"Ha? Di ko pa nababasa. Umiiyak kasi si baby pag uwi ko kagabi."

"Pinaiyak mo na naman inaanak ko! Sige na, bilisan mo na. Pumunta ka na dito.."

"Sige, sige, Kim. Bye.."

Anong oras na, male-late na ko.. Dapat kanina pa ko nakaalis pero tong si baby James Dean, kanina pa iyak ng iyak, di ako nakapag ayos agad..

"Deannaaaa! Si baby umiiyak! Ano pang ginagawa mo dyan sa kwarto?! Kunin mo dito anak mo... Di pa ko tapos mag luto.." sigaw ni Jema mula sa kusina.

Natataranta na ko, di ko na alam uunahin ko.. May tumatawag na naman sa phone ko, si baby iyak na iyak, yung mga gamit ko di ko pa naayos.

Pag tingin ko sa phone ko, si Mr. Litton ang tumatawag.

"Hello, sir.."

"Good morning, engineer.. I'm on my way na sa site. I'll see you later, okay?" naku po nasa bahay pa ko.

"Yes, sir.. See you later po. Ingat po.."

"All right, bye, engineer.."

Nagmadali na kong mag suot ng long sleeves ko, bahala na, kung ano na lang makuha ko sa cabinet. Basta na lang ako nag tuck in at tiniklop yung sleeves ko. Mamaya na ko sa site mag aayos ng mabuti.

Pag labas ko ng kwarto kinuha ko agad sa crib si baby..

"Baby, stop crying na ohh.. Papasok pa si dada, baby.. Late na ko, tahan na baby, please.."

Kahit anong karga at pagpapatahan ko kay baby, unusual lang, di pa rin siya humihinto sa pag iyak..

"Deanna, bakit ganyan suot mo? Saan mo nakuha yan?"

"Sa cabinet natin, Jema.. Bakit? Anong masama sa suot ko?"

"Di ko pa napaplantsa yan.. Nahalo pa ata sa mga nahanger ko kahapon sa cabinet.. Magpalit ka dun, lukot lukot pa yan.."

"Wag na, Jema.. Late na ko. Dadating na yung owner ng project namin.. Sige na oh, ikaw na magpatahan muna kay baby. I need to go na, wife.."

"Dyan ka lang, kukuha ako ng pamalit mo.. Di pwede yan, lukot lukot pa.." naku naman Jema..

Pumasok na ng kwarto si Jema, pagbalik niya may dala na siyang bagong long sleeves..

"Akin na si baby, magpalit ka na.." kinuha na niya sakin si baby..

"Jema naman, late na ko pinagpalit mo pa ko.." reklamo ko habang nagpapalit.

"Nagrereklamo ka pa, ayoko naman na lukot ang suot mo sa trabaho tapos dadating pa yung owner ng project niyo.."

"Okay na ba? Pogi na ba ko?"

"Pogi mo mukha mo.. Teka nga, ayusin mo tuck in mo.." lumapit pa siya sakin at inayos ang damit ko..

"Hawakan mo to si baby, ayusin ko sleeves mo.." kinuha ko si baby sa kanya.

"Baby James Dean, stop crying na ha? Wag mo papahirapan si mommy pag alis ko ah.. Behave ka lang, mag wowork lang si dada.." salamat naman kumalma na kahit papaano tong anak namin.

"Ayan, okay na.. Tingin nga.. Ang cute niyo naman.. Wait."

What? Anong gagawin nito ni Jema? Nagmamadaling pumasok ng kwarto namin.

"Jema! Aalis na ko, late na ko.." tawag ko sa kanya..

"Eto naaaaa..." pag balik niya hawak na niya yung phone niya.

"Ayos ka ng tayo, Deanna.. Picturan ko kayo ni baby, ang cute niyo ehhh.." hinarap na niya yung phone niya samin.

"What? Ano ba yan, Jema.. Late na ko.."

"Ayos ka na, sige na.." umayos na ko ng hawak kay baby..

"Okay.. 1, 2, 3, smile....."

Nagpictorial pa to samin si Jema, late na nga ako..

"Ang cute niyong dalawa!"

"Okay, sige na, wife.. Kunin mo na to si baby, aalis na ko.. Late na talaga ako."

"Wait, baby.. Kain ka muna nagluto ako.."

"Late na ko, sa site na ko kakain.."

"Ehhh.. Sige na nga, nag prepare ako ng baon mo, dalhin mo na lang yun.."

"Sige, wife.. Kunin mo na to si baby.." binigay ko na sa kanya si baby..

Kinuha ko na yung baunan sa mesa at pinasok sa bag ko.

"Sige na, alis na ako, Jema.. Ingat kayo dito ni baby. Always lock the door ah? Wag basta basta magbubukas ng pinto."

"Opo.. Sige na, late ka na. Uwi ka maaga, Deanna ah.."

"I will try, my wife.. Mag memessage ako sayo."

"Okay, I love you.. Ingat ka."

"I love you too, Jema.. I love you, baby James Dean." hinalikan ko na si Jema at ang anak namin saka lumabas ng unit.

Bibilisan ko na lang mag drive.. Dapat mauna ako sa site bago si Mr. Litton, nakakahiya naman pag siya pa ang mauuna sa akin.
.
.
.
.
.
Pagdating ko sa site, nagpark lang ako at saka nagmadaling pumasok sa loob.

"Deans! Here.." tawag sakin ni Kim.

"Oh, engineer.. Nauna ako sayo.." naku po.. Nauna na nga sa akin si Mr. Litton.

"I'm sorry po, sir.."

"Its okay, Deanna. I understand. Kamusta naman ang buhay may anak?"

"Challenging, sir pero masaya po."

Alam naman ni Mr. Litton na may anak na ako. Nabanggit ko kasi sa kanya dati yung nung once na lumabas kami for formal contract signing ng mga magiging project namin sa kanya.

"Mahirap lang talaga sa umpisa yan pero masasanay ka din. Kamusta pala progress natin dito?"

"Okay naman, sir. On time po lahat ng gawa."

"Good, Deanna! Yan ang gusto ko sayo eh, ang ayos mo mag trabaho. Pero, kailangan mo bumawi sakin ah? Late ka, nauna ako sayo dito."

Uh-oh.. Oo nga, need ko bumawi nakakahiya naman yung pagka late ko kanina.

"Sure, sir.. Pano po ba ko makakabawi, sir?"

"Bibisitahin ko lang yung ibang site. Let's go out tonight, let's meet tonight at The Palace, my treat. Okay lang ba?"

Naku, The Palace.. Bar.. Paano ako magpapaalam nito kay Jema?

"Ano, Deanna? Deal? The Palace, later?" di agad ako nakasagot.

"Sure, sir.. We will be there.." si Kim na ang sumagot.

"All right, aasahan ko kayong dalawa mamaya ah? Una na ako.." pagpapaalam sa amin ni Mr. Litton.

"Huy, Kim.. Oo ka naman agad eh, di pa ko nagpapaalam kay Jema."

"Magpaalam ka na ngayon, para good to go na tayo mamaya.."

"Eh nagsabi nga si Jema kanina na umuwi ako ng maaga, alam mo naman na lagi na kong madaling araw nakakauwi eh."

"Alam ko naman yan, Deans. Pero nakakahiya naman sa client natin oh, tapos si Mr. Litton pa yun, remember kung ilang project ang ipinagkatiwala niya satin. Minsan lang naman, maiintindihan naman ni Jema yan."

"Sige na, tatawagan ko na lang siya mamaya. Tara na dun, magtrabaho na muna tayo.."

Paano kaya to? Gusto ko sana bumawi kay Jema eh, ngayon na lang sana ako makakauwi ng maaga, sumabit pa ko sa aya ng client namin. Ang hirap naman tumanggi, big client namin si Mr. Litton.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon