D
Nakauwi na kami at lahat hindi pa rin ako kinakausap ni Jema..
Mukhang nahalata nga agad ng mama ni Jema na hindi kami okay eh.. Kinuha lang niya agad samin si Jei jei pagdating namin kanina, pati yung mga pinamili namin siya na ang nag ayos..
"Jema, please kausapin mo naman ako, galit ka ba?"
Haaayyy.. Sinasabi ko na nga ba eh, hindi magugustuhan ni Jema ang desisyon ko..
Para bang di ako narinig ni Jema, tuloy lang siya sa ginagawa niya sa harap ng salamin..
Tumayo na ako sa kama at lumapit sa kanya, umupo ako sa upuan sa tabi niya. Ayokong palipasin tong gabi na to ng di kami nag uusap ng maayos.
"Jema, please.. Kung ayaw mong umalis ako hindi ako aalis. Wag lang ganito.. Di ko kayang magalit ka sakin."
Huminto na siya at tumingin sakin..
Ito ang ayokong makita, ang malungkot na mga mata ng asawa ko..
Ako na naman ang dahilan kung bakit malungkot ang mga mata ni Jema.. Haaaayyyy..
"Bakit kailangang ako ang mag desisyon, Deanna?"
"Hindi naman sa ganon, Jema. Pero gusto kong malaman kung anong gusto mo.."
"Sa tingin mo gusto ba namin ng anak mo na mapalayo ka samin ng mahigit isang taon? Ikaw, Deanna? Kaya mo bang mapalayo samin ng ganon katagal?"
Napabuntong hininga na lang ako at napaiwas ng tingin kay Jema..
Hindi ko naman intensyon at ginusto na mapalayo sa kanila. Ginagawa ko to hindi lang para sa firm namin kundi para din sa pamilya namin, para kay Jema at sa anak namin.
"Hindi mo masagot, Deanna? Okay.. Matulog na tayo. May duty pa ako bukas.."
Tumayo na siya at diretsong humiga sa kama..
Kung pwede ko lang silang dalhin ni Jei jei dun ginawa ko na. Pero may trabaho si Jema dito at alam kong hindi niya basta basta iiwan yun.
Napayuko na lang ako at napahawak sa ulo ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko..
"Halika na dito, Deanna.. Matulog na tayo.." tawag sakin ni Jema.
Agad akong tumayo at humiga sa tabi niya.. Yumakap siya sakin at umulo sa braso ko..
"Wag kang magalit sakin, Jema.. Pleaseee..."
"Kailan ang alis mo papuntang Bacolod?"
"Papayag ka na bang umalis ako, Jema? Hindi ka galit?"
"Wala naman akong magagawa.. Kung yan ang kailangan, susuportahan kita.. Ayoko ng pag awayan pa natin to.."
Teka, tama ba tong naririnig ko kay Jema?
Pumapayag na ba talaga siya?
Hindi siya galit?
Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko.. Binuksan ko ang lampshade sa tabi ng kama namin para makita ko ng maayos ang asawa ko.
"Baby, hindi ka galit? Payag ka na talaga?"
Pati siya napabangon na din.. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos haplos ito..
"Alam ko naman na gagawin mo yan para sa pamilya natin. Kilala kita, Deanna mula pa noon.. Dati, gagawin mo lahat para sakin. Ngayon, ginagawa at tinitiis mo ang lahat para sa pamilya natin. So, tell me, dapat bang magalit ako?"
"I love you, Jema..." yun lang ang tangi kong nasabi.
Napakaswerte ko talaga kay Jema..
"Mahal na mahal din kita, Deanna.. But please, behave ka dun ha? Please... May anak na tayo, okay? Ha?" at tinapik niya ng mahina ang pisngi ko at kinurot.
"Lika nga dito, baby..." hinila ko siya sa harap ko at niyakap.
"Magbebehave ako dun, Jema.. Promise.. Saka uuwi naman ako dito lagi pag may pagkakataon.."
"Alam ko naman na gagawa ka ng paraan para makasama kami.. Nag aalala lang ako.. Di kita maaalagaan dun. Saan ka titira dun? Paano pagkain mo?"
My Jemaaaaa... Mahal na mahal talaga niya ko, ngayon palang inaalala na niya ko..
"Baby, hindi pa ko umaalis nag aalala ka na agad sakin.."
"Of course, wala ako dun para alagaan ka. Naku, mamimiss mo kami ni Jei jei..." lalo kong niyakap si Jema.
"Sobrang mamiss ko talaga kayo, baby.. But, don't worry.. Papakiusapan ko yung cliet namin na baka pwede akong umuwi kahit every two weeks.."
"Naku, baby.. Sayang naman sa pamasahe yan.. Ipunin mo na lang yun.."
"Sagot naman nila lahat, baby eh.. Saka mabait yung client namin.. Basta akong bahala.. Saka lagi akong tatawag at magvivideo call sa inyo."
"Okay, okay, baby... Basta mag iingat ka dun.. Dapat pala maayos na natin mga gamit mo.."
"May two weeks pa, baby.. Gusto mo na ba ko umalis agad?"
"Ay sus, ang asawa ko naglalambing.. Ayoko mang paalisin ka pero kailangan.."
"Don't worry, wifey.. Pagkatapos nito, bawing bawi na tayo at hindi na talaga ako tatanggap ng project na malayo sa inyo ng anak natin.."
"Oh siya, sige na.. Matulog na tayo.. Hatid mo ko bukas sa ospital ah, baby.."
"Yes, my wife! Ihahatid kita bukas.. At susunduin pa.."
"Aba, aba.. Napakasweet naman pero di ko tatanggihan yan.. Hihihi.. Love you, baby ko!"
Naglambingan pa kami ni Jema at nagkulitan bago nagdesisyong magpahinga..
Buti naman at naging maayos din ang lahat. Ibang iba na talaga kami ni Jema.. Mas malawak na ang pag iisip namin sa lahat ng bagay.
At ang masasabi ko lang sobrang swerte ko talaga sa asawa ko.. Lagi niya akong iniintindi at ramdam na ramdam ko talaga kung gaano niya ako kamahal.
BINABASA MO ANG
Locked Away
Hayran KurguFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...