14

4.4K 152 20
                                    

D

"Baby, okay ka lang ba? Matamlay ka eh.. Ang putla mo pa, nag aalala ako, baby.. Dalhin na kaya kita sa hospital muna?"

Nag aalala ako kay Jema, ilang araw na siyang matamlay. Wala siyang gana kumain, gusto lang niya lagi ang matulog at humiga.

"Sige na, baby.. Okay lang ako. Pasok ka na, baka ma-late ka pa sa meeting niyo."

Di naman talaga meeting yun, kaming dalawa lang naman talaga ni Kim ang mag uusap at si Ysa, yung architect namin. May ididiscuss daw siya saming project.

After pa sana ng result ni Jema ako babalik sa trabaho kaso kailangan na talaga eh. May nag request daw na client sakin, sayang naman kung di ko tatanggapin. Para din sa future namin ni Jema yun.

"Nag aalala ako, Jema. Daan muna kaya tayo sa hospital? Baka kasi may kinalaman yan sa process na ginawa nung nakaraan sayo. Please, baby oh, pacheck up ka na, sasamahan kita." lumuhod na ko sa harap niya at hinawakan ang kamay niya.

Ang tamlay kasi talaga ng asawa ko eh. Di ko kayang umalis ng ganito siya.

"Pano yung meeting mo?"

"Baby, pwede naman ako magsabi na i-move ng later time yun. Maiintindihan naman nila. Please, Jema.. Nag aalala ako.."

"Okay, baby.. Sige pacheck na tayo, magbibihis lang ako." tinulungan ko na siyang bumangon..

"Baby, dun na lang tayo sa Makati Med magpunta para malapit na din sa office ko."

"Sure, baby.."
.
.
.
.
"Oh my god, Jema! You're here.. Ano babalik ka na ba dito? Kailan ka pa nakabalik? I miss you so much, bes!"

Nakakatuwa talaga to si Jia.. Halatang miss na miss niya si Jema.

"Bes, miss na miss lang? Batiin mo naman yung asawa ko.."

"Ay, sorry, sorry.. Namiss kasi talaga kita, bes.. Sobra! Hi, Deanna, nakabalik na pala kayooo."

"Hello, Jia.. Yes, nakabalik na kami. Papacheck up ko sana si Jema. Ang tamlay niya."

"Owww, sure, sure.. Bes, ano ba kasing nangyari sayo, ang putla mo nga.." tinignan na ng mabuti ni Jia si Jema sa mukha.

"Wala bes, nasa condo lang ako lagi.. Nag undergo kasi ako ng implantation 2 weeks ago, di pa kami nakakabalik sa doctor ko, this weekend pa kami babalik." sagot ni Jema kay Jia.

"Oh myyyy.... Jema, baka preggy ka na!" napatakip pa ng bibig si Jia.

Owww! Sana nga buntis na ang asawa ko! Bigla akong na excite! Sana talaga!

"Agad, bes? Excited ka pa sakin.."

"You know what, let's go.. Ako na mag aasikaso sayo. Let's go, Deanna, dun tayo.." pinaupo ni Jia si Jema sa isang bed dito sa emergency.

"Wait lang ah, ayusin ko lang yung request. Papakuhanan kita ng blood sample, bes ah."

"Okay, bes.."

Umalis na si Jia.. Umupo ako sa tabi ni Jema.. Ang tamlay talaga ng itsura niya.

"Baby, okay ka lang ba? May gusto ka bang food? Di ka naman kumain kanina eh."

"I'm okay, baby.. I'm sleepy.." yumakap na siya sakin..

"Inaantok ka ulit, baby? Aga aga mo kayang natulog kagabi tapos late ka na nagising kanina."

"Kakaantok, baby eh... After this, uwi na ko, baby ha? Mag grab na lang ako, diretso ka na sa office mo."

"Sama ka na sakin sa office, baby. Saglit lang naman yung meeting namin. Dun ka muna sa office ko, may couch naman dun, pwede ka mag rest dun."

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon