J
"Jema.... Jema! Jema, wake up!"
Arrrggghhh! Ang sakit ng ulo ko...
"Jema, please.. Wake up now.. Tumawag si tita sakin.."
Ano daw? Ano bang sinasabi nito ni Jia..
"Jema, let's go.. Nasa ospital daw si Jei jei sabi ni tita."
Pagkarinig ko palang ng pangalan ng anak ko napatayo agad ako kahit hilong hilo pa ko..
"What?!" napahawak ako sa balikat ni Jia.
Para akong matutumba sa hilo..
"Ako ng mag aayos ng mga gamit natin. Take a shower now, Jema.. Pupuntahan natin ang anak mo.."
"Teka, teka, Jia.. Asan ang phone ko? Gusto kong makausap si mama.."
"Chinarge ko.. Lowbat ka na pala. Kagabi pa daw tawag ng tawag sayo si tita."
Ano?! Kagabi pa yung emergency at wala akong kaalam alam..
Parang gusto kong iuntog ang ulo ko!
"Come on, Jema.. Take a shower.. Magiging okay si Jei jei.."
.
.
.
.
.
Si Jia ang nag dadrive.. Pinapalipad na niya yung sasakyan makarating lang agad kami sa ospital.Tinatawagan ko si mama kanina pero hindi niya sinasagot. Gusto kong tawagan si Deanna pero natatakot ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko alam kung alam na ba ni Deanna o ano.. Kailangan ko ng makarating sa anak ko..
"Jema.. Everything is gonna be okay."
"Kasalanan ko to, Jia.. Hinayaan ko ang anak ko. Dapat ako ang nagbabantay sa kanya."
"Walang may kasalanan, Jema.. Malapit na tayo. Makikita mo na siya."
Hindi ko mapigilang di umiyak.. Please, sana naman walang masamang nangyari sa anak ko..
Hapon na kami nakarating ni Jia ng ospital. Bumaba na agad ako sa entrance palang.. Tinakbo ko kung nasaan ang anak ko..
Pag pasok ko sa kwarto.. Nakita ko agad si mama.
"How's Jei jei?" hingal na hingal ako..
Nakita ko ang anak ko na nakahiga sa bed. May nakakabit na oxygen sa kanya at kung ano ano pa.
Awang awa ako sa anak ko.. Parang dinudurog ang puso ko sa sakit..
"Jema, anak.." tawag ni mama sakin.. Niyakap niya ako.
Lumapit ako sa anak ko..
"Jei jei, anak.. Nandito na si mommy anak..." tuluy tuloy lang ang agos ng luha sa mga mata ko.
Ano bang nangyari sa anak ko..
Narinig kong bumukas ang pinto.. Napalingon ako dito.
"What are you doing here? Party's over, Jema? Ha?"
It's Deanna.. And she's looking at me intently..
Alam kong sa mga pagkakataon na to, galit sakin si Deanna. Ngayon ko lang nakita na ganito niya ko tignan.. Sa mga mata palang niya parang unti unti na niya kong dinudurog..
Nagpaalam muna si mama na lalabas..
Hindi lumalapit sakin si Deanna. Nakatayo lang siya sa may pinto.
"Deanna, please.. Let me explain.. Hindi ko alam na---"
"Enough, Jema. Hindi ko kailangan ng paliwanag mo."
"Anong ibig mong sabihin, Deanna?"
"How's the party, Jema? Masaya ba? Marami ka bang nainom?"
"Deanna, please.. Hindi ko ginustong mangyari to sa anak natin."
"Pinabayaan mo siya! Dahil gusto mo lang mag party, mag unwind, talaga, Jema? Ngayon mo pa naisipang gawin yan! Alam mong maselan ang lagay ni Jei jei pero iniwan mo siya!"
Galit na galit si Deanna sakin.. Umiiyak na ko pero parang wala siyang pakialam.
"Deanna, please... I'm sorry, hindi ko sinasadya.. Wag mo naman sabihin na pinabayaan ko ang anak natin."
"Ikaw ang naiwan dito.. Sabi mo kaya mong alagaan si Jei jei!"
"Minsan lang ako nagkamali, Deanna.. Wag mo namang palabasing pabayang ina ako.."
"It almost cost our son's life, Jema! Just get out of here.."
Lumapit na siya sa bed ni Jei jei.. Hinawakan niya ang kamay nito.. Kitang kita ko sa mga mata ni Deanna kung gaano siya nasasaktang makitang ganoon ang lagay ng anak namin..
"Muntik na siyang mawala, Jema.." hindi niya inaalis ang tingin niya kay Jei jei..
"I'm sorry, Deanna.. I promise, hinding hindi na mauulit to. Patawarin mo ko.."
"Dadalhin ko muna sa Cebu si Jei jei. Mas malayo sa polusyon dito. Mas matututukan siya dun nila mommy. You can resume to your life, Jema. Kahit mag overtime ka sa ospital, kahit ilang oras pa yan, kahit lumabas ka at mag party walang pipigil sayo."
Tang ina, Deanna! Ano tong pinagsasabi niya!
Iniharap ko siya sakin... Hindi niya pwedeng ilayo ang anak ko sakin!
"Anong pinagsasabi mo, Deanna ha? Hindi mo pwedeng ilayo si Jei jei sakin. Ako ang nanay niya!"
"Wala akong paki alam, Jema.. I'm not risking my son's life here again.." kung tignan niya ko parang hindi niya ako asawa. Parang hindi ako ang nanay ng anak niya.
"Nakapagdesisyon na ko. You can leave now. Hindi ka namin kailangan dito. Sige na, baka may hangover ka pa."
"No, Deanna! No!"
Hinawakan niya ko sa kamay at hinila palabas ng kwarto ng anak namin at saka ako binitawan..
"Leave now, Jema! Leave! Umalis ka na!"
Napaupo na lang ako dito sa lapag.. Wala na kong pakialam kung may makakita pa sakin.
Iniyak ko na lang lahat! Ang sama sama ko! Napabayaan ko ang anak ko...
Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko..
"Anak, halika na.. Umuwi na muna tayo. Hayaan mo na muna ang asawa mo. Pahupain mo muna ang lahat. Sige na, tumayo ka na.."
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanfictionFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...