36

3.8K 143 41
                                    

D

"It's been a long time, Deans.. How are you now? And Jema, kamusta na siya?"

I don't know how to answer this question.. Kamusta na ba talaga ako, kami.. Hindi ko alam.

Imbes na sagutin ang tanong, sumandal ako sa upuan at tumingin sa taas.. Ang ganda ng mga bituin, kumikinang silang lahat..

Ang sarap lang nilang pag masdan lahat, punung puno ng buhay.. A stargazer's happiness, this night, those bright stars.

"Okay, I get it.. Kahit wag mo na sagutin, Deans."

I released a deep sigh..

"Ang lalim naman nyan, Deans.. Di ako sanay na ganyan ka."

Hindi ko alam kung saan sisimulan para maipaliwanag ang bigat at hirap na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali.

"Nandun pa ba yung baseball bat?" tanong ko.

Parang nagulat pa siya sa tanong ko. Napahinto siya sa pag inom ng kape niya at takang takang tumingin sakin.

"You wanna play again? After how many years?"

"Why not? Pag may problema ako noon naglalaro kami non, tapos okay na ko ulit. Baka sakaling gumaan tong nararamdaman ko."

"Ano ba talagang nangyari, Deans? At least give me a hint. Gusto kong maintindihan ka. Kaibigan mo ko, I wanna help, buddy. Ako pa din to kahit ang tagal nating di nagkita."

Hindi ko naman talaga maitatago lahat to.. Lalo na sa kanya..

"I don't know, Mads.. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali."

"Tell me what really happened.."

"Akala ko magiging madali lang lahat after ng kasal namin pero hindi pala. Tapos nagka anak kami at lahat, akala ko okay na lahat pero hindi pa rin pala."

"May problema kayo ni Jema?"

"Hindi ko alam, Mads."

"Anong hindi mo alam? Anong klaseng sagot yan, Deanna."

"I don't know nga, Mads. Tara na, maglaro na lang tayo. Nandun pa ba yung mga gamit natin dati?"

"Sasapakin kita eh, gabi na.. Baka hinahanap ka na ni Jema."

"Nasa ospital yun.. Bukas pa ng umaga out non.."

"Eh sinong nagbabantay ng anak niyo?"

"Nandun mama ni Jema sa bahay namin.. Siya muna nagbabantay pag wala kami."

"Di ka pa uuwi? Baka hinahanap ka na ng anak mo.."

"Mads namaaaan... Ngayon ka na nga lang nagpakita, di mo pa ko mapagbigyan.."

"Inaalala ko lang yung pamilya mo, baka hinahanap ka na. Magpaalam ka muna kay Jema."

"Okay na yun, Mads. Di niya rin mababasa agad pag nagmessage ako sa kanya. Busy sa ospital yun. Tara na kasi, saglit lang tayo.."

"Fine.. Pero wait, I'll message Jema pa din para alam niyang kasama mo ko.." nilabas pa niya ang phone niya at akmang mag memessage. Inagaw ko to.

"Wag na kasi, Mads.. Sayang effort, di rin mababasa nga ni Jema yan. Tara na!"

Sumakay na ko sa kotse ni Mads. Iniwan ko na sa office yung kotse ko. Nagulat nga ako kanina ng biglang dumating sa office si Mads sa tagal niyang nawala.

"Ako mapapahamak sayo eh mamaya isipin ni Jema kinukunsinti kita sa kagaguhan mo."

"Sira, kagaguhan ka dyan, eh maglalaro lang tayo saglit."

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon