D
"Dude! Come on, Deans. Labas ka na dyan.."
"Wait lang.. Palabas na ko.."
Ano ba naman to si Bea, nagmadali tuloy ako sa pagsha-shower.
"Woohhh! Thank you! Natapos ka din, Deans. Bat ba ang tagal mo mag shower?" bungad agad ni Bea sakin pag labas ko ng bathroom.
"Normal ko yun, Bea.. Binilisan ko pa nga eh.."
"Grabe naman, mabilis pa sayo yun ah.. Bihis ka na, Deans.. Inom na inom na ko! Hahaha.."
"Anong inom ka dyan? Eh team dinner lang naman yun."
Umupo na ko sa may couch sa paanan ng kama ko.. Magpapatuyo muna ako ng buhok bago magbihis.
"Kasama na yun dun no? Ano akala mo kakain lang tayo tapos uwi na? Kaya nga tayo lalabas para marelax yung team natin eh. Sige na, bihis ka na. Sa balcony lang ako." lumabas na si Bea ng kwarto namin.
2 months na since ng makabalik ako dito sa Bacolod. Di ko na inantay yung 1 week na sinabi ni Jema sakin non para sa recovery ng sprain ko. Sinabi ko na lang na dito na lang ako magpafollow up ng check up ko.
Nung una ayaw pumayag ni Jema pero kinulit ko talaga siya, pumayag din siya basta lagi daw ako mag uupdate. Okay naman na yung braso ko.
Pag balik ko dito, tambak na trabaho agad ang hinarap ko. Nadagdagan kami ng mga subcontractors, minamadali na kasi talaga matapos yung resort.
Pagkatapos ko mag ayos at magbihis tinawagan ko muna si Jema. Wala siyang duty ngayon. Sigurado ako busy yun ngayon sa anak namin.
"Hi, wife.. How are you?"
"I'm okay, baby.. Mag pprepare na sana for dinner."
"Kamusta si Jei jei?"
"He's okay.. Nasa may living room sila ni mama, naglalaro.. Bukas dadalhin ko siya sa doctor."
"Why? Anong nangyari sa kanya?" bigla naman akong nag alala sa anak namin.
Dumadalas kasing dalhin ni Jema sa doctor si Jei jei. Bago pa ko bumalik dito sumama pa ko non sa kanya. Ano na namang problema sa anak ko?
"Inuubo na naman kasi siya eh.. Gusto ko na ngang dalhin ngayon para matignan siya kaso umaga lang yung schedule ng pediatrician."
"Baka naman naeexpose masyado sa alikabok si Jei jei. Wag niyo ng ilabas labas ni mama kasi. Saka pag maglilinis ng bahay, ilayo niyo siya dun."
"Ganon naman ginagawa namin. Ako ng bahala, Deanna."
"Lagi mo namang sinasabi yan, Jema eh. Pero ano, lagi namang nasa doctor yung anak natin. Kung di ubo, allergy. Anong susunod?"
"Anong gusto mong palabasin, Deanna? Tandaan mo, ako ang laging nasa tabi ng anak natin. Ginagawa ko lahat para sa kanya."
"Sinasabi mo bang wala akong ginagawa para sa anak natin, Jema? Kung alam mo lang gaano kahirap tong ginagawa ko."
"Nahihirapan din ako.. Pero wag na wag mong sasabihin na pinababayaan ko si Jei jei.."
"Wala akong sinasabi ganon. Nag aalala lang ako sa anak natin."
"Mas lalo na ko, Deanna.. Ako ang lagi niyang kasama. Sige na, magluluto na ko.."
"Teka, Jema.. Wait---" and she dropped the call just like that.
Napabagsak na lang ako ng upo sa kama ko..
Di naman yun ang gusto kong palabasin haaaayyy.. Di man lang ako nakapagpaalam kay Jema..
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanfictionFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...