J
"Baby stop crying na... Matatapos na tayo dito ohhh.. Sige na, baby stop na.."
Kanina pa nagwawala tong si Jei jei.. Nakailang skin test din sa kanya yung doctor. Awang awa nga ako eh though sabi namin ni doc di yun ganon kasakit pero sa reaction ng anak ko habang ginagawa yun alam kong hindi siya komportable at alam kong nasasaktan siya..
Inaantay ko na lang yung assessment ng doctor sa skin test ni Jei jei.
"Hi, doc.. Here's the result na.." bumalik na ulit dito sa room si Dr. Canlas. Siya yung nag skin test kay Jei jei.
"Doc ano pong assessment niyo sa anak ko?"
"Based on the test, may pollen allergy si baby James Dean. And doc, meron din siyang dust mite allergy. Yun yung dahilan bakit inuubo si baby.."
Sabi ko na nga ba hindi lang basta ubo tong kay Jei jei eh. May kinalaman to sa allergies niya eh.
"What do I need to do, doc para ma-manage yung allergies niya?"
I need to know.. Para maiwasan ko yung magkakapag trigger sa allergies ng anak ko. Bakit ba hindi ito ang naging specialization ko para alam ko na ang gagawin ko kay Jei jei.
Inexplain sakin isa isa ni Dr. Canlas yung mga dapat kong gawin para maiwasan na atakihin ulit ng allergies si Jei jei. Tinuro din niya sakin paano mama-manage yung allergies ng anak ko.
Ang dami pala.. Kailangan kong mag linis ng buong bahay namin lalo ng kwarto ni Jei jei at mga gamit niya. Ang hirap pala ng allergies ng anak ko.
Yung di siya pwedeng basta basta maexpose sa labas at sa kung ano ano dahil baka matrigger yung allergies niya. Kailangan din na nasa malamig siya lagi para di pagpawisan.
Ngayon alam ko na kung bakit lagi inuubo o sinisipon si Jei jei. Minsan pa nga namumula ang mata niya at nangangati siya dahil pala sa allergies niya.
"Thank you po, doc.."
Habang naglalakad ako sa hallway nasalubong ko si Jia. Si Jei jei umiiyak pa din pero di na nagwawala.
"Uy, bes! Hello, baby! Cute cute naman ni baby ohhh.." hinawakan at pinisil pisil niya pa sa kamay si Jei jei.
"Bes, tara kain tayo libre ko.. Bakit umiiyak si baby Jei jei?"
"Sige, let's go.. Lunch tayo. Dun tayo sa di matao ha?"
Naglakad na kami ni Jia.. Pinapatahan ko pa din si Jei jei. Umiiyak pa din kasi siya. First time kasi nito na ganon eh, ilang beses ba naman i-prick yung balat niya.
Dito kami sa isang cafe pumasok ni Jia. Buti na lang di matao dito. Umorder na kami at agad namang dumating to. Salad at milkshake lang ang inorder ko.
Wala kasi talaga akong gana kahit nagugutom ako, iniisip ko pa din si Jei jei.
"Kamusta ka na, bes? Tagal na nating di lumalabas ah.."
"Eto as you can see yaya muna ng anak pag walang duty.."
"Bakit nandito ka, Jema? Di ba wala kang duty today?"
"Pinacheck up ko si Jei jei.."
"Oh? Kamusta? Anong sakit ni baby ah? Kaya pala iyak ng iyak ang baby eh.." pisngi naman ni Jei jei ang pinisil pisil ni Jia.
Kalong ko si Jei jei. Buti na lang tumahan na siya at kinakain yung french toast na inorder ko. Kalat kalat na nga yung bread sa table eh, namurder na niya yung tinapay.
"May dust and pollen allergies siya kaya pala lagi na lang namumula at inuubo.."
"Naku bes, kailangan mo pala talagang tutukan si Jei jei.. Delikado pa naman yun pag napabayaan."
BINABASA MO ANG
Locked Away
FanfictionFinally, they got married. All right! They surpassed the trials and challenges, sealed their relationship with bows and rings. But, would they be able to keep each other as they come to a new chapter of their life? Are they brave and strong enough n...