D
"Dude, what the fuck?! Hahaha.." Bea exclaimed.
Tang ina neto ni Bea tawa pa ng tawa eh. Di ko na nga alam gagawin ko kanina. Hirap na hirap akong magpanggap na parang walang nangyari samin ni Jema.
Nakabalik na kami dito sa kwarto namin. Dito din si Pongs mag sstay kaso umalis siya agad pagbaba ng bag niya. Sasama daw muna siya kay ate Nicole sa beach.
"Shit, Bea! Anong gagawin ko?"
"Gago, di mo ba alam na kapatid ni Mafs yun?"
"No! Di ko alam! Kasi naman eh.. Laging wala yun pag mag vivideo call kami sa parents niya."
"Wala man lang pictures na pinakita? Hello, facebook, instagram?"
"Busy nga kami di ba? Malay ko ba. Saka di ako active dun. Nakkwento lang minsan ni Mafe yun."
"Kahit pangalan di mo alam?"
"Alam syempre, eh kaso Jessica naman sinabi sakin ni Mafe. Malay ko bang nickname non Jema! Saka di namin siya napag uusapan talaga."
"Hayaan mo na. Tapos naman na. Wala ka ng magagawa. One night stand lang yun. For sure di naman sasabihin ni Jema o Jho yun kay Mafe."
"Tang ina! Kahit na nagi-guilty ako lalo!"
Parang gusto ko i-untog ang ulo ko sa pader!
"Relax, Deans.. Upo ka na muna. Ganito ah, wala na tayong magagawa, nangyari na yun. Tapos na, okay.. Mag usap na lang kayo ni Jema ng maayos. O kaya naman aminin mo kay Mafe?"
"No, Bei! Di ko kaya.. Masasaktan siya! Kapatid niya yun. Ang gago ko sobra!" sinuntok suntok ko pa ang ulo ko.
"Kung ako sayo, Deans.. Kalimutan mo na lang yan. What happens in Bora, stays in Bora naman eh.."
"Bahala na. Di ko kaya sabihin kay Mafs.. 3 more days here and we will be back in Manila. Di ko na makikita si Jema.."
"Oopppps! Anong di makikita? Papaalala ko lang kapatid lang naman siya ng papakasalan mo.."
"Fuck, Bea! I'm so doomed!"
"Talk to Jema.. Yan ang advice ko. Akong bahala, kakausapin ko si Jho para makapag usap kayo in private. Done deal!"
Ano pa nga bang magagawa ko kundi kausapin talaga si Jema.
We need to talk! Yung seryoso talaga.. Ayokong dahil dito masira lahat ng plano ko..
----------
🙋
Stop here!
This is a continuation of my one-shot story Yolo..
If you have not read it yet, check 'Stills' on my profile, its the compilation of my one-shot stories.