12

2.7K 119 36
                                    

J

"You're so beautiful, bes. Grabe.. Eto na talaga, konti na lang ikakasal ka na." on the way na kami sa venue..

Overlooking lang naman ang taal volcano sa venue ng wedding nila..

"Thank you, bes. Maayos pa ba ang make up ko? Hehe."

"Oo, bes.. Wag ka mag alala ikaw ang pinakamaganda sa lahat."

Huminto na yung sasakyan namin. Hanggang dito na lang pwede. Sa buggy na kami sasakay paakyat dun sa venue. Sa taas pa kasi yun. Golf course kasi talaga tong paligid eh.

Pag baba namin ng buggy..

Nakita namin si Pongs sa taas, kumaway pa siya samin. Sa taas pa kasi yung venue..

Kumaway din kami sa kanya.. Nakita kong palapit na samin yung wedding organizer, aalalayan na siguro kami paakyat. Need kasi ng assistance para sa gown ni Jho, mahaba kasi.

Pag lingon ko ulit kay Pongs, may biglang lumapit sa kanya.. Kala ko si Bea pero hindi, same kasi ng style ng 3-piece gray suit ni Bea. Kaso etong kasama ni Pongs naka necktie, ang alam ko kasi yung kay Bea, bowtie eh.

Nakatagilid kasi sakin kaya di ko makita ng maayos yung mukha. May iba pa bang bisita si Bei? Kilala ko naman lahat ng aattend ah? Ako kaya nag asikaso ng rooms nila dito lahat. Ako pa nag abot ng keycard ng lahat. Sakin pinagkatiwala nila Jho yun eh.

Bigla silang tumingin sakin..

Owwwww! Fuck! Tang ina! Totoo ba tong nakikita ko?!

Seryoso ba? Nakailang kurap pa ko ng mga mata ko, baka kasi nananaginip lang ako..

Pero hindi! Hindi ako pwedeng magkamali.

Umikli yung buhok niya hanggang balikat na lang at naka eyeglasses na siya. Pumayat siya, ay hindi mali, mas naging fit siya, fit na fit yung suit niya sa kanya eh. Lalo siyang pumuti, namumula mula pa ang mga pisngi niya, pati labi niya ang pula pula.

Yung aura niya ibang iba sa huli ko siyang nakita. Ang aliwalas na ng itsura niya, kahit pa salubong ang kilay niya at nakakunot ang noo na nakatingin sakin.

It's Deanna! Di ako pwedeng magkamali..

So, tama si Bea? Dumating talaga ang 'best man' niya?

"Bes, dumating siya.. Sabi ko sayo eh. Tama talaga si Bei."

"Shet, Jho! I'm so doomed.." kay Deanna pa din ako nakatingin.

"Ha? Bakit naman, bes? Okay naman na lahat, matagal na"

"Ang pogi niya sobra! Saan ba galing yan? Baka di ako makapagpigil mamaya haha.. Joke lang. Tara na, bes. Naku, ikaw na lang ang inaantay." kay Jho na ako humarap at inayos ang gown niya.

Pag lingon ko ulit kina Pongs, wala na sila.

"Hoy, Jema! Ang rupok mo na naman! Ayan ka na naman! Magpakipot ka naman. Baka mauna pa kayong maghoneymoon samin ha? Lagot ka sakin.. Tapusin niyo muna yung wedding, may reception pa tayo."

"Ano ka ba, bes.. Biro lang yun. Tara na sa taas, naiinip na yung groom mo.." lumakad na kami paakyat.

"Naiinip na din yung partner mo hahaha.."

"Loka! Sa pogi nyang yun imposibleng walang girlfriend yun."

"Who knows, Jema.. Ako bahala sayo.. Ilalakad kita.. Hehe."

Nakakaloka tong si Jho, nandito na kami sa venue nang aasar pa. Kala mo di ikakasal eh.

Pagdating namin nakaayos na lahat. Nakapila na yung entourage. Si Bea nakita ko na sa unahan, katabi niya si Deanna.

Grabe, sobrang unexpected. Lahat kami di naman umasa na dadating siya. Kahit nga yung ate niya sabi baka di daw dumating kasi wala namang paramdam.

Si Mafe nga tinanong ko kung nagkita ba sila ni Deanna non sa Singapore, sabi niya hindi, lumipat na daw ng company si Deanna. Umuwi lang din si Mafe dito para sa wedding ni Jho.

Okay naman na lahat talaga, sobrang tagal na din kasi nung nangyari. Para ngang walang nangyari eh. Close pa din ang parents ko sa parents ni Deanna.

Si Mafe naman ayun masayang masaya na.. Masayang masaya sa trabaho at hobby niya. Nahilig kasi yung kapatid ko sa sailing eh.. Kaya ayun, kung saan saang sailing competition sumasali.

"Ate Jema!" kinalabit ako ni Mafe..

Nasa unahan ko siya. Nakapila na kami dito. Maya maya magsisimula na yung wedding.

"Oh, bakit, sis?"

"Nakita mo na siya? Dumating siya."

"Sino?"

"Hay naku, ang slow.. Kala ko ba mabilis ka sa lahat ng bagay."

"Ano nga kasi yun?" mapang asar pa tong ngiti ni Mafe sakin. Kilala ko mga ganitong ngitian ng kapatid ko.

"Dumating si Deanna, ate.. May partner ka na hehe.."

"So, ano naman kung dumating siya? Dapat lang dumating siya no.. Siya kaya best man ni Bei."

"Sungit mo naman, ate.. Sige ka, ayaw pa naman ni Deanna ng masungit.."

"Bahala siya.."

"Ay, bakit ang sungit mo, ate? Di ka ba masaya makita siya ulit?"

"Masaya kasi kumpleto na yung entourage."

"Yun lang talaga dahilan? Ate, umamin ka na. Masaya kang makita siya no? Ano ka ba, ate? Its okay.. 5 years ago na yun.. Nakalimutan na nga namin lahat eh.. Masaya na lahat oh.. Hayaan mo din maging masaya sarili mo."

"Masaya ako, Mafs."

"Totoong masaya ka ba? I mean, kumpleto ka na ba?"

"Ha? Pinagsasabi mo?"

"Hay, kaloka ka, ate.. Ang slow sobra.. Well, we will see na lang later hehe.. Umayos na ka dyan, magsisimula na."

Pinagsasabi nito ni Mafe.. Nakakaloka.. Kanina pa ko napagtitripan dito. Kanina si Jho, ngayon naman si Mafe..

Bahala na.. Nandito na eh.. Might as well enjoy the wedding and the party later.

Can't wait for the food and drinks later..

----------

🙋

So, anong mangyayari kaya after the wedding? 🤔

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon