J
I thought distance would be a huge problem sa kung anuman ang meron kami ni Deanna ngayon.
Kasi nga magkalayo kami, how would it work, di ba? At hindi lang kami magkalayo lang, sobrang demanding sa oras ng mga trabaho namin.
Pero...
Mali ako ng akala.. Kasi kahit ang layo at ang busy namin, kitang kita ko yung effort ni Deanna sakin..
She never missed a day na hindi tatawag sakin sa umaga para mag good morning and to remind me of everything..
Everyday din siyang nagpapadala ng flowers sa office namin and with food and note pa.. Hindi ko nga alam paano niya nagagawa yun, eh nasa Singapore naman siya.
Sabi ko nga sa kanya hindi na niya kailangang gawin yun, pero sabi niya hayaan ko lang siya, masaya naman daw siya sa ginagawa niya.
Palagi din niya kong ina-update sa mga nangyayari sa kanya dun and every night bago kami matulog, mag vivideo call siya sakin. Magkkwentuhan lang kami hanggang sa pareho na kaming makatulog, at palaging ako ang unang nakakatulog..
Kaya yung distance na akala ko magiging problema namin, ni di ko nga maramdaman na magkalayo pala kami.. Pero syempre iba pa din kung magkasama kami.
Sa totoo lang, namimiss ko na siya kahit pa araw araw ko siyang nakakausap..
And we've been in this set up for half a year na..
Ang tagal na pala naming ganito.. Gusto ko na ngang i-level up tong meron kami kasi na-prove naman na niya sakin at sa pamilya ko na mabuti ang intensyon niya sakin, na seryoso talaga siya sakin.
Kaso gusto ko sana kung sasagutin ko siya magkasama sana kami, yung nandito siya.. Ayoko naman na over the phone lang ang relationship namin.
And besides, pano ko siya sasagutin, eh hindi rin naman siya nagtatanong sakin. Parang nakalimutan na ata niya magtanong, nawili na manligaw..
Naku, Deanna Wong! Umuwi ka na kasi...
Buti pa si Mafe uuwi na dito this week.. Last month binalita niya samin na nagresign na siya, gusto na daw niya umuwi at dito na daw niya itutuloy ang career niya. Enough na daw yung na-gain niyang experience sa Singapore.
Tinanong ko nga sa kanya si Deanna eh, kung may nasasabi ba sa kanya si Deanna na plano nito o kung kailan ba nito balak umuwi, pero sabi ni Mafe, wala naman daw nasasabi si Deanna. Saka bihirang bihira daw sila magkita ni Deanna don.
Ang alam lang daw niya may bagong project si Deanna don na shopping mall.. Well, alam ko din yun, nabanggit sakin ni Deanna yun eh.
Another project, so, it means, Deanna is not coming home anytime soon..
"Jema! Jema! Look ohhh.." tawag sakin ni Pongs.
Nag aayos na ko ng gamit, uwian na namin.. Si Pongs inaantay na lang ako matapos habang busy siya sa phone niya.
Hinarap niya sakin ang phone niya..
"Ang ganda pala ng dinesign ni Deans na mall, bagong project niya ba to?"
Picture ng design ni Deanna ng shopping mall project niya yung pinakita sakin ni Pongs. Nakita ko na to eh, sinend to sakin ni Deanna after niya matapos idesign yun.
"Yes, bagong project niya nga yan. Ang galing talaga niya.."
"Yiieeehhh! Proud na proud, Jema?"
"Syempre, ang galing niya ohhh ang ganda ng gawa niya.."
"Kayo na ba ni Deans?"
Napahinto ako saglit.. Naman kasing mga tanungan yan..
"Hmmm.. Hindi pa."
