15

3K 123 19
                                    

D

"Deans?" tawag sakin ni Pongs.

Kaming dalawa ang magkasama dito sa room. Madaling araw na. Anong oras na din natapos ang after party ng wedding nila Bei.

Pagod na pagod ako.. Ang sarap humiga..

"Saan ka na nyan after tonight? Hanggang 3pm tomorrow pa daw ang accommodation natin dito sabi ni Bei."

"Hindi ko alam. Ikaw ba anong plano mo? Sila mommy kasi dun sa condo ni ate Nicole mag sstay muna. Next week pa daw uwi nila sa Cebu eh."

"Bora tayo?" napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko dito sa kama.

Tang ina! Sa lahat ng lugar talaga, Pongs? Dun mo naisip mag aya..

"Seryoso ka, Pongs?"

"Oo, bakit? Nag aya si Mafs kanina. Saan ka ba galing kanina, bigla kang nawala eh."

"Sinubukan kong kausapin si Jema."

"Oh, kamusta? Kinausap ka?"

"Oo.. At diring diri siya sakin. Kulang na lang ata kanina ipagtabuyan niya ko eh. Yung sakit ko pa din yung naaalala niya." forever na atang nakatatak sakin yung sakit ko non.

"Nagpaliwanag ka ba? Sinabi mo bang magaling ka na?"

"Hindi ko na nasabi.. Ang dami na niyang sinabi eh. Okay lang, wala naman ako magagawa kung ganon na ang tingin niya sakin."

"Ano ka ba, tara na kasi, sa Bora. Sure isasama ni Mafs yun. Mas makakapag usap kayo dun."

"Ayoko, Pongs. Sa lahat naman ng lugar dun pa ulit. Kayo na lang. Sama na lang ako kina mommy sa condo ni ate Nicole. Balik na lang siguro agad ako ng SG.. Wala na kong gagawin dito eh, umuwi lang naman ako para sa wedding ni Bei."

"Ouch, Deans.. Pano naman kami? Hahaha.."

"Wag kasi sa Bora. Ayoko don.."

"Batangas na lang tayo? Dito na lang yun oh.."

"Bahala na bukas. Tulog na tayo. Pagod na pagod ako."
.
.
.
.
Di ako makatulog.. Pagod na pagod ako pero buong gabi lang akong gising. Paikot ikot sa kama hanggang mag umaga at magising na lang si Pongs.

Bad trip! Pakiramdam ko mukha na kong zombie. Mahigit isang araw na kong walang tulog. Di na ata ako sanay dito sa Pinas. Gusto ko na bumalik sa SG..

"Okay na ba gamit mo, Deans? Check out na tayo."

"Yes, Pongs. Okay na.. Saan na sila Bei?"

"Sa resto na lang daw tayo magkita. Tara na gutom na ko. Balikan na lang natin gamit natin after mag lunch."

"Okay, let's go, Pongs."

Pagdating namin sa resto, parang kami na lang ata ni Pongs ang wala. Nakita ko sila mommy kumakain na.

"Deans, Pongs.. Here!" tawag ni Bei samin mula sa table nila.

Sumenyas si Pongs na kukuha muna kami ng pagkain.

"Sama ka samin, Deans? Tinext ko na si Mafs na Batangas na lang, okay daw.."

"Di ko pa alam, Pongs. Kausapin ko muna sila mommy."

"Sige na, Deans.. Ako kakausap kina tita.."

"Kumain na muna tayo. Dun na ko kina mommy uupo ah.."

"Hoy! Samin ka tatabi. Porket nakita mo lang si Jema na nandun din kasama nila Bea, di ka na sasama samin."

"Mahirap na, baka ayaw niya din ako kasabay kumain. Remember, nandidiri siya sakin."

"Feeling mo lang yan. Ang bait bait kaya ni Jema.. Misunderstanding lang yan. Di pa kasi kayo nagkakausap ng maayos eh."

"Sige na, kina mommy na ko tatabi."

"No, Deans! Samin ka tatabi, halika na!" hay naku, kumapit na sakin si Pongs at naglakad papunta kina Bei..

Umiiwas lang naman ako sa gulo. Mamaya masira pa mood non ni Jema pag nakita na naman ako. Saka ayoko ng feeling na may taong ayaw akong makita o makasama.

"Natulog ka ba, Deanna?" tanong ni Jho pag upo namin ni Pongs.

Sa tabi ni Bei at Jho ako umupo, sa harap namin si Mafe, Jema at Pongs.

"Di ako makatulog, Jho. Naninibago ako dito eh."

"Pareho lang naman oras dito at sa Singapore, Deans ah?" Bei.

"Pareho nga.. Pero magkaiba kasi yung oras ng gising at tulog ng mga tao dun. Kaya siguro naninibago si Deans. Right, Deanna?" sagot ni Mafe kay Bea.

Totoo naman.. Sa Singapore kasi ang 7pm maliwanag pa.. Tapos yung 6am dun madilim pa. Kaya siguro nahihirapan din ako makatulog. Limang taon ba naman ako sa SG eh.

"Mafe is right. Nag aadjust pa katawan ko."

"Ano ng plan mo, Deans? Saan ka na after dito?" Bea.

"Sama na siguro ako kina mommy pabalik ng Manila. Babalik na siguro agad ako sa Singapore, wala na kong gagawin dito eh."

"Ang bilis naman, Deanna? Sulitin mo na bakasyon mo. Sayang naman nandito ka na eh." Jho.

"Yeah, Deans. Sama ka na samin. Kahit saan mo gusto, name it. Batangas daw sabi ni Pongs? Game?" Mafe.

"Hindi na, Mafs.. Kayo na lang.."

Si Jema, nakikinig lang sa paguusap namin. Wala man lang contribution. Di ata talaga ako gusto kasama nito. Kain lang siya ng kain.

"Kj mo naman, Deans! Sumama ka na kasi samin. Jema, okay lang ba? Sama satin si Deanna?" gagong Pongs to! Si Jema halatang nagulat eh.

"Ha? Bat ako? Ayaw niya naman sumama eh."

"Mag contribute ka kaya sa conversation na to, ate Jema. Kain ka lang ng kain dyan eh."

"Kahit saan naman ako, go lang.. Game ako." ah game ka pala kahit saan ah, sige tignan natin.

"Sige, sasama ako. Pero hindi sa Batangas." let's see kung hanggang saan yang kahit saan mo Jema.

"Yey! Sasama na si Deans!" Pongs.

"Yun naman pala eh! Enjoy kayo ah kung saan man kayo pupunta." Bei.

Di kasi sila sasama ni Jho. Didiretso sila sa honeymoon nila sa Bali..

"So, saan mo gusto pumunta, Deanna? Game naman yang mga kasama mo eh. Lalo na si Jema." Jho.

Napaangat ng tingin si Jema kay Jho. Parang nag senyasan pa silang dalawa sa mga mata nila.

"Bora tayo! Parang namiss ko dun.. Wala kasing beach sa Singapore eh. Puro man-made lang. So, game? Bora?"

Yung itsura ni Jema, di maipinta nung banggitin ko yung Bora. Hahaha! Ano ka ngayon, Jema? Ha? Game ka pa din?

"Yun! Payag na sa Bora si Deans! Let's go, Bora later!" excited na sabi ni Pongs, may pataas taas pa siya ng kamay niya.

"Ako na magbobook after natin mag lunch, madali lang naman yan.." Mafe.

"So, game, Jema? Sa Bora daw kayo?" pang asar na tanong ni Jho kay Jema.

"Yeah, fine.. Kahit saan.." walang ganang sagot ni Jema.

Yung plano ko nasira na. Mapapabalik pa ko ng Bora ng wala sa oras. Gustung gusto ko na matulog. Sa byahe na lang siguro ako matutulog mamaya.

Bahala na kung anong mangyari..

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon