J
"Guys, delay daw flight natin.." balita ni Pongs pag balik sa amin.
Kanina pa dapat 6pm ang flight namin pabalik ng Manila pero mahigit kalahating oras na eh hindi pa din kami tinatawag for boarding.
"Kain na muna tayo, dinner time na din naman eh.." aya ng kapatid ko.
"Saan tayo kakain? Wala namang kainan dito.. Yan, starbucks lang, mabubusog ba tayo dyan?" sabi ko.
"Labas na lang tayo, madaming kainan sa labas nito eh. Pwede naman." suggestion ni Pongs.
Gutom na gutom na din ako. Kaninang lunch pa last meal namin, nag snack lang din naman kami kanina.
"Anong oras daw flight na natin, Pongs?" tanong ni Mafe.
Oo nga pala, baka mamaya tawagin bigla tapos nasa labas kami.
Si Deanna, ayun, tulog na tulog sa arm rest ng upuan sa gilid. Pagod na pagod lang. Yung sprain niya sa paa di na gaano namamaga. Pero hirap pa din siya lumakad ng maayos.
"2 hours pa daw... Tara, bilisan na lang natin kumain para makabalik tayo. Jema, gisingin mo na si Deans." sagot ni Pongs.
Tumayo na si Mafe.. Lumapit naman ako kay Deanna para gisingin siya. Parang ayoko siya gisingin, ang himbing ng tulog niya, halatang pagod na pagod. Iniinda pa din nito yung paa niya kahit sinasabi niyang okay na siya.
"Deanna..." tawag ko sa kanya. Tulog pa din siya.
"Deanna... Gising na.." tinapik tapik ko siya ng mahina sa balikat.
"Hmmmm..." unti unti siyang nagmulat ng mga mata..
"Deanna, dinner muna tayo.. Delay ang flight natin."
"Sige, kain na kayo, di ako nagugutom, Jema eh.." mapungay ang mga mata niya, halatang antok na antok pa.
"Okay ka lang ba, Deanna?" para kasing di siya okay, para bang may iniinda siya, di niya lang sinasabi. Nag aalala ako, baka kasi masama na naman pakiramdam niya dahil sa sprain niya.
"Yes, Jema, I'm okay.. Sige, kain na kayo.." inayos pa niya ang jacket niya at sinara ito. Di naman malamig dito ah?
"Sige na, Mafe, Pongs, kain na kayo.. Dito muna ako."
Nakuha naman agad nila Mafe at Pongs ang gusto ko sabihin. Nag aalala talaga ako, masama ata pakiramdam nito ni Deanna. Kanina pa yung last meal namin tapos di pa siya nagugutom?
"Sige, bilhan na lang namin kayo.." sagot ni Mafe.
Lumakad na paalis yung dalawa. Naiwan kami ni Deanna dito sa lounge.
"Jema, sumunod ka na sa kanila. Okay lang ako."
Lumapit ako kay Deanna at hinawakan ang noo niya..
"Mainit ka, may lagnat ka, Deanna. Bakit di ka nagsasabi? Nasaan na yung gamot mo?"
"Nandito sa bag. Mawawala din to, Jema. Pauwi naman na tayo eh.."
"Labas mo yung gamot mo. Bibili lang ako dun ng makakain natin para may laman ang tyan mo." tumayo na ako.
"Jema, wag na.. Okay lang ako."
"Sige na, bibili lang ako saglit dun."
Ayoko nga na hindi siya iinom ng gamot, bilin ng doctor uminom siya hanggang sa di na siya lagnatin.
Bumili lang ako ng pasta, bread and iced coffee para saming dalawa. Buti may starbucks dito sa passengers' lounge.
"Kain na tayo, Deanna."
Nilapag ko sa pagitan namin yung mga binili kong pagkain.
"Thank you, Jema. Nag abala ka pa. Okay lang talaga ako."
"Kain na tayo, para makainom ka na ng gamot, Deanna."
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Naramdaman na ata ni Deanna ang gutom, mas mabilis pa siya kumain sakin eh.
"Deanna, saan ka na nyan pag balik natin ng Manila?" tanong ko habang kumakain kami.
Curious kasi talaga ako, apat na araw kami sa Bora, eh sabi niya nung unang gabi namin dun next week babalik na siya ng Singapore. So, may tatlong araw na lang siya.
"Diretso ako sa condo ni ate Nicole. Nandun sila mommy eh.. I'll spend my last 3 days here with them."
Parang nalungkot ako bigla. Tuloy na tuloy na ang pagbalik niya sa Singapore.
"Ingat sa SG ah.. Mamimiss mo beach dito hehe."
"Oo nga eh, buti nakapag beach ako bago man lang mag back to work."
"Di ka na babalik dito, Deanna?"
"Hmmm.. Babalik naman pero di ko alam kung kailan ulit."
"Uy, easyhan mo naman pagpapayaman mo hehe.. Wag naman after 5 years ulit. Mamimiss ka nila Pongs."
"Hayaan mo sila, hehe.. Pwede naman sila dumalaw sakin dun.. Hirap kasi magbakasyon sa field ko lalo pag may project."
Napaka dedicated naman ni Deanna sa work. Nakakabilib.
"I see, sipag naman.. Libre mo kami pag napadpad kami ng SG ah, hehe.."
"Sure, Jema! Magsabi ka lang.. May sarili akong apartment dun, pwede kayo mag stay sakin, malaki yun. Sagot ng company namin."
Wow! Big time naman pala sa SG to si Deanna.. Ang galing siguro talaga niya sa work.
"Sige, soon.. Pag pwedeng magbakasyon."
Pero sa totoo lang para akong nalungkot knowing na aalis na pala siya after 3 days. Parang gusto ko pa siya makasama.. Kulang yung 4 days namin dito.