17

2.9K 124 21
                                    

D

"Uy, nandito na pala si Jema eh.. Jema! Here!" tawag ni Pongs kay Jema na papalapit samin. Nandito kami sa resto sa baba ng hotel namin.

Haba naman ng tulog niya, ngayon lang siya bumaba. Halata pang kakagising lang kahit mukhang nakapag shower na siya.

Hindi ba to nagutom? Dinner time na kaya, tapos na nga sila Pongs kumain eh, ako na lang ang hindi. Gutom na gutom pa ko.. Sa haba ba naman ng binyahe ko, Singapore to Tagaytay to Bora, wala pa kong pahinga at tulog.

"Ate Jema, upo ka na dito. Inorder na kita ng food mo."

Kaharap ko pa talaga si Jema, ang awkward.. Halatang ayaw ako nito makita o makasama. Di nga tumitingin sakin eh..

"Uy, grabe naman yang idlip mo, Jema.. Nakapag dinner na kami, ngayon ka lang bumaba."

"Napasarap ang tulog, Pongs hehe.."

"Kaya naman pala ang blooming na ulit, Jema.."

Makapagfocus na nga lang sa pagkain ko...

"Pongs, tara.. Samahan mo ko, hanap tayo ng bar." aya ni Mafe kay Pongs.

Dumating na din yung mga inorder ni Mafe para kay Jema..

"Uy, teka, wait niyo na ko.. Patapos na ko." langhiya tumayo na silang dalawa, iiwan pa ko dito kasama si Jema.

"Di ka pa tapos kumain, Deans ah? Saglit lang kami.. Babalik din kami.." ano ba to si Pongs, walang pakiramdam?

"Sige na, Deanna. Kumain muna kayo ni ate Jema. Mag iikot lang kami saglit." tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Mafe.

"Oo nga, Deanna. Come on, samahan mo ko kumain dito. Madami ka pang food oh, ubusin mo na muna yan." wow, kinausap ba ko talaga ni Jema? Himala ah!

Wala na kong nagawa. Umalis na din sila Mafe at Pongs. Haaaay...

Well, ieenjoy ko na lang tong pagkain ko.. Di naman namin kailangan mag usap ni Jema..

Umayos na lang ulit ako ng upo.. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Sayang naman to, ngayon na lang ako nakakain ng ganitong mga pagkain. Wala nito sa Singapore eh.

Habang kumakain ako, narinig kong nag ring ang phone ko na nakapatong sa table. Napatingin si Jema sakin habang kumakain siya.

Hmmmm.. It's a call from my boss sa Singapore.. International call.

"Excuse me, Jema.. I have to answer this." tumango lang siya.

Lumayo ako konti sa table namin.. Saka ko sinagot ang tawag..

Pinoy din yung boss ko sa work, halos lahat kami pinoy sa firm ko sa SG.. Swerte ko nga eh, di ako nahirapan makisama sa kanila. Ang babait nilang lahat.

"Hello, sir. Good evening po."

"Hey, Deanna. Sorry to bother your vacation ah."

"Its, okay, sir.."

"May client kasing pumunta kanina. Magpapatayo ng commercial building. Ikaw yung nirequest na architect."

Ohhh.. Wow naman! Nirequest pa talaga ako..

"Talaga, sir?" di ako makapaniwala kahit na palagi namang may nagrerequest na client sakin.

"Oo.. Dala pa nga yung calling card mo eh. Are you in for the project?"

"Yes, sir, of course! Kailan po ba?"

"Alam kong 2 weeks ang binigay kong leave sayo, pero can you make it back here next week? Medyo in rush kasi yung client."

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon