J
Di ko naman sinasadya yung mga sinabi ko kagabi kay Deanna. Tapos ngayon galit na siya sakin. Iwan ba ko kanina, di man lang ako nilingon talaga.
Malay ko ba kasi sa mga nangyari. Wala ngang nakapagsabi sakin eh. Ako na lang pala yung walang alam. Kung di kinasal sila Jho, di ko pa pala malalaman lahat.
Ni di ko nga alam na naging sila ulit ng kapatid ko sa Singapore eh. Ang tanging alam ko, nawala siya bigla 5 years ago.
Pero buti naman okay na siya, magaling na pala siya. Di ko naman talaga intention na i-judge siya agad. Gusto ko lang malaman ang totoo, yung mga nangyari pagkatapos niyang mawala.
"Ate, tulala lang?"
"Saan ba kayo nagpunta ni Pongs kanina? Di namin kayo makita."
"Lumayo syempre para makapagusap kayo ni Deanna. Nagawa niyo naman bang mag usap kanina?"
"Oo.. At galit ata siya sakin.."
"Ha? Bakit? Imposible! Si Deanna? Magagalit? Eh siya lang ata ang kilala kong tao na may napakahabang pasensya."
"Pwes, naubos ko ata ang pasensya niya. Galit siya sakin."
"I doubt, ate.. May nasabi ka lang siguro sa kanya na di niya nagustuhan."
"Well, meron nga, kagabi. Nag sorry na ko sa kanya, paulit ulit pa nga eh. Pero wala eh. Ayaw na niya ko kausap."
"Ano ba sabi mo, ate?"
"Well, najudge ko lang naman siya unintentionally kagabi. Malay ko bang magaling na siya. Saka di ko sadya yun. Nadala lang ako. Ayoko lang maulit yung dati."
"I understand, ate. Ookay din yun si Deanna. Maramdamin lang talaga yun. Bukas okay na yun."
"Well, sana nga.. Sayang naman bakasyon dito kung mababadtrip lang siya sakin."
"Ako bahala, ate. Bukas mag bonding tayong apat. Magiging okay din ulit kayo."
"Ano palang nangyari sa kanya sa Singapore? I mean, pano siya gumaling ganyan."
"Ang alam ko, bumalik siya agad ng Singapore pag alis niya dito non. Tapos nag resign agad siya sa company namin non. Kung saan saan siyang ospital at doctor napunta hanggang sa mahanap niya yung tamang therapy para sa kanya. Matagal na siyang magaling nung nagkita ulit kami sa SG."
"The whole time siya lang mag isa sa Singapore non? Wala siyang naging girlfriend dun?"
"Wala siyang naging girlfriend dun. Mag isa niyang tinulungan ang sarili niya non. Actually, I was surprise to know that back then, pero nagawa niya. Ang hirap non for sure para kay Deanna knowing na hirap na hirap siya non sa sakit niya dati."
"Ang hirap nga non, mag isa lang siya. Lalo tuloy akong na-guilty sa mga sinabi ko sa kanya."
"Tama na yan, ate. Nag sorry ka naman na. Ang kilala kong Deanna, mapagpatawad yun. Saka mabait talaga si Deanna, ate, kung makikilala mo lang talaga siya. Kaya nga kahit ganon ang nangyari samin magkaibigan pa din kami."
"I hope makilala ko nga siya talaga."
"You will, ate.. Akong bahala."
"Wala ba talaga siyang girlfriend sa Singapore?"
"Wala, ate.. Ex meron, ako! Hahaha.. Pero seryoso, ate.. Mali kasi yang impression mo kay Deanna eh. Lahat ng maling akala mo sa kanya itapon mo na yan. Mabait yun."
"Fine.. Alam ko naman.."
"Gusto mo ba siya makilala?"
"If given a chance? Why not di ba.."
"Do you like her, ate?"
"Anong klaseng tanong yan, Mafe? Like agad?"
"Bakit? Ayaw mo ba sa kanya?"
"Cute pa din siya hehe.. Mas cute siya ngayon."
"Nice, ate. Sabi ko na nga ba eh, gusto mo pa din si Deans hehe."
"Wala akong sinabi na gusto ko siya, sabi ko cute siya."
"Ganon na din yun, ate. Yieeehh!"
"Ewan ko sayo, Mafe.. Matulog na nga tayo."
"Okay, beauty rest ka na, ate. Ako bahala sa inyo bukas haha.."
Lakas mang asar nito ni Mafe.. Ang seryoso ng usapan kanina biglang nauwi sa pang aasar niya sakin.
"Anong gagawin pala natin bukas, Mafe?"
"Island hopping, hmmm kahit ano pang gusto niyo. Gawin na natin lahat. Sayang naman, baka after 5 years na ulit mag paramdam si Deanna hahaha."
"Bahala kayo, go na lang ako sa mga trip niyo."
"Okay, ate.. Good night."
"Yeah, good night.."
Grabe naman may balak ba ulit si Deanna mawala ulit? Ano siya multo? Nakakaya niyang di magparamdam sa pamilya at mga kaibigan niya.
