14

2.8K 122 20
                                    

J

"Uy, ate! Ano? Dyan ka lang sa upuan mo? Party party na!" langhiyang Mafe to! Nakakagulat..

"Sige na mag party party ka na dun.. Ang sakit ng paa ko.."

"Ano, ate? Senior citizen lang? Tara na kasi.."

"Ayoko nga tinatamad ako.."

Nandito na kami sa reception hall.. Tapos na yung buong program, nagpaparty party na lang yung mga tao..

"Tinatamad o walang nag aayang sumayaw sayo? Haha.."

"Ewan ko sayo.. Dun ka na nga, pati ako kinukulit mo.."

"Lapitan mo na kasi, ate.. Nandun lang oh.. Sabihan ko si ate Jho.."

"Umayos ka nga, Mafe! Sabihin nyan papansin ako, as if naman.."

"Sus, eto naman tampo agad porket di ka pinansin buong wedding at sa iba tumabi kanina, bagal mo kasi."

"Hay naku, sila Bea na lang bwisitin mo wag ako.."

"Hinay hinay ate ah? Malakas tama niyang wine baka malasing ka bigla.."

"Tse! Tsupi! Dun ka na.." tinulak ko na si Mafe palayo sakin.

Istorbo naman kasi nananahimik ako dito sa tabi eh. Sama sama na yung mga bisita sa bawat table at eto ako nag iisa sa table namin, iniwan na ko ng mga kasama ko.

Di ko alam pero tinatamad talaga ako gumalaw. Gusto ko lang uminom sakto din pang party na ang ambiance dito. Tumutugtog na yung banda at medyo dim na yung ilaw dito. Bumubuhos ang inumin at mga pagkain.

Buong ceremony kanina, kala mo di ako nag eexist kay Deanna.. Nung part na namin, di man lang niya ko kinakausap o tinitignan. Pati papuntang reception lahat kasama yung mga partner nila, ako ayun iniwan ni Deanna, kina Mafe at Pongs siya sumama.

Nakita ko din after ng program kanina, kausap niya sila mama at papa, nagtatawanan pa sila. Nacurious nga ako sa pinag uusapan nila eh, ang alam ko never naman na nila nakausap si Deanna after nung nangyari non, pati nga silang dalawa ni Mafe parang walang nangyari non.

Ewan naguguluhan ako. Parang may di ako alam. Makapush pa tong sila Mafe sakin sa kanya wagas eh.. Parang walang nangyari non.

"Hi, Jema.." oh, anong ginagawa niya ngayon dito?

Bahala ka dyan, kanina di mo ko pinapansin ngayon may pa hi hi ka pa sakin.

"Uy, Jema? Di mo na ko kilala?" pacute pa, di mo na ko makukuha sa ganyan.

"Kilala syempre. Ikaw lang naman yung biglang nawala non." ohh, what did I just say? Bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Paupo ako, Jema ah? Uupo na ko.." bahala ka sa buhay mo, eh di umupo ka.

Kainis bakit ba nandito to. Ang dami daming upuan, dito pa umupo. Kanina lang kasama niya sila Bea ah. Ano nagsawa agad siya? Bilis talaga magsawa eh, iiwan pag tapos na.

Tumayo na ko, ayoko siya kasama dito. Nakakainis siya.

"Uy, Jema.. Saan ka pupunta? Nakakaistorbo ba ko?" badtrip may pag hawak pa sa braso ko.

"Ayoko na dito. Sige na lalabas na ko. Sayo na yang buong table." mabilis akong lumakad palabas ng hall.

"Jema? Jema? Wait..." bwiset! Bakit sumunod to!

Ang layo layo ko na sa venue nasundan pa ko nito..

"Jema, saglit lang naman oh..." hinila pa ko sa kamay kainis.

"Bakit ba? Anong problema mo? Bakit mo ko sinusundan?"

"Galit ka ba sakin, Jema?"

"Bat naman ako magagalit sayo?"

"See, pati pangalan ko di mo man lang mabanggit. Galit ka nga sakin."

"Di ako galit sayo, Deanna. Ayan, okay ka na?"

"Eh bakit parang iniiwasan mo ko? Di mo ba ko namiss?"

What?! Lakas naman ng loob nito!

"Ako ba umiiwas o ikaw? Namiss pinagsasabi mo."

"Di kita iniiwasan, Jema."

"Kaya pala kanina di mo man lang ako kinakausap o tinitignan. Ni di mo ko sinamahan papunta dito kahit man lang as courtesy kasi ako yung partner mo di ba? Pero iniwan mo ko dun."

"Sorry na, Jema.. Nahihiya ako sayo eh. Di ko alam pano ka i-approach. Naglakas loob lang ako ngayon."

"Oo na, sige na.. Okay na. Bumalik ka na dun sa loob."

"Ikaw? Di ka ba babalik? Tara sama ka sa table namin nila Bei, its been 5 years oh.."

"Babalik na ko sa room ko, pagod na ko.."

"Awww, Jema.. Kwentuhan naman tayo oh. Ang kj mo naman, di ka naman ganyan dati ah."

"Well, 5 years is 5 years.. Madami ng nagbago, Deanna. Hindi na ako ang Jema na kilala mo non. Di mo na ko madadaan sa pa ganyan ganyan mo."

"Anong paganyan ganyan, Jema? Wala naman akong ginagawa ah?"

"Sus, kunwari ka pa.. Di mo na ko maloloko no.. Sige na."

"Jema, saglit lang." kainis naman eh, gusto ko na umalis talaga..

"Ano pang kailangan mo?"

"Kailangan agad, Jema? Di ba pwedeng namiss lang kita? Catch up naman tayo, wedding naman to nila Bei oh.."

"Deanna, pwede ba, ang daming bisita nila Bei na babae dyan, sila na lang, wag ako.."

"Ha? Ano bang sinasabi mo, Jema?" maang-maangan pa to!

"Kunwari ka pa, Deanna.. Alam ko na mga ganyang style mo. Naghahanap ka lang ng mabibiktima ulit eh, di na gagana sakin yang charm mo. Natuto na ko. Ayoko ng madamay sa sakit mo! Iba na lang, please lang.."

"5 years is 5 years, Jema. Di mo alam kung anong pinagdaanan ko non para sabihin sakin yan. Pwede mo naman sabihin na ayaw mo ko kausap kaysa i-judge agad ako ng ganyan. Kung nagbago ka, di mo ba naisip na baka nagbago na din ako? Sige, Jema. Nice seeing you again, balik na ko sa loob." tumalikod na si Deanna at lumakad pabalik sa loob.

Teka, sumobra ata ako sa sinabi ko.. Nadala ako ng inis ko. Totoo naman yung sinabi niya, wala naman akong alam sa nangyari sa kanya sa loob ng limang taon.

Na-guilty ako bigla.. Nakikita ko pa yung malungkot niya mga mata kanina. Pati boses niya biglang lumungkot eh.

Haaaay, Jema, wrong move ka kanina.. Below the belt yung mga nasabi ko kanina.. Pano na to?

Mag sosorry ba ko? Wag na lang. Di ko naman sinasadya eh. Di na rin naman kami magkikita after nito.

Bahala na.. The night is still young, nawala bigla ang pagod at antok ko.. Haaaay...

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon