9

2.7K 121 40
                                    

M

It's happening all over again..

Kailan ba yung huling beses na nagkaganito si Deanna? Ang tagal tagal na..

She's been stable for a very long time. Hindi na nga sumagi sa isip ko na babalik pa ulit siya sa ganito.

Bakit ba hindi na lang sakin? Ako naman yung nasa tabi niya palagi.

Ako naman yung laging kasama niya..

Mahal na mahal ko siya.. Lahat naman ginagawa ko para maramdaman niya lagi yun..

Pero bakit sa ibang tao pa din niya nararamdaman yun?

Bakit ibang tao pa din ang kailangan niya? Bakit hindi na lang ako?

Tanggap ko pa non, na sa ibang tao niya nararamdaman yun.

Pero bakit sa dami ng tao dito, sa kapatid ko pa..

Bakit sa kapatid ko pa, Deanna?

Wala akong masisi, alam kong di naman gusto ni Deanna lahat ng nangyayari.

Nahihirapan din siya, ayoko siyang pahirapan lalo..

Pero ang hirap eh. Tiniis ko lahat, eto na eh.. Engaged na kami. Ikakasal na lang kami tapos mangyayari pa to.

Di ko kayang magalit kay Deanna at mas lalo sa kapatid ko..

Pare-pareho lang naman kaming biktima dito. Ang sakit lang talaga sa part ko.

"Babe, I'm sorry... Di ko sinasadya." nagising ako sa malalim na pag iisip ko.

Akala ko tulog na si Deanna.

Dito namin siya dinala ni Bea sa kwarto ko kanina. Ginamot namin siya at sinigurado na kalmado na siya.

Gusto ko sanang makita ng maayos ang mukha niya pero madilim na dito sa kwarto.

Pagod na pagod na din ako para kumilos pa. Pareho lang kaming nakahiga dito sa kama, sa itaas lang ang tingin.

Both trying to find an answer why this is happening all over again.

"Here we go again, babe.. Another case ba to ulit?"

"Hindi ko sinasadya, babe.."

"Bakit hindi na lang sakin, babe? Bakit palaging sa ibang tao?"

"Hindi ko alam.. Sana nga may gamot tong sakit ko. Sana pwede kong sabihin sa sarili ko na sayo ko na lang maramdaman to. Nagagalit ako sa sarili ko."

"Pero walang gamot, Deanna.. Bakit ka naman nagagalit sa sarili mo? Naiintindihan kita. Sanay naman na ako."

"Nagagalit ako sa sarili ko kasi nasasaktan na naman kita.."

"We can get through this again."

"I realized, hindi ako yung taong deserve mo, Mafe.."

"We can still work this out."

"Ayoko ng saktan ka ng paulit ulit."

"Kahit anong kailangan mo, babe ibibigay ko ulit tulad ng dati."

"Ayoko na.. Pagod na pagod na kong makita na nasasaktan ka dahil sakin."

"Please, Deanna. Don't do this.. We're getting married soon."

"I can't.."

"Ano bang kailangan kong gawin, babe please.." di ko na napigilan ang mga luha ko.

Walang gumagalaw samin.. Nag uusap kami pero sa taas lang ang tingin namin pareho.

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon