13

2.7K 119 17
                                    

D

"Best man! Gising na! Tama na tulog..."

"Arrrgggghhhh! Bei... Antok pa koooo..."

"Wala na si Bea... Kinasal na!"

What?! Ano daw???

Napabangon ako bigla kahit ang bigat pa ng mga mata ko..

Pag mulat ko, si Pongs pala...

"Shower na, Deans.."

"Where's Bei?"

"Outside.. Shower ka muna."

"Saan nga siya, Pongs? Anong oras na?"

"Nasa room nila ate Nicole. Alas dose na naku, nagugutom na ko, Deanna.. Maligo ka na, dun na daw tayo magkita kita sa resto. Kanina pa kita ginigising eh."

"Owww... Sige, I'll be quick.. Miss ko na sila mommy!"
.
.
.
.
"Oh my god, Deanna! You're here. I miss you so much.." gulat na gulat si ate Nicole pagkakita sakin dito sa resto.

Nagtayuan pa sila sa upuan, kasama niya si mommy at dad. Limang taon ko silang di nakita.

"How are you, anak? Ang tagal ka naming di nakausap. Buti naman nakarating ka." sobrang pormal ni dad.

"I'm okay, dad. Pasensya na po. Ngayon lang po nakauwi."

"Its okay, anak. Naiintindihan namin.. Sa tabi ka na namin umupo, ako na ang kukuha ng pagkain mo." namiss ko tong pagiging maalaga ni mommy.

"Sige po, mommy.. Salamat po. Namiss ko po kayong lahat."

Niyakap ko isa isa sila mommy, namiss ko talaga sila ng sobra.

"Kamusta ka na, anak? Babalik ka pa ng Singapore?"

Napahinto ako sa pag kain. Napatingin ako kay dad.

"Opo, dad. Nag leave lang po ako ng 2 weeks sa trabaho."

1 month talaga nirequest ko kaso 2 weeks lang ang nabigay sakin. May on-going project kasi ako na naiwan eh. Di ako pwedeng mawala ng matagal. Pinayagan lang talaga ako kasi since I started never naman ako umabsent o nag leave kahit may sakit pumapasok ako.

"Kala ko dito ka na ulit, anak.. Babalik ka pala ulit." ang lungkot naman ng boses ni mom.

"Nag leave lang po talaga ako mommy, may on-going project po ako eh."

"Stay here na, Deanna.. Please. Balik ka na dito.." ate Nicole.

"I don't know yet, ate.."

"Enough na yan, let's enjoy the food na muna. Wag natin i-pressure si Deanna. Kain ka pa, anak." thank you, dad! Savior!

Tumayo ako.. Gusto ko pa kumuha ng pagkain. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng filipino food. Sa Singapore kasi puro curry kinakain ko. Puro indian food. Sanay na sanay na nga ako sa maanghang eh..

"Hi, Deanna.."

"Owww, Mafs! Long time, no see! How are you?"

"I'm good, Deans! Dun ka pa rin sa company mo?"

"Yes, Mafs! Lipat ka na dun, hehe.. Sakto need ko ng engineer sa bagong project ko."

"Hmmm... Seryoso ba? Actually, gusto ko na nga lumipat eh."

"Sakto, Mafs! Dun ka na samin. Ako bahala sayo.."

"Sige, pag iisipan ko. Kailan balik mo sa SG?"

"2 weeks lang leave ko. Baka mapaaga kung wala naman na kong gagawin dito after the wedding."

"Ano ka ba, sagarin mo na yung leave mo.. Tara mag gala gala naman tayo after this.."

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon