J
Sobrang unexpected!
Niyaya ko lang si Pongs magkape tapos pag balik ko sa upuan namin after umorder, nagulat ako sa kavideocall niya.. Sila Bea at... Deanna!
Si Deanna!
Ngayon ko na lang ulit siya nakita...
After niya bumalik sa Singapore 2 years ago, wala na ulit akong balita sa kanya. Nalaman ko lang kay Pongs at Bea non na malaking project yung binigay sa kanya pag balik niya non sa SG.
Tapos eto na pala yun, yung pinaguusapan nila kanina sa video call. Nadamay pa ako, pati ako naaya na nilang pumunta dun..
Nakakahiya naman tumanggi, saka wala naman akong madadahilan eh pareho kaming naka vacation leave ni Pongs. So, I said yes to the offer, sayang ang free vacation. At saka mukhang magandang resort yun sa SG eh, nakikita ko kasi sa social media.
"Jema! Tara na! Let's pack.. I'm so excited!" aya sakin ni Pongs..
"Sige, ubusin muna natin tong coffee and food natin."
"Wag na Jema! Mag pack na tayo, sa daan na natin ubusin.." naku, sobrang excited na ni Pongs..
Di na nga kami nagtagal sa coffee shop, umuwi na kami at nagkasundo na magkikita na lang sa baba ng condo ko. Magkalapit lang naman yung condo namin ni Pongs.
Pagdating ko sa unit ko, umupo muna ako sa couch.. Maaga pa naman.. Wala pa namang nasesend saming flight details si Deanna eh..
Ano kayang dadalhin ko? Wala namang sinabi sila Bei kung gano talaga kami katagal mag sstay dun.. Sakto! Nandun din kapatid ko, namimiss ko na yun eh, makikita ko na ulit siya..
.
.
.
.
Ring!Ring!
Ring!
Ring!
Nagising ako sa tunog ng phone ko...
Waaaahhhh! Shet! Anong oras na???
Nakatulog pala ako dito sa couch!
Kinuha ko agad ang phone ko at sinagot..
"Hello, Jema.. Nareceive mo na ba sinend ko kanina na flight details natin? I'll see you after an hour sa lobby ng condo mo ah?" its Pongs..
Naku... Di ko namalayan na nakatulog pala ako...
"Okay, Pongs.. I'll see you..." sagot ko..
"Okay, Jema.. Bye! Hihihi."
Oh myyyyy! Napahaba tulog ko! Hapon na pala...
Di pa ko nakakapag impake..
After ng tawag ni Pongs, pumasok na agad ako sa kwarto at nag impake..
Kung ano ano na lang nilagay ko sa maleta ko.. Buti na lang yung travel documents ko nasa isang bag lang lagi yun..
Kung may di man ako madala na kakailanganin ko sa SG, bibili na lang ako.. Gahol na ko sa oras para isa isahin ko pa yung mga gamit ko.
After ko mag impake, nag shower na agad ako.. Mabilisan lang lahat..
Palabas na ako ng unit ng mag message si Pongs. Nasa lobby na daw siya ng unit ko, nag book na din daw siya ng grab para samin..
Anong oras ba flight namin? Di ko pa nachecheck yung flight details namin sa pagmamadali ko...
Pag baba ko sa lobby sinalubong na niya ko agad.. Grabe ang laki ng maleta niya, may backpack pa siyang dala..
Travel ready si Pongs ah.. Hehe..
"Jema, yung totoo? Haha.. Halatang kakagising mo lang.."
"Waaahhh! Sorry.. Hehe, nakatulog ako."
