D
"Hoy! Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan? Baliw ka na?"
"Tang ina mo naman, Bei eh! Panira ka ng moment eh."
"Moment pinagsasabi mo? Mag isa ka lang dyan nakangiti."
"Bakit ka ba nandito, ha? Anong trip mo?"
"Eh bakit ka muna pangiti ngiti dyan? Para kang gago, Deans."
"Gago! Masaya lang ako.. Look around! Eto na yung multi-million project ko.. Tang ina, eto na! Gawa na at ginagamit na natin at ng napakadaming tao dito sa resort na to.."
"Wooohhh! Idol ka talaga, Deans! Thank you! Pati ako nakinabang. Hahaha."
"Tang ina mo! Pati ako na nananahimik dito sa Singapore binulabog mo.."
"Ehhh nagpaalam naman ako kay Jho, ayoko maiwan mag isa sa bahay habang nasa convention siya.."
"Hayup ka! Bayaran mo accommodation mo dito. Dapat sinama mo na si Pongs.. Magtatampo satin yun!"
"Bayad, Deans? Eh libre ka dito at ang dami mo kayang perks dito.. Pwedeng pwede ka na mag asawa, Deans sa kinita mo sa project na to! Hahaha.."
"Ewan ko sayo.. Kumain ka na lang dyan.."
Langhiyang, Bea to! Imbes na maenjoy ko ng payapa ang accommodation ko dito sa resort bigla ba namang sumulpot na lang kahapon sa apartment ko. Dito daw muna siya.
Hayup! Kala mo walking distance lang sa Pinas tong SG kung makasulpot bigla kahapon.
Nandito kami ngayon sa executive lounge nitong isang building sa resort. Kakaopen lang nitong buong resort 1 month ago.
Pag balik ko dito 2 years ago after ng wedding ni Bea non sa Pinas, etong project na to agad ang bumungad sakin. Hindi yung commercial building ang binigay sakin ng client na tumawag non kundi etong multi million project na to.
Nung una na-overwhelm talaga ako, ang laking project kasi, first time ko hahawak ng ganito kalaking project. Pero as a challenge, tinanggap ko to and I did my job well.
Pinagbuti ko talaga ang trabaho ko. Tuwang tuwa sakin yung client namin. So, as a return, I got a lot of perks in this resort and leisure park. Libre lang naman ako dito at lahat ng gusto kong isama dito as long as this resort operates.
Room, food, drinks, name it, libre lahat. I have my own VIP card issued by the owner, yun yung parang access card ko sa lahat ng meron dito sa resort.
"But, seriously, Deans.. Wala ka pa bang balak magkapamilya, mag asawa ganon?"
"May nakikita ka bang girlfriend o fiance ko? Wala di ba?" muntanga to si Bea sa mga tanungan niya.
"Maghanap ka na kasi.. Mapag iiwanan ka na nyan.. Saka di na tayo tumatanda, sayang lahi, gago! Hahaha.."
"Ah, basta.. Di ko iniisip yan, maka-tumatanda ka naman, kala mo naman sobrang tanda ko na."
"Kunwari ka pa, baka naman may gusto ka na.. Duwag ka lang haha.."
"Ingay mo, Bei.. Di pa ba sapat sayo yang mga pinag oorder mo? Sinasamantala mo vip access ko dito ah.."
Grabe to si Bea, napakadaming pinag oorder kala mo patay gutom eh, mga mahal pa yung pinili, iba talaga. May pa wine bottle pang nalalaman.
"Damot mo, Deans ah.. Buti nga wala si Pongs dito eh. Mas malala kaya sakin yun, walang wala to kung nandito si Pongs."
"Tawagan mo kaya? Pasunurin mo dito, dali. Libre ko na ticket niya, tutal nandito ka na din naman, reunion tayo. Sayang naman perks ko dito. Gamitin na natin, namiss ko na tayong tatlo eh.."