J
"Ate Jema, bakit di mo pinapansin si Deanna?"
"Dapat ba? Wala naman kaming pag uusapan."
"Taray mo naman, ate."
"Ano bang meron? Bakit kasama natin si Deanna dito? Kala ko ba tayong tatlo lang ni Pongs."
"Hoy, ate! Grabe ka naman. Ang tagal kayang nawala ng tao."
"Kasalanan ba natin yun? Teka nga, Mafe.. Sabihin mo nga sakin, nalilito ako eh. Ano bang meron? Nakita ko si Deanna kausap pa sa reception kagabi sila mama, ano walang nangyari?"
Gusto ko talaga malaman kung anong meron. Parang akala mo nakalimutan na ng lahat yung nangyari dati na parang ako lang ang nakakaalala.
Tutal nandito naman na kami ulit sa Bora, balikan na natin ulit lahat. Kaming dalawa ni Mafe ang magkasama dito sa kwarto. Sa katabing kwarto lang namin sila Pongs at Deanna.
"Okay.. Nandito din naman tayo ulit, ate.. Balikan natin lahat. Ano bang gusto mong malaman?"
"Anong nangyari nung gabi bago mawala si Deanna?"
"Nag usap kami, ate.. Simple lang, ayaw na niya kong saktan."
"At ang pag iwan sayo ang naisip niyang paraan? Ang gago lang ha."
"Maayos namang siyang nakipaghiwalay, ate.. May mabuti siyang paliwanag bakit nagkaganon."
"Bumalik siya ng Singapore, tama ba?"
"Tama, ate.."
"Bumalik ka din ng Singapore. Di kayo nagkita don kahit minsan? Ang liit ng Singapore no.."
"Nagkita kami, ate.."
What?! Sabi niya ni minsan di niya nakita si Deanna don.. Ano ba talaga ang totoo?!
"Sabi mo hindi mo siya nakita dun?"
"Yun kasi ang kailangan ni Deanna non eh. Kaya hindi ko sinabi sayo, ate o kahit kanino. Kina mama ko lang sinabi."
"Pati sila mama alam pala."
"Yes, ate.. Nag sorry at nagpaliwanag si Deanna sa kanila non.. Pasensya na, ate ngayon ko lang sinabi lahat sayo."
"All this time akala ko wala kang balita sa kanya. Ano pang hindi ko alam, Mafe?" medyo naiinis na ko.
Ako lang pala ang walang alam samin.. Para tuloy akong tanga.
"Nung nagkita ulit kami ni Deanna sa Singapore, sinubukan ulit namin. Naging kami ulit. Pero wala talaga, ate.. Hindi rin kami nagtagal."
"Why? Naloloka ka na ba, Mafe?! May sakit siya.. It will never work."
Tang inang, Deanna yan! Inulit pa talaga yung sa kapatid ko! Kung kanina naiinis lang ako sa kanya, ngayon nagagalit na ko!
Di pa ba siya kuntentong saktan ng paulit ulit ang kapatid ko?!
"Magaling na siya nung magkita ulit kami sa Singapore."
"At pano mo nalaman? Sinabi niya sayo?"
"Totoong magaling na talaga siya. Sinasamahan ko pa nga siya sa doctor niya non eh. Kasi kahit matagal na siyang cleared, bumabalik pa din siya, just to make sure na okay na talaga siya."
"Ewan ko.. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Lumayo ka sa kanya, Mafe.. Ayokong makitang masaktan ka na naman non!"
"We're friends, ate."
"Friends? Walang ganon, Mafe.. Pagkatapos ng ginawa niya sayo? Friends o Friends with benefits yan?"
"Ewan ko sayo, ate Jema.. Kinain ka na niyang maling pag iisip mo kay Deanna. Lahat ng alam mo tungkol sa kanya non, wala na lahat yun, ate.. Give her a chance na patunayan sayo na nagbago na siya. Di mo alam kung anong pinagdaanan niya para lang maging okay siya."
"Wala akong pakialam sa lahat ng pinagdaanan niya. Ang sa akin lang, wag na niya tayong guluhin."
"Ikaw nga tatanungin ko, ate. Bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend o anything? Fling? Jowa? Bakit nga ba ate?"
"Busy ako.. Kailangan ba meron?"
"Hindi ka ganyan, ate.. Dati rati kahit saan meron kang ka-fling o kung ano pa man yang tawag mo sa ganun. Pero bakit after nung sa inyo ni Deanna non, wala na? Nag iba ka na.."
"Di ako nag iba.. Natuto lang ako.."
"Talaga ba, ate Jema? O umaasa ka pa din sa kanya? Nandyan na ate oh. Nandyan na. Bahala ka pag yan nawala pa.."
"Bat ba pinagtutulakan niyo ko kay Deanna?" kainis na talaga.
"Because she made you stop all your shitty stuff in life. Bahala ka, after natin dito sa Bora, babalik na ng SG si Deanna."
"Wala akong paki.. Eh di bumalik siya. Parang napilitan lang naman yun umuwi dito dahil sa kasal nila Jho."
"Sus, aminin mo, namiss mo siya, ate.. Ang pogi lalo no? Haha.."
Bwiset na to! Lalo pang nang aasar eh..
"Bahala ka dyan, matutulog muna ako, nakakapagod.."
"Hoy, ate! Tara na! Labas tayoooo.. Sayang naman ang Bora! Tatawagan ko na sila Pongs, kain muna tayo."
"Umamin ka nga, Mafe.. Gusto mo pa din ba si Deanna?"
"Uyyy, si ate.. Gusto malaman kung may pag asa pa siya kay Deanna."
"Sira! Hindi no.."
"Wala na, ate. Matagal ng wala. Magkaibigan na lang kami, ano ka ba. Pwedeng pwede na kayo, ilalakad pa kita! Haha.."
"Letche! Lakas mo mang asar.. Iidlip na muna ako, please.. Antok na antok pa ko.. Kung gusto niyo kumain sige go lang.."
"Sige na, mag beauty rest ka muna.. Para naman magandahan ulit sayo si D---"
"Mafe! Tumigil ka na!"
"Pikon! Haha.. Sige na, mag text ka na lang mamaya. Nagugutom talaga ako. Labas muna ako, ate.. Bye!"
"Sige na.. Ingat kayo.."
Hay.. Di ko alam kung maniniwala ba ko sa lahat ng sinabi ni Mafe o ano.. Magaling na pala si Deanna, lalo tuloy akong na-guilty sa mga pinagsasabi ko sa kanya kagabi. Kaya pala ganon ang reaction niya sakin. Grabe ang sama ko sa kanya kagabi.
Pero nacurious talaga ako sa mga nangyari sa kanya after niyang mawala. Ano kayang nangyari sa kanya non?
