J
"Bes...."
"Hoy, bes!" langhiyang Jho to!
Winisikan ako ng tubig sa mukha.. Masisira pa make up ko!
"Bes naman! Masira make up ko.."
"Kanina ka pa tulala.. Kinakausap kita."
"Sorry naman, bes. What do you need ba?"
"Wala, I just need you na di tulala.. Maya maya papasok na yung photographer pipicturan tayo para sa SDE mamaya. Ano ba kasi iniisip mo?"
"Wala, bes.. Masaya lang ako para sayo.. You're a very beautiful bride, bes.." naluluha na ko.
Masaya kasi talaga ako para kay Jho. Finally, masaya na siya, nakita na niya ang para sa kanya.
"Thank you, bes.. Naku, wag kang mag alala.. Mahahanap mo din ang para sayo. Dadating din yun. Naku, wag kang iiyak, ang make up bes sayang!" inabot niya pa sa akin yung tissue.
"Hayyy, who would have thought, bes.. Na yung kagagahan ko that night will lead you to the right person. Somehow, may mabuti ding resulta yun. You and Bea met. And a few more hours, you will spend a lifetime with Bei.."
Haaay.. Di ko na napigilan ang mga luha ko.
Naalala ko na naman ang gabing yun at ang mga nangyari sa lugar na yun..
Our vacation trip to Bora was cut short.
Nung gabi na nag breakdown si Deanna at sinabi ni Pongs ang dahilan kung bakit nagkaganun siya, akala ko maayos pa ang lahat.
Buong gabi akong hindi nakatulog non, hinahanda ang sarili ko sa lahat ng sasabihin sakin ng kapatid ko, ng parents namin at ng family ni Deanna.
Pero iba ang nangyari....
.
.
.
.
.
-----------Flashback
"Bea, bakit ikaw lang nandito?" tanong ni Jho kay Bea.
Siya lang kasi naabutan namin dito sa resto, nag bbreakfast siya.
Medyo late na din for breakfast. Late na kami nagising kasi ni Jho.
"Si Pongs tapos na.. Nauna na sila bumalik ni ate Nicole sa room.."
"Sila tita? Sila Mafe? At yung isang kaibigan mo wala pa?" ang sarcastic naman nito ni Jho sa huling tanong niya.
"Tapos na sila tita kanina pa, inaantay ko lang kayo at sila Mafe at si Deanna, yung isang kaibigan ko, Jho.." medyo inis na yung boses ni Bea.
"Naiinis ka, Bea? Ha?" hay, Jho maaga pa para makipag away.
"Jho, please.. Wag naman tayo mag away. Upo na kayo.. Ako na kukuha ng pagkain niyo.."
"Wag na, Bea.. Sige kuha lang kami food ni Jho.." ako na sumagot, mamaya mag away pa sila..
Inaya ko na si Jho kumuha ng pagkain.
"Jho, ang aga aga nakikipag away ka.."
"Nakakainis pa din kasi yung mga nangyari at nalaman ko kagabi, Jema.. Pati kay Bei parang naiinis din ako."
"Bakit naman nadamay pati si Bea ha?"
"Alam niyang ganun pala si Deanna tapos wala siyang sinabi man lang? Walang man lang heads up ganon? Para nila tayong pinaglaruan."
"Di ka ba nakinig ng maayos kay Pongs kagabi ha? Deanna was sick.. Past tense, bes.. Magaling na siya. Pero na triggered yung sakit niya. Ako talaga may kasalanan nito, bes.. Tigilan mo na yang inis mo kay Bea. Baka pagsisihan mo yan."