D
"So, Deans, anong balak mo kay Jema?" tanong sakin ni Bea.
Nandito kami sa kwarto naming dalawa.. Si Jema at Pongs bumalik na din sa kwarto muna nila.. Kasama din nila sa room nila si Mafe.
Kaninang umaga dumating si Mafe dito sa resort.. Pangatlong araw na namin dito..
Magpapahinga muna kami, maghapon na kaming nag iikot sa resort. Mamayang dinner na kami magkikita kita..
"Eh di liligawan ko siya. Pumayag naman parents niya at si Mafe eh.."
"Alam ko yan.. Di naman yan tinatanong ko."
"Ano ba tanong mo?"
"Pano mo liligawan si Jema? Nandito ka sa Singapore.. Nagbabakasyon lang siya dito."
"Iniisip ko nga paano eh.."
"Simple lang naman solusyon sa problema mo, Deans."
"Sige nga, anong solusyon?"
"Go home, Deans.. Bumalik ka na sa Pinas.."
"You know that I can't.."
"Ano pa bang meron dito sa Singapore na di mo maiwan?"
"Career ko, Bei.."
"Alam mo madami ng opportunity dun sa Pinas, with your resume, baka pag agawan ka pa nila.. Saka sa totoo lang kayang kaya mo na ngang magtayo ng sarili mong firm dun eh.."
"Para kasing di ko pa kaya mag isa magtayo saka di pa ko sigurado sa kakayanan ko.."
"Believe me, Deans. Kayang kaya mo na. Natatakot ka lang. Wag ka na matakot, Deans. Madami ng nasayang na panahon.. Bakit hindi mo i-convince si Mafs, magtayo kayo ng firm niyo dun.. Para makauwi na kayo.. Enough na yung experience niyo dito.."
"I don't really know, Bei.. Pero seryoso ako kay Jema."
"Seryoso ka nga, wala ka namang matinong plano."
"Bahala na, Bei. Ayoko muna isipin. Mag enjoy muna tayo.."
"Alam mo ganyan din kayo nasira ni Jema non, sa pag eenjoy, remember? Tama na yang yolo yolo, Deans.. Di puro enjoy.. Dapat may plano ka, you need to choose and decide.. Di yung bahala na, walang patutunguhan yan."
"Alam ko naman, Bei.. Oo na, pag iisipan kong mabuti."
"I hope this time you'll make good decision, Deans.. Hindi naman unlimited ang 2nd chance eh, baka nga last chance niyo na to."
"I know, sige na magpahinga na muna tayo.." humiga na ko sa kama ko.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Bea. Tama naman lahat ng sinabi niya at isa pa, baka nga last chance na namin to.. Ayoko namang mauwi lang sa wala.
.
.
.
.
.
----------J
After one week of stay here in Singapore, pauwi na kami nila Pongs at Bea ng Manila. 1 week lang naman ang vacation leave ko..
Extended na nga ako eh, dapat ngayon na ang balik ko sa work pero pauwi palang kami ng Manila ngayon.
Naglalakad na kami palabas ng parking area, hinatid kami nila Deanna.
Kasabay ko maglakad si Mafe, sa likod namin sila Deanna. Dala dala ni Deanna ang mga gamit ko.
"Ate, anong plano niyo ni Deanna?"
"Ha? Anong plano?"
"Liligawan ka niya di ba? Eh pano yan, babalik ka na sa Pinas tapos siya nandito."
"Wala naman siyang sinasabi eh.. Di ko alam, Mafs.."
"Malabo yan, ate.. Nililigawan ka palang LDR na agad ang peg?"
"Bahala na.. We will figure this out.."
Hinatid pa nila kami hanggang sa loob ng departure area.
"Jema, here.." ibinigay na sakin ni Deanna ang backpack at maleta ko.
"Thank you.."
"Oh siya, sige.. Papasok na kami sa loob, mag check in pa kami eh.. Sige, Deans, Mafs.. Til next time, see you soon.." pagpapaalam ni Bea, yumakap na siya kay Deanna at Mafe..
Nagpaalam na din kami ni Pongs kay Deanna at Mafe..
Yumakap pa sakin si Deanna..
"Ingat kayo, Jema.."
"Oo naman, ingat ka din dito ah.."
"Of course, I'll message you, Jema.."
"Sige, hihintayin ko, Deanna."
Bigla akong nalungkot.. Okay na nga kami ni Deanna pero magkakalayo naman ulit kami.
Haaaayyyy..
Ano na, Jema???
Tama nga si Mafe, parang ang labo nga ng set up naming dalawa ni Deanna..
Ayoko naman mag demand agad.. Di pa naman kami mag dedemand na agad ako..
Pano mag wowork to kung magkalayo kami?
.
.
.
.
.
-----------D
"Deanna..." tawag sakin ni Mafe..
Nakaalis na kami ng airport, nagddrive na ako papunta sa condo ni Mafe.. Ihahatid ko siya pauwi.
"Yes, Mafs?" sa daan lang ang tingin ko.
"How would it work?"
"What, Mafs?"
"Nandito ka, nasa Pinas si ate. So, pano magwowork yun?"
Hindi ko alam paano sasagutin ang tanong ni Mafe.. Iniisip ko din kasi yun eh..
"I will make a way para mag work yung samin."
"Just to be clear, Deanna. Kilala kita, alam ko namang mabuti ang pakay mo kay ate Jema. Pero please naman, wag mo siyang sasaktan.."
"Hindi ko siya sasaktan, Mafe.."
"Hindi sinasabi yan, Deans. Ginagawa yan. Alam mo bang ang laki ng pinagbago ni ate after ng nangyari sa inyo non."
"What do you mean, Mafe?"
"Before, ate Jema was a yolo type of a person.. Wala siyang paki, gagawin niya kung anong gusto niya, puro siya gimik, fling dito, fling doon, she never had a serious relationship.. Then, she met you.. Pagkatapos non, nagbago na siya. Ang seryoso na niya sa trabaho niya, di na siya gumigimik.. Himala nga na tambayan na niya ngayon coffee shop eh. And after you, wala na kong narinig na nakafling niya or anything.."
Nagulat ako sa mga narinig ko kay Mafe.. Ang alam ko nga kay Jema ganon siya pero hindi ko alam na pagkatapos ng nangyari samin nag iba na pala siya talaga.
"Ngayon ko lang nalaman lahat yan, Mafe.. Tanggap ko naman si Jema kahit ano pa yung past niya at kahit ano pa siya ngayon."
"Alam kong hindi lang panandalian yung naramdaman sayo non ni ate Jema. Kaya nga nung bumalik ka nung kasal ni Bea non, dun ko napatunayan na iba ka sa paningin ni ate.. At masasabi kong mahal ka niya Deanna.. Nahihirapan lang siya aminin sayo yun non nung nagkita kayo ulit. Kaya sana naman, wag mo sayangin yung pagtitiwala niya sayo.. Pati na yung pagtitiwala sayo ng mga magulang namin."
"Makakaasa ka, Mafs.. Hindi ko sisirain ang tiwala niyo sakin. Hindi ko sasaktan si Jema."
Sa mga narinig ko kay Mafe, mas lalo akong nalinawan. Alam ko na ang dapat kong gawin..
At hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na to..
Papatunayan ko kay Jema na mahal ko din siya, mahal na mahal..