D
One month ago nakatanggap ako ng invitation. Its a wedding invitation. My best friend is getting married. And to my surprise, Bea is marrying Jho.
Si ate Nicole siguro nag sabi kay Bea ng company address ko sa Singapore para sa invitation. Close kasi sila non eh.
Funny... Nameet lang namin si Jho non sa Bora 5 years ago. Sineryoso pala talaga siya ni Bea. Siya lang pala ang makakapagpatino sa gagong kaibigan ko.
That night when we met Jho, that was when I met Jema too..
Di pa rin ako makapaniwala, 5 years ago na pala yun.. 5 years na din akong walang paramdam sa kanilang lahat.
After the night I broke up with Mafe, I took the first flight paalis ng Bora. Di na ko nagpaalam sa kanilang lahat, basta bumalik na agad ako the next day sa Singapore.
Hindi ko alam paano mag eexplain sa kanilang lahat, gulung gulo ang utak ko non. Basta ang alam ko lang non, gusto kong umalis at mapag isa.
Wala akong maihaharap na mukha sa kanilang lahat non kaya tumakbo ako palayo. Takot na takot ako na makitang magalit silang lahat sakin.
Pagdating ko sa Singapore, dun pa lang ako nakahinga ng maayos. Nag resign agad ako sa company ko dun at humanap muna ng ibang lugar na titirhan, sa walang nakakaalam.
Ilang buwan din akong walang trabaho. Patay ang phone ko, nag deactivate ako sa lahat ng bagay na pwede nila akong macontact.
Ang gusto ko lang ng mga panahon na yun ay hanapin ang gamot sa sakit ko. Gusto kong gumaling. Ayokong makulong sa sakit na yun, hindi ako yun.
Napunta ako sa iba't ibang ospital at doctor, nakakapagod at nakakapanliit ng sarili na aminin na yun ang sakit ko. Para akong mababaliw sa bawat proseso.
Pakiramdam ko ang dumi dumi ko.. Halos masiraan ako ng ulo, mag isa lang ako. Pero tiniis ko lahat yun para gumaling ako. Di ako bumalik sa trabaho agad, gusto kong gumaling muna.
Hanggang sa makita ko na ang tamang ospital at doctor para sakin. Di ako nagmadali, bawat session, bwat proseso nagtyaga ako.
Tiniis kong harapin lahat yun mag isa. Ako lang naman ang makakatulong talaga sa sarili ko. Ayoko ng may mahirapan pa dahil sakin, ayoko ng makasakit pa ng ibang tao.
Hindi madali ang naging treatment ko. Inabot ako ng mahigit isang taon bago ako nirelease ng doctor ko. Isang buwan muna ang pinalipas ko after my release bago ako humanap ng trabaho. Gusto kong makasiguro na magaling na talaga ako bago ako makihalubilo ulit sa ibang tao.
Sa buong limang taon na nasa Singapore ako, nag focus ako sa trabaho ko. Kahit busy ako sa trabaho, di ko pinabayaan ang physical and mental health ko. Regular pa din akong nagpupunta sa doctor ko. Ayoko ng bumalik sa bangungot na yun, ayoko ng bumalik yung dati kong sakit.
And right now, kailangan ako ng best friend ko. May note pa dun sa invitation na pinadala sakin ni Bea, handwritten pa niya, reminding me of our promises sa isa't isa non at note na I am obliged to come sa ayaw at gusto ko dahil wala daw siyang ilalagay na back up 'best man'.
Ang utak talaga ng gagong yun, lakas makakunsensya eh. Di ako nag respond. Nakita ko din sa invitation yung name ni Jema. Siya yung maid of honor.
Kala mo walang nangyari non kung makapili samin tong si Bea at Jho, kami pa talaga yung pinagpartner. Invited din si Mafe, ate Nicole at Pongs, nasa entourage din sila. Nabasa ko din yung names ng parents ko at nila Jema.
Ano to? Reunion? Paano na lang ako haharap sa kanilang lahat? Pagkatapos ng lahat lahat. Bahala na..
Straight from the airport, dumiretso ako dito sa Tagaytay. Dito kasi yung venue nila eh. Garden wedding ang nakalagay sa invitation. Kakarating ko lang kaninang madaling araw dito sa Pinas.