23

3.3K 120 11
                                    

D

"Good morning, ladies! Ay, Jema lang pala.. Di ka naman mukhang lady, Pongs eh.."

"Kahit kailan ka talaga, Bea! Aga aga ako na naman nakita mo. Di pa ko tapos sa pambabawi ko sayo sa pag iwan mo sakin ah.."

Aga aga nagbabangayan na naman tong si Bea at Pongs.

"Good morning, Jema. How's your first night here in Singapore?" bati ko kay Jema.

"Okay naman, Deanna.. Grabe yung room namin sobrang laki hehe.. Sarap matulog."

Well, suite lang naman ang nireserve kong room kina Jema at Pongs same sa room namin ni Bea. Exclusive lang yung room accommodation na yun para sa mga VIP guest.

Umupo na kami ni Bea sa harap ni Pongs at Jema. Medyo na late pa kami sa breakfast namin dito sa hotel. Pano kasi tong si Bea, ang tagal magising. Nakakainis..

Tinawag ko na yung waiter at umorder ng food namin ni Bea. Madami akong inorder, gutom na gutom ako.

"Daming inorder, Deans ah? Gutom na gutom?"

"Order pa kayo, free lahat yan hehe.. Wag ka na mahiya, Pongs, alam kong matakaw ka!" pang aasar ko kay Pongs.

"Sige, Deanna.. Asarin mo din ako. Mahahampas din kita katulad ng kay Bea.."

"Ingay mo, Pongs.. Kumain ka na lang.. Gayahin mo si Jema kahit saglit, tahimik lang.." Bea.

"Kayong dalawa ang gulo niyo, kumain na tayo.. Para makapag ikot ikot na tayo dito sa resort. Jema, kain ka lang, wag mo pansinin tong dalawang to.."

Ang tahimik naman kasi ni Jema.. Gulo kasi nila Bea ang aga aga..

"Sure, Deanna.. Malaki pala tong resort na ginawa niyo, ang galing mo.. Sobrang ganda dito kahit di ko pa naiikot.."

"Mas maganda pa sa ibang part nitong resort, Jema.. Iikot tayo mamaya after natin kumain.."

"Ireready ko na ba yung 2-piece ko, Deans? Excited na ko mag swim sa beach!"

"Hoy, Pongs! Wag na wag ka magsusuot ng 2-piece, nakakasuka.." ayan nag umpisa na naman tong si Bea.

"Tama na yan.. Gusto niyo ba mag luge muna tayo? Masaya yun!" aya ko sa kanila.

"Wow, luge! Gusto ko non, Deanna.." kitang kita sa mga mata ni Jema ang excitement.

"Sige, after this luge tayo, Jema.." sagot ko..

"So, excited!!!" sobrang saya nito ni Pongs talaga.

"Humanda ka sakin sa luge, Pongs.. Makakaganti na ko sa mga panghahampas mo sakin."

"Ewan ko sayo, Bea!"
.
.
.
.
----------

J

"Ready?" tanong ni Deanna sa amin.

Pagkatapos namin mag breakfast, dinala kami ni Deanna dito sa isang part ng resort. Di ko naman akalain na sasakay kami ng cable car, pero open to..

"Ready na kami! Tabi na kami ni Bea kahit inaaway niya ko.."

"Oo nga, Deans tabi na kami ni Pongs.."

"Okay, let's go.." sagot ni Deanna.

"Wait, Deanna.."

"Why, Jema? Okay ka lang ba?" tanong niya sakin..

"Ano kasi, natatakot ako.. Di ko alam na sasakay pala tayo dyan, takot ako sa heights tapos open pa tong sasakyan natin."

"Don't worry, Jema.. Safe yan, kami ang nag design at gumawa nyan. Kasama mo naman ako eh. Ano, game?" hinawakan na ni Deanna ang kamay ko.

Natatakot talaga ako pero nandito na kami, ayoko naman maging kj saka sabi naman ni Deanna safe to.. So, might as well enjoy this.

YoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon