J
Nakakapagod yung ginawa naming pag iikot dito sa resort.. Pero sa totoo lang sobra akong nag enjoy. Ngayon na lang ulit ako nag enjoy ng ganito.
Lahat ng thrilling activities sinubukan namin ng paulit ulit hanggang sa magsawa na lang kami.
Ang dami naming ginawa maghapon pero tong sila Bea at Pongs parang di nauubusan ng energy, nagyaya pa dito sa beach.
Tinawagan ko si Mafe kaninang umaga para i-inform siya na nandito kami, susunod daw siya dito after ng conference nila. Sobrang busy naman pala ng kapatid ko.
"Hey, Jema.. Bakit nandito ka? Tignan mo sila oh ang saya saya nila.. Ayaw mo ba sumama sa kanila?" umupo sa tabi ko si Deanna.
Nakaupo ako dito sa ilalim ng puno, tanaw ko dito sila Bea at Pongs na nagtatampisaw sa may dagat. Hindi na din gaano mainit.
"Nakakapagod, Deanna eh.. Pero nag enjoy ako. Grabe lang talaga ang energy ng dalawa na yan hehe.."
"Nagugutom ka ba, Jema? Papakuha ako ng food kung gusto mo."
"Wag na.. Okay lang ako. Sige na, sumama ka na sa kanila dun."
"I'm okay, Jema. Samahan na lang kita dito, kung okay lang sayo."
"Ano ka ba, syempre okay lang, Deanna."
Wala na ulit nag salita sa amin. Nakatanaw lang kaming dalawa sa dagat.
Ano kayang iniisip nito ni Deanna?
Kamusta na kaya talaga siya dito?
"Ah, Jema.. Kamusta ka na?" basag niya sa katahimikan naming dalawa.
Napalingon ako saglit sa kanya, sa dagat pa din ang tingin niya.
Sobrang amo pa rin ng mukha niya.. Ang ganda ng mga mata at kilay niya.
At yung mga labi niya sobrang pupula..
"Jema?" tawag niya ulit sakin..
Napatitig na pala ako sa kanya, buti hindi siya nakatingin sa akin.
"Ah, ano.. I'm okay, Deanna.. Ikaw, kamusta ka na dito?"
"Katulad pa din ng dati, Jema.. Inaabala ang sarili sa trabaho."
"Napaka hardworking mo naman, Deanna.. Magpahinga ka din. Wala ka bang balak umuwi ng Pinas?"
"Hindi ko alam. Wala naman akong gagawin dun eh."
"Bisitahin mo yung pamilya mo, di ba nandun sila?"
"Nagbabakasyon naman sila dito eh.."
Mukhang wala na talaga balak bumalik ng Pinas to si Deanna ah..
Wala na kong nasagot.. Di ko na alam ang sasabihin ko. Katahimikan na naman ang bumalot samin.
"Jema..."
"Yes, Deanna?"
"I just wanna take this chance, I'm sorry, Jema.."
"Sorry? Para saan, Deanna?"
Diretso pa din sa dagat ang tingin namin ni Deanna.. Ang seryoso naman niya.
"Sa lahat lahat ng nagawa ko non.. From the first time we met in Bora to the last time we were together in Bora 2 years ago."
"Bakit ka naman nag sosorry para dun?"
"I just feel that I owe you an apology.."
"Lahat ng nangyari non kalimutan mo na, Deanna.. Naka move na kaming lahat, nakalimutan na nga namin eh. Forgive yourself na.."