D
"Babe, bakit ang tagal mo? I've been calling you kanina pa pag gising ko. Nandito na sila Bea kanina pa. Sila mama at mommy nakabalik na sa room nila." bungad sakin ni Mafe pagdating ko dito sa resto ng hotel.
Late na ko nagising kanina. Pagod na pagod ako. Buti nga nagising pa ko para sa breakfast na to..
"I'm sorry, babe.. I woke up late eh. Ang sakit ng katawan ko."
"Napagod ka ata sa activities natin kahapon eh. Masama ba pakiramdam mo?" hinawakan niya pa ko sa noo at leeg.
"I'm okay, babe.. Napagod lang ako."
"Okay, let's go.. Upo ka na dun sa tabi namin, ikukuha na kita ng food mo.."
Sinundan ko na si Mafe..
Teka..
Magkakasama pala sila ni Bea, Pongs at Jho...
At ni Jema...
Pinilit kong maging normal lang ang reaction..
"Babe, upo ka na dito.. Anong gusto mong food?" hinila pa niya yung upuan sa harap namin.
Sila Bea nakatingin lang samin.. Napatingin ako saglit kay Jema, nakatingin din siya sakin eh..
"Ako na lang kukuha ng pagkain ko, babe.. Upo ka na dito.."
Shit! Natataranta ako na ewan di ko alam kung bakit.
Bakit ba kasi magkakasama sila sa isang table? Si Bea di man lang ako ginising kanina..
"Babe, are you okay? Bat namumutla ka? Nag aalala ako.." hinawak hawakan niya ulit ako sa leeg at inayos yung kwelyo ng polo shirt ko..
"I'm okay, sige na kukuha na ako ng food.."
"Hindi na.. Sige na, umupo ka na dito. Ako na kukuha, please.."
Wala na kong nagawa.. Umupo na lang ako, hahaba pa yung usapan eh. Di naman magpapapigil si Mafe sa gusto niya.
Katapat ko pa talaga si Jema.. Katabi niya si Jho at si Bea naman sa kabilang side ni Jho..
Si Pongs nasa kabilang upuan dito sa hilera ng upuan namin ni Mafe.
"Hoy, Deans! Bakit late ka na bumaba dito ha? Kanina pa kami dito.. Excited na ko sa island hopping natin!" excited na sabi ni Pongs.
"Island hopping? Kelan?" nagtatakang tanong ko.
Alam ko ngayong araw mag iikot ikot lang kami dito sa beach eh..
"Yes, Deans.. Mag island hopping daw tayo ngayon sabi ni Mafs.. Nagpareserve na siya para sating anim. Si ate Nicole sasamahan daw sila tita mag ikot ikot muna dito." sagot ni Bea.
"I'm excited, Bei.. Hihihi.." kilig na kilig naman tong si Jho.
Tong si Bea makaakbay kay Jho kala mo di kami kasama eh..
"Ahhh, okay.. Di nabanggit sakin ni Mafe eh.. Sasama ka ba, Jema?" tanong ko kay Jema.
Ang tahimik kasi ni Jema eh. Nakatingin lang siya samin..
"Yeah.. Sasama ako. I like adventures eh." yun nagsalita din siya.
"Pareho pala tayo, Jema. I like adventures too.. Lalo na yung mga kakaibang experience. Ikaw ba gusto mo din ng mga kakaibang experience?" nakatingin lang ako kay Jema..
Si Bea at Jho napatigil sa harutan nila.. Napatingin na sila sakin..
Shit! Di ko talaga mapigilan ang sarili ko. Para na naman akong nag iinit sa excitement na makasama si Jema.
Nagwawala na naman yung hormones ko sa katawan. Pano ba naman tong si Jema eh, ang sexy ng suot.
Sobrang revealing kitang kita ko na eh tapos naka-bun pa yung buhok niya kaya expose na expose lalo yung balikat niya at leeg.. Fuck! Ang sarap kagatin!
Si Jema nakatingin lang sakin, di siya sumasagot..
"Babe, here's your food.. Okay na ba to sayo?" dumating na si Mafe.
Ibinaba na niya isa isa yung mga pagkain sa tray na dala niya at saka umupo sa tabi ko.
Napatigil tuloy ako bigla sa pagpapantasya kay Jema.. Uurrrggghhhh... Jemaaaaaa..
"Okay na to.. Ang dami naman ng kinuha mo."
"Kain ka ng madami, babe. Mag island hopping tayo after mag breakfast."
"Okay, babe.."
Hinarap ko na lang yung pagkain ko.. Gutom na gutom na ko..
"Mafs, saan wedding niyo ni Deans pala?" Pongs.
Napaubo ako bigla sa narinig ko.. Umiinom pa naman ako ng juice..
Ang daldal naman kasi nito ni Pongs eh. Di na lang kumain.
"Babe, are you okay? Natapunan ka na ng juice tuloy.."
Pinunasan na ni Mafe yung damit ko.. Pati leeg ko pinunasan niya.
"Babe, sige na ako na.."
"Wait.. Babe, what is this?"
"What, babe?"
May parang nakita siya sa leeg ko na ewan..
Sila Bea gulat na gulat yung reaction sa harap namin pati si Jema napatingin na din.
"Here, babe.. Look.." inopen niya yung front camera ng phone niya para maging salamin..
And fuck!
I got hickey on my neck! Sa ilalim lang ng collar ng polo shirt ko..
Tang ina! Bat di ko napansin kanina to? Pulang pula to grabe...
Pahamak kasi na tanong ni Pongs yan eh! Di naman sana halata kasi natatakpan ng collar eh.
"Ahh--, ahhh, babe.. I think its an allergy.. Ang kati nga babe eh kanina pa, di ko alam na namula na ng ganyan.."
"Ano bang kinain mo kasi, babe? Baka lumala yan.. Sama ka muna sakin sa room after mag breakfast, may cream ako dun. Agapan na agad natin yan.. Mamaya kung anong kumagat dyan, mainfect pa yan."
"Okay, babe.."
Wew! I think, naniwala naman si Mafe sa sinabi ko..
"Sige na, tapusin mo na yang food mo.."
Napasulyap ako saglit kay Jema.. Parang nakahinga na din siya ng maayos.
Sila Jho at Bea din nawala na yung tensyon sa mukha..
"Deans naman kasi! Kung ano anong pinaggagawa mo na naman! Hahaha.." biro ni Pongs.
Lecheng Pongs to! Kung alam mo lang yung tensyon kanina, di ka makakapagbiro ng ganyan..
"Hay naku, alam mo naman yan Pongs si Deanna.. Di nag iingat minsan.. Buti na lang may dala akong mga gamot." sagot ni Mafe..
Pagkatapos namin kumain, bumalik na muna kami sa kanya kanyang room para mag prepare sa island hopping namin.
Pero ako, pinasunod muna ako ni Mafe sa room niya..
Tang inang hickey to! Pahamak! Muntikan na ko dun!
Ganito ba kagigil na gigil si Jema sakin kagabi? Lagot talaga siya sakin mamaya!
Gaganti ako!
