DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, occurrences, and incidents are all inventions of the author. Any connection to real people, living or deceased, or real events is entirely coincidental.
STOP PLAGIARISM! IT IS A CRIME.
*****
Trinity's POV
"Wag po, wag niyo pong gawin ito. Magbabayad nalang po kami. 'Wag niyo pong parurusahan ang anak ko!"
Nagising ako sa sigawan na nangyayari sa baba. Tsk. Ano ba naman 'yan! Sabado ngayon at gusto ko pang matulog! Bwisit!
Wala akong nagawa kundi bumaba. Imbis na dumeretcho sa banyo para maghilamos at magmumog ay dumeretcho na lamang ako sa pinangyayarihan ng sigawan. Nakakainis!
"Hindi niyo kayang bayaran ang ginawa ng anak ninyo! Pinagnakawan niya ang mga Alvareoz! Kailangan niyang maparusahan!"
Napapikit ako sa narinig ko. Bwiset! Nagnakaw na naman si kuya. Gusto ko siyang patayin.
"Anong nangyayari dito 'nay?" tanong ko at napapikit pa nang masilayan ang araw. Ang sakit sa mata, bwiset!
"Anak kausapin mo sila. Kinukuha nila ang kuya mo. Alam mo namang ang kuya mo lang ang bumubuhay sa atin." hinawakan ako ni nanay sa kamay.
"Hoy kung sino man ho kayo, 'wag niyo naman hong kunin ng ganun ganun nalang ang bugok kong kuya. Pag-usapan ho natin to ng maayos." napakamot ako sa ulo ko. Paano ba naman kasi, hindi ako makatingin ng maayos sa kanila dahil nasisilaw pa'rin ako sa araw.
"Walang dapat pag-usapan. Dadalhin na namin ang kapatid mo sa mga Alvareoz!"
Napamura ako. "Hoy kuya, kahit bugok 'yang kuya ko, hindi naman siya hayop. Pag-usapan natin 'to!"
"That's enough! Isakay niyo na sa kotse yan!" rinig kong sigaw. Ay bwiset naman talaga!
"Hoy kung sino ka mang pa-english english ka, 'wag niyong kukunin ang kuya ko! Hindi naman kayo mga pulis bwiset!" sigaw ko at akmang sasabunutan ang may hawak kay kuya pero ngayon ko lang napagtanto na kalbo pala iyon.
"Huwag niyo pong kukunin ang anak ko, diosko!" halos maiyak si nanay sa nangyayari.
"Magtatrabaho nalang ako sa mga Alvareoz na'yan kung gusto niyo. Basta 'wag niyo lang kunin ang kuya ko, ano ba!" sigaw ko. Umagang umaga, bwiset! Naiinis ako!
Narinig kong natawa yung kalbong may hawak sa kuya kong bugok. "Sa bata mong iyan? Hindi mo kakayanin ang trabaho sa mga Alvareoz." sabi nito. Mas lalo akong nanggigil kaya minura ko siya.
"Hoy kalbo! Kahit 16 years old lang ako kaya ko nang magtrabaho ano! Patubuin ko yung buhok mo sa ulo eh!" minura ko siya ulit. Natawa naman yung iba na mga kasama niya. Anong tinatawa tawa nila?! Mga bwiset.
"Stop the nonsense!" may bumaba sa kotse. Kung hindi ako nagkakamali, mga nasa late 40's ang lalaking ito. "If you really want to work for us, okay then. Mag-impake ka na. Dahil pagkarating na pagkarating natin sa lupa naming mga Alvareoz, magsisimula na ang trabaho mo."
Tsk. Edi natapos ang usapan, patatagalin pa eh.
"Boss pakakawalan na ba namin ang lalaking 'to?" tanong ni Kalbo dun sa englishero. Tumango naman ito.
Minura ko si kuya. "Wala ka talagang alam na mas malinis. Bwisit ka." suminghal ako. Nakakainis!
"Teka pala. Bago ako mag-impake, anong trabaho ang gagawin ko don?" tanong ko dun sa englishero.
"Simple. You'll help the Alvareoz to make the family bigger."
Kumunot ang noo ko. Ano raw? Bakit kasi english bwiset. Hindi niya ba alam na dalawang beses akong umulit ng 3rd year high school dahil lagi akong bagsak sa english?
"Pwedeng paki-explain?" tanong ko.
"Pakakasalan mo ang anak ko."
Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?! Anong sabi niya?! Aba gago yata ang matandang lalaking ito.
"You'll marry my son. Flinn Cedric Alvareoz."
Ay bwiset!
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Novela Juvenil(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020