Affair 2: Prologue

103K 792 180
                                    

Affair 2: Hot Summer with My Cousin

------

Prologue

——-

Habang umaandayog ako ng sayaw sa gitna, hindi maiwasang lumapat ang iba't ibang parte ng katawan ko sa mga nagsasayawan na naririto sa bar. Tumalon talon ako habang nakataas ang kamay, kumendeng kendang na parang wala ng bukas. Bakas sa mga mukha ng mga kalalakihan sa bar ang saya at paglalaway sa mga babaeng halos maubusan ng tela ang suot na damit. Ganyan naman silang mga lalaki, panay ang panlalaway sa magandang kurba ng kababaihan pero ang reyalidad hindi sila mga seryoso at tanging init lang ng katawan ang nais. 


"Hot mo naman Miss" sabi nitong lalaking babagong lapit sa akin habang sinasabayan ako sa pag giling ko.  Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa kalasingan at dahil na rin sa patay sinding ilaw dito sa bar.

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya sabay nag sexy dance, sanay na akong gawin ito pero hanggang doon lang naman ako. Kahit palagi aong nag pupunta sa bar alam ko ang limitasyon ko. Mabilis na  ikinatuwa nitong lalaking kasayaw ko ang ginawa ko. Sumayaw sayaw din siya, naramdaman ko ang pag galaw ng mga kamay niya sa likurang bahagi ng katawan ko. Sinusunson nito ang likuran ko, napangisi na lamang ako habang naging alerto sa galawan niya. Bumaba ito sa pwet ko pero bago pa man ito makalapat sa matatambok kong puwet ay agad siyang tumilapon sa hindi ko alam na dahilan.

Tiningnan ko ang paligid at parang walang nangyaring komusyon dahil sa tuloy parin ang pag-sa-sayaw nila. Nakita ko kung paano ulit sinuntok nung lalaking babagong dating yung kasayaw ko kanina. Teka parang kilala ko itong likod na ito ah? Iniisip ko kung kaninong likuran itong nambubugbog pero hindi ko matandaan ang pangalan nito. Hindi ko rin maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin. 

"Fuck! Sino ka ba ha!?" galit na sabi nung lalaking kasayaw ko kanina. Halata sa mukha nitong nadismaya siya sa pag- istorbo sa pagsasayaw namin. May dugo na din ito sa tabing labi, mukhang napuruhan siya sa pagsuntok sa kanya. 

"You touch her, i'll fucking kill you" nakakatakot na sabi nung lalaki, kill agad? Base sa boses nito talagang galit ito at nagtitimping magawan pa ng mas malala ang lalaking kasayaw ko. 

"Kung gusto mo ng babae maghanap ka ng sayo! Huwag kang mang agaw-"  hindi na natuloy yung sasabihin nung lalaki dahil pinaulanan na ito ng suntok nung isa pang lalaking babagong dating. Luminga ako sa paligid at wala man lang naawat sa lalaki, nasaan na ba ang kasamahan nito, wala man lang bang mag lalakas loob na awatin ito?

Wala atang balak tumigil yung lalaki sa pag suntok doon sa isa pa. Halos maligo na sa sariling dugo yung lalaking sinuntok nito. Grabe, mukhang manghihiram ito ng mukha sa aso. Natigil lang ito sa pag bugbog nung lalaki sa isa pang lalaki noong dumating na ang mga bouncer ng bar.

"Sir awat na, papatayin niyo na ata iyang lalaki" sabi ng isang bouncer habang pinipigilan siya nito. Habang yung isang bouncer naman ay itinayo na ang walang malay na lalaki.

"Talagang papatayin ko yang hayop na iyan. Alisin niyo iyan sa harapan ko kung ayaw niyong mukha niyo naman ang basagin ko!" galit na sabi nung lalaki. Mag rereact pa sana ako pero mabilis niyang hinila ang mga kamay ko papalabas sa bar. Bakit ba niya ako hinihila palabas, hindi pa naman ako tapos mag sayaw at magsaya, pahirapan pa kaya akong makapunta dito dahil sa daming bantay nina dad sa akin. 

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon