Affair 2: Nine

38.4K 447 16
                                    

"Wow!"

Yan na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil sa mga nakikita ko. Hindi ko alam na ganito pala kasayang mag celebrate ng piyesta dito sa probinsya. Simple lang pero masaya, tipong alam mong pinaghandaan nila ito. Madaming taong dumalo sa kasiyahan. Tama nga si Enrique, maraming ganap. May nag sasayaw, kumakanta, may palabas, may labanan ng mutya, may ibat ibang palaro, may komidyanteng talagang mangangalay ang panga mo sa katatawa.

Napalingon ako doon sa gawi ng mga bata, may nakita akong umiiyak sa tabi kaya naman agad ko itong pinuntahan baka mamaya ay nawawala na pala ito.

"Bata? Bakit ka naiyak?" tanong ko, pero mali atang tinanong ko pa ito dahil mas lalo lang itong umiyak.

Jusko po.

"Nako! Bata tahan na baka isipin nila pina iiyak kita" sabi ko, may mga tumitingin na kasi sa gawi namin.

"Tingnan mo yun oh! Ki- kidnappin ata nung babae yung bata!"

"Hala oo nga! Tara tumawag tayo ng tanod!"

Tangina! Mukha ba akong kidnapper!? Sa ganda kong ito mangingidnap ako? Umiyak ito ng umiyak mukhang hindi ito tatahan hanggat hindi nakakasama ang nanay o kung sino mang kasama nito.

Lumapit na pala saamin si enrique. Kinuha niya ang bata at pinasan niya ito. "Bakit ka naiyak bebe girl?" malambing na sabi nito, humikbi pa muna ang bata bago ito nag salita.

"N-nawawala po kasi ako" sabi nito at yumapos kay enrique. Aba! Batang ito, kanina nung tinanong ko hindi siya sumagot tapos kay enrique with matching yakap pa?

"Ano bang pangalan mo?" tanong ni enrique. Luminga linga ako, nagbabaka sakaling may makita akong ina na nag hahanap sa anak niya pero wala. Wala akong makita, grabe naman ang ina nito. Pinabayaan ang anak, nako pag nakita ko talaga ang kasama nito sesermonan ko ito.

"Hannah po" sabi nito.

"Sino ba ang kasama mo dito?" Halata sa boses ko ang pag ka inis dahil nga sa kasama ng batang ito.

"Yung pinsan ko po, hinabilin po kasi ako sa kaniya ni inay."

"Saan ba nag punta pinsan mo?"

"Sabi po kasi niya e may tatagpuin lang siya kaya iniwan niya ako dito. Sabi niya babalikan niya ako pero hindi na po siya bumalik" sabi nito at nagsimula na namang umiyak.

Buti na lamang at magaling sa pagpapatahan ng bata itong si enrique.

"Ano bang pangalan ng pinsan mo?"

"Angel po" napatigil ako sandali at napatingin sa kaniya.

Baka naman hindi angel na kilala ko. Maraming angel sa mundo at yung kilala ko mukha siyang alalay ni satanas.

"Angel?" Pag uulit ko pero hindi na ako pinansin pa ng bata at yumapos na lamang ng mahigpit kay enrique.

Kung sakaling iisa lang ang angel na kilala ko at pinsan niya. Tatamaan siya sakin.

"Tara na, sumama ka nalang samin" sabi ni enrique.

Gaya nga ng sinabi ni enrique sa bata ay sinama na namin ito sa pag lilibot pa. Tumigil na ito sa kakaiyak. Nakita ko kung papaano ituring ni enrique si hannah. Malapit pala siya sa bata.

Masaya sila, at sobrang sarap nilang tingnan dalawa. Para nga silang mag ama e. Tapos ikaw yung nanay. Napa iling ako sa sinabi ng isip ko. Ano ba naman tong pinag iiisip ko.

Lumakad na ako papunta sa kanila dahil naiwan na nila ako. Mukhang nakalimutan ni enrique na ako ang kasama niya.

"Enrique!"

Lumingon ito sa akin. Kinawayan niya ako para sabihin na bilisan kong maglakad kaya naman binilisan ko na at hinabol sila.

"Ayun!" biglang sabi nung bata na kinagulat namin, nag tututuro ito sa isang direksyon.

"Ano iyon hannah?"

"Nakita ko po yung pinsan ko"

"Nasan!? Nasan!?" inis na sabi ko habang luminga linga.

"Andon po sa may nagtitinda ng mga softdrinks" sabi nito pagkatapos ay tumurong muli.

"Sige tara" sabi ni enrique agad kaming nagpunta doon sa sinasabi ni hannah.

"ATE!" Sabi ni hannah pagkababa nito mula sa bisig ni enrique. Agad siyang pumunta doon sa pinsan niy--

"Kaya naman pala" nasabi ko nalang ng makita kung sino ang pinsan nito.

"kaya naman pala ano?" sabi ni enrique na nasatabi ko.

"Kaya naman pala nawala yang si hannah, busy sa pakikipag landian ang pinsan niya" sabi ko habang nakataas ang kilay.

Lumapit saamin si angel kasama si james, nakakunot ang noo nito. Nagtataka siguro kung anong ginagawa ko dito at kung bakit ko kasama si enrique.

"Anong sabi mo!" galit na singhal ni angel.

"Oh? Bakit ka nagagalit kung totoo naman!"

"Nadine tama na nga iyan!" sabi saakin ni james habang nakahawak sa braso ko. Pinipigilan niya ako para tuluyang makalapit sa angel na iyon

"Yan tama james! Pagsabihan mo yang PINSAN mo!" mataray na sabi nito.

"Bitawan mo nga ako! At yang angel na iyan dapat ang pagsabihan mo! Kelanding tao! May ipapakuha ipapakuha pang nalalaman. May binabantayan kang bata pero iniwan mo ano? Para makalandi! Hitad ka!" sabi ko.

"Nadine sabing tama na!" hinigpitan pa ni james ang hawak sakin.

"Tol nasasaktan na si nadine" kalmadong sabi ni eneique habang tinatanggal ang kamay ni james sa braso ko. Kalaunan ay tinanggal din naman nito.

"Huwag ka ngang makisali! Inis na sabi ni james at itinulak ang balikat ni enrique.

" James ano ba! Iyang kasama mo ang pag sabihan mo at huwag kami! Inuuna niya ang kalandian niya-"

" Shut up! Hindi mo siya kilala! " galit na sabi ni james saakin.

"Bakit gaano mo ba kakilala ang babaeng iyan? Angel lang ang pangalan niyan pero mukha siyang demonyo. Magsama kayong dalawa sa impyerno. Tara na nga enrique!" sabi ko at iniwan silang dalawa doon.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon