Affair 2: Four

44.7K 471 38
                                    


Maaga akong nagising dahil sa may maingay sa kusina, agad akong nag ayos ng sarili para naman mag mukha akong presintable sa harap ni james. Maganda ang gising ko dahil sa pag halik na ginawa ni james saakin kagabi at ang pag gamot nito sa sugat ko. Napansin niya pala iyon at talagang siya pa ang nag gamot nito. Concern siya sakin mas lumawak ang ngiti ko dahil sa naisip ko. Sana ay maganda ang takbo ng buong mag hapon ko. Ng makita kong maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto at agad nag tungo sa kusina. Nakita ko si james at angel na masayang kumakain ng umagahan. Talagang dito pa dumayo ng kain ha.

"Nadine! Halika dito sabayan mo kami" sabi ni james habang tinuturo ang upuan sa tapat niya.

Mag katabi sila sa lamesa at mag mumukha akong chaperone kung uupo ako sa harapan nila. Tsaka ayokong makasabay ang babaeng iyon.

Si angel naman ay naka ngiti saakin, hindi ko nga alam kung yung ngiting iyon ay ngiti ba talaga o inaasar niya ako.

"Nawalan ako ng gana" sabi ko nalang.

"Ha? bakit naman may problema ka ba? Pwede mong sabihin sakin kung gusto ng mapag sasabihan" pakunwaring mabait na sabi ni angel.

"Oo, ikaw" sabi ko ng mahina pero narinig pala nila.

"Nadine!" Galit na sabi saakin ni james, tatayo na sana ito ng hawakan siya sa braso ni angel.

Akala ko pa naman ay maganda ang magiging takbo ng araw ko hindi pala dahil may panira ng araw.

"Ano bang problema mo!?" Sabi ni james.

Hindi ko siya masagot gusto ko mang sabihin na ayokong nakikita silang mag kasama ay parang nahihibang naman ako noon.

"Wala" sabi ko nalang at lumabas ng bahay hindi ko napansin na sinundan na pala ako ni angel.

"Nadine! Wait" sabi nito tumigil ako sa pag lalakad at hinarap ito.

"Practically alam kong ayaw mo sakin at ganun din naman ako sayo. Pero pwede ba na maging okay tayo sa harap ni james?" Sabi nito

"Alam mo naman palang ayoko sayo bakit nag pupumilit kang kausapin ako? At teka, inuutusan mo ba akong nag panggap sa harapan ni james? Duh! Huwag mo akong igaya sayo na magaling lang kapag nakaharap siya" sabi ko, sasagot pa sana siya ng biglang lumabas din si james.

"Nadine, angel anong pinag uusapan niyo?" Tanong nito ng makalapit ito saamin. Tiningnan ko si angel na nakatingin na din pala saakin. Mag sasalita na sana siya ng unahan ko ito.

"Gusto niyang mag panggap ako na okay kami sa harapan mo, see plastikada" nagulat siya sa sinabi ko hindi nya siguro aakalain na sasabihin ko iyon kay james.

Mukhang nagulat si james sa sinabi ki at naguguluhang tumingin kay angel saka bumaling uli saakin.

"Hindi yan magagawa o masasabi ni angel. Huwag mo nga siyang siraan" halata sa boses niya ang inis.

Napatanga ako sa sinabi niya. Hindi niya ako pinaniwalaan, nakita ko ang bahagyang pag ngiti ni angel.

"Ano ka ba james okay lang, baka hindi lang talaga kami mah ka vibes ng pinsan mo"

"Hindi angel! Sumosobra na kasi siya hindi ko siya maintindihan kung bakit siya nag kakaganiyan"

"Hayaan mo na, baka ayaw niya lang na dito ako kumain. Uuna na ako salamat ha." Sabi ni angel at aakmang aalis na ito pero pinigilan siya ni james. 

"Hindi dito ka lang" sabi nito.

"Corny niyo" sabi ko nalang sabay alis sa harapan nila kung mag usap sila ay parang wala ako sa harapan nila.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon