Affair 2: Epilogue

32.4K 478 51
                                    

Nadine:

Malamig na kamay ang gumising saakin habang marahan akong tinatapik tapik. Napakunot ako ng noo, hindi ko parin binubuksan ang mata ko. Bumaling ako sa kabila, nag babaka sakaling hihinto ang lag tapik saakin. Pero mali ako, mas lumakaa pa ito kaya iritado kong nilingon ang may kagagaaan noon.

Nagtama ang mga mata namin ni manong, lumampas ang mata ko sa likuran niya. Nakarating na pala kami. Umalis na siya sa harapan ko. Nag buntong hininga muna ako bago ko napag desisyonan na lumabas.

Agad nag tama ang mata namin ni mom na ngayon ay nasa pintuan. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa mga tingin niya.

Lumakad na ako, habang papalapit sa kanya mas nadaragdagan pa ang kaba sa dibdib ko.

"Mom" sabi ko bago ko ilapit ang pisngi ko sa kanya para makipag beso beso. Pero umiwas siya, wala na akong nagawa kung hindi umayos ng tayo.

"Papahinga na ako" Sabi ko at pumasok. Nakita ko si dad, hindi ito galit parang masaya pa ito.

Bakit naman? Hindi pa ba niya alam?

Nag kiss muna ako kay dad bago umakyat sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko, walang text o tawag mula sa kanya.

Busy siguro, hindi na ako nag abalang tawagan siya. Ipinikit ko ang mga mata ko at kalaunan ay nakatulog na ako.

---

Kinabukasan maaga akong nakapag ayos, lumabas na ako sa kwarto ko para kumain ng mapadaan ako sa kwarto nina mom narinig kong nag tatalo sila.

"Hahayaan mo na lang ang anak mo!? May ginawa siyang kasalanan at okay lang sayo yon!?" Galit na sabi ni mom.

Hindi ko maiwasang maluha, first time nilang mag away ng ganito at ako pa ang dahilan.

"Hon! Makinig ka sakin, mas okay na sila ang ma katuluyan I know james. Hindi niya pababayaan ang anak natin." Nag susumaong sabi ni dad.

Kahit naguguluhan ay sumaya ako sa sinabi ni dad. Boto siya kay james. Okay lang sa kanya yung relasyon namin.

"Hon, please? Ayokong mapunta ang anak natin sa iba. Si james kilala ko siya, mabait na bata siya."

"Mag tataka si nadine kung papayagan natin siya"

"Kaya nga sabihin na natin aa kanya ang totoo"

Anong totoong sinasabi nila? At bakit ako mag tataka? Mas lumapit pa ako sa pinto para mapakinig ng ayos ang pinag uusapan nila.

"Natatakot ako hon, baka pag nalaman niya ang totoo. Baka lumayo ang loob niya saatin."

"Mabait na bata si nadine. Kahit matigas ulo nya alam kong maiintindihan niya tayo. Pinalako natin sya na parang sariling anak natin." Sabi ni dad, napa hawak ako sa bibig ko.

No!

Yes?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko. All this time..... Hindi nila ako tunay na anak. Natapos na ata ang pinag uusapan nila, aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Nadine?" Sabay na sabi nila, napahawak si mom kay dad. Nag katinginan pa ang dalawa.

"Na....narinig mo ba?" Tanong ni mom. Marahan akong tumango kasabay ng pag landas ng luha ko sa mata.

"Ampon ako" Mahinang sabi ko. Niyakap ako ni mom habang umiiling siya.

"Hindi, anak ka namin ng dad mo. "

"Mom sorry" Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

Naging pasaway ako, lahat na ata ng dahila na ikakasakit ng ulo nila ay ginawa ko. Nakukuha ko ang gusto ko not knowing na hindi pala nila ako tunay na anak. Kung alam ko lang, sana naging mabutihing anak ako.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon