Lumabas ako ng kwarto at nag deretso sa salas. Nakita ko ang dalawa na masayang nag kekwentuhan. Langyang lalaking ito! Matapos akong bitinin ay makikipag landian pa sa harapan ko. Nag dabog ako, sapat para maagaw ko ang atensyon nila."Nadine! Halika pakinggan mo ang kwento nitong si Angel nakakatawa!" masayang sabi ni james at kinawayan pa ako para paupuin doon sa harap nila.
"Di hamak na mas katawa tawa ang mukha ng babaeng iyan" singhal ko, buti na lang at hindi nila iyon narinig.
"Ano ulit sabi mo nadine?" tanong ni james, umiling ako at umalis sa harapan nila at pumunta sa kusina.
Bahala siya sa buhay niya bwisit siya. Sa inis ko ay malakas ko palang nai sarado ang pinto ng ref.
"Anong nangyare?" nag aalalang tanong ni james. Narinig niya siguro ang pagkalabog ng ref. Hindi ko siya pinansin at pinag patuloy ang ginagawa ko. Kumuha ako ng baso, naramdaman ko nalang na umikot ako.
Nakaharap na ako ngayon kay james at hawak niya ako sa parehas kong braso. Nakakunot ang noo nito.
"Napapansin kong palagi kang naiinis at wala sa mood kapag naririto si angel. Ano bang problema mo?" naguhuluhang tanong nito. Hindi pa ba halata james? Hindi pa ba? Kahit ako ayokong sagutin ang tanong ko.
"Mag salita ka nga" sabi nito, nakatitig lang ako dito.
"Huy!"
"Bitaw nga!" sabi ko at inalis ang kamay niyang nakahawak saakin.
"Bahala ka nga diyan!" sabi nito ng naiinis.
"MAS BAHALA KA!" sabi ko naman na parang batang naiinis sa kaniya.
Umalis na ito at hindi na ako kinulit pa. Langya! Ganon nalang yon? Hindi man lang ako susuyuin? Takte.
Inis na inis akong kinuha ang baso pero dahil sa kawalan ko sa wisyo nagpatak ito.
" Aray! " sabi ko dahil nga sa nagpatak ito may bumaong bubog sa paa ko. Just great.
Agad tumalima ng takbo si james at iniwan si angel. Nakita ko kung papaano kumurba ang mga mata niya, galit itong nakatingin saakin.
Kasalanan ko bang bumaon ang bubog sa paa ko? Alangan naman na sige pa ang sabihin ko imbis na aray.
"Hindi ka kasi nag iingat!" may pag aalala sa mata niya. Agad siyang kumuha ng tuwalya para pang balot sa sugat ko.
Natagtag narin niya ang bubog, kumuha siya ng first aid kit at ginamot ito.
"Sa susunod mag iingat ka" habang dinadampian niya ng betadine ang sugat ko.
Maya maya may narinig kami kumalampag.
"James! Arayy james!" sigaw ni angel. Pota. Sarap niyang sabunutan dahil parang hindi naman siya na hiyaw sa sakit e.
Para siyang matandang nang aakit ng lalaki para lapitan ito. Mas mabilis pa sa kidlat na iniwan ako ni james. Hindi niya itinuloy ang pag gamot sa sugat ko.
"Napaano ka naman?" tanong ni james. Halata sa mukha ni angel na nag iisip ito. Sige pa, gaya pa. Gayahin mo ako plastikadang manggagaya.
"A-ano kasi, uupo sana ako nagkamali ako ng upo kaya nalaglag ako" sabi nito habang hinihimas ang ulo.
Tangina.
Kung namali siya ng upo edi sana puwet ang masakit dito at hindi ulo niya. Sabagay mukha naman siyang puwet.
"Bakit sa ulo ka nakahawak?" tanong ni james. Nanlaki ang mata ni angel at agad inilagay ang kamay nito sa balakang niya.
"Sa susunod mag iingat ka." pag sasabi din nito kay angel wow. Akala ko sakin lang niya gagamitin ang word na iyon pero mukhang pati kay angel sinasabi niya lahat ng sinasabi niya saakin.
Sa inis hinayaan ko nalang na dumugo ang paa ko at umalis sa bahay. Mas masakit pa sila sa mata kesa dito sa sugat ko.
"Nadine?" narinig kong may tumawag saakin kaya naman hinanap ko ito.
Nakita ko sa di kalayuan si enrique. Kumaway ito saakin ako naman nginitian ko siya.
"Diyan ka pala nakatira, teka anong nangyare sa paa mo?" tanong nito ng makitang nadugo ang paa ko.
"Sa katangahan"
"Tsk! Halika nga aayusin ko yang pag dudugo." sabi nito. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod naman siya para maabot ang paa ko.
Kinuha niya ang panyo niya at itinali ito sa paa ko. "Yan, sa susunod tapalan mo agad iyan baka maubusan ka ng dugo sige ka." sabi nito.
"Sasama ka pa ba mamaya?"
"Oo naman"
"Yun Oh! Sinisigurado kong mag eenjoh ka mamaya. Makakalimutan mong gwapo ako"
Napatawa naman ako sa sinabi niya tapos tumawa rin siya.
"Joke ba yun?"
"Bakit hindi ba ako gwapo? Sobrang gwapo ba?"
Tapos nag pose ito na parang model. Tumawa ako dahil napaka hangin niya.
"NADINE!" narinig kong may tumawag saakin kaya napalingon ako.
Si james.
Galit ang mga mata nito. Nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Matalim siyang nakatingin kay enrique.
"Kuya mo?" rinig kong tanong ni enrique. Hindi ko parin nai aalis ang mga mata ko kay james.
"Pinsan" maikli kong sabi.
"Sige, mamaya nalang ha. Mukhang tinatawag kana ng pinsan mo" sabi nito, nag paalam na din ako sa kaniya.
Kumaway ako sa kaniya at kumaway rin ito saakin. Binaling ko uli ang tingin ko kay James. Masama ang tingin nito, bamalik na ako sa bahay.
Nakauwi na pala si angel hindi ko namalayan. "Sino iyon? Bakit magkasama kayo?" tanong nito.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag pasok. Nagulat ako ng iharap niya ako sa kaniya.
"Kinakausap kita"
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
Galit kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Pinag babakasyon ka dito hindi para lumandi!" galit na sabi nito.
Dahil sa sinabi niya naningkit ang mga mata ko. Sino kaya saming dalawa ang malandi!
"Hindi landi ang tawag sa pakikipag kaibigan! Bakit ikaw lang ba ang may karapatan para makipag usap sa KAIBIGAN!?"
"Kilala mo ba yon ha? Matagal mo na ba siyang kakilala? Diba hindi?"
"E ano naman sayo, e PINSAN lang kita" natahimik siya sa sinabi ko.
"Oo nga pala, PINSAN mo lang ako" sabi niya at umalis. Naiwan akong nakatunganga, natigilan din ako sa sinabi ko. Pero totoo naman, mag pinsan kami at labas kami sa gusto naming gawin.
BINABASA MO ANG
Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔
Romance[R-18] 🔰Affair Series 📝Affair 1: My Hot Teacher✔️ 📝Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔