Affair 2: Ten

36.9K 407 16
                                    


        Makalipas ang ilang linggong pananatili ko dito ay wala kaming naging kibo ni james. Sinisigurado ko talagang hindi magtatagpo ang landas namin dito sa loob ng bahay. Kapag nasa labas siya ay mananatili akong nasa loob ng kwarto. Kapag narinig kong umalis siya ay doon lang ako lalabas para kumain. May pag kakataong inabot ako ng pagkagutom sa loob ng kwarto bako ako makalabas dahil sa tagal nilang dalawa ni angel sa salas.

    "How are you nadine?" my mom asks. Sa ilang linggo ko ng pananatili dito ay ngayon niya lang naisipan ang tumawag.

    "Good" maikli kong sabi dahil sa wala naman akong ibang maaari pang sabihin. Alangan naman sabihin ko sa kaniya na nag halikan kami ni james at muntikan ng mag sex.

    "Just checking up on you, anyway nasan si james?"

    "Umalis, mom i have to go bye!" walang pakundangan kong pinatay na agad anh tawag dahil narinig ko ang paparating na si james.

  Huli na ng malaman kong nasalikuran ko na siya. Shit! Bakit kasi ang bagal kong kumilos.

"Ehem" sabi niya mag sisimula na ulit sana akong maglakad ng hilahin niya ako.

Ang awkward ng tayo namin, nakalapat ang dibdib ko sa kanya parang nakayakap siya saakin. Magkalapit ang mukha namin na parang mag hahalikan na kami. Hindi ako makakilos dahil sa tuwing sinusubukan konh kumawala sa bisig niya ay mas lalo niyang hinihigpitan ang kapit saakin.

"Ano ba james bitawan mo nga ako!" sabi ko dahil hindi na talaga ako komportable sa tayo naming dalawa.

"Iniiwasan mo ako" hindi iyon isang tanong. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga mata niya sa twing tititigan ko siya.

"Bakit?" tanong niya pa, hindi ako umimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Gusto kong sabihin na, naiinis ako sa inyong dalawa ni angel! Lalo na nung pinag tanggol pa niya ito. Tsk! Ano bang lason ang pinainom ng babaeng iyon sa kaniya.

"Im asking you."

This time tiningnan ko na siya sa mata. Walang kurap, lumunok muna ako bago mag salita.

"Kasi naiinis ako!"

Matapang na sabi ko sakaniya kahit na nagmumukha na akong ogag sa harapan niya. Ogag kasi nagkakaganito ako ng hinddi niya alam. At hindi ko din naman maintindihan kung bakit nagkakaganito ako.

"Naiinis ka?"

Napairap ako.

"Oo nga paulit ulit!?"

Napailing naman siya sa sinabi ko.

"Bakit naman?"

Bahagya akong napatigil, sasabihin ko ba o hindi?

"Kasi......"

"Kasi?"

"Kasi......."

"Ano nga!?"

"Kasi mas kinakampihan mo yung angel na iyon kesa sakin!" tiningnan niya ako ng seryoso. Alam ko na sunod na sasabihin niya. At ayokong marinig yon.

"Nads, she's my friend."

"At ako?"

Ano pa nga ba nadine edi pinsan! Aasa ka na naman, aasa ka sa mga bagay na malabong mangyare.

"Mahal kita"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Pati siya ay nagulat sa sinabi niya.

Nag iwas siya ng tingin.

"Ma-mahal mo ako?" Tanong ko, hindi ako makapaniwala na parehas kami ng nararamdaman.

Hindi ko mawasan na mapangiti sa sinabi niya lalo na at parehas kami ng nararamdama---

"Oo bilang pinsan."

"Ah, bilang pinsan."

Nawala ang ngiti ko at nag martsa na ako papalabas sa bahay nawala ako bigla sa mood gusto kong magliwaliw, gusto kong mag inom at ilabas ang sama ng loob ko.

Sama ng loob agad?

Pero ganon ang nararamdaman ko.

Wait! Kailangan ko ng makakasama. Sino naman kaya?

"Enrique." At agad kong kinuha ang cp ko para tawagan si enrique.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon