Affair 2: Eleven

36.3K 425 20
                                    


Nadine:

    Andito ako ngayon sa labas ng bahay, kasalukuyan kong inaantay si enrique sabi niya on the way na daw siya pero male-late lang daw siya ng kaunti dahil may dadaanan siya. Sino ba naman ako para umangal e ako na nga itong nag papasama sa kaniya at tsaka naaabala ko siya.

    Hindi ko inaasahan ang pagsulpot ni angel. Bakit ba ito nasasaharapan ko? Hindi ko alam kung nang aasar ba siya dahil tumigil pa talaga siya sa harapan ko at tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nginisian ako.

   "Well, huhulaan ko? Nag away kayo ni james right?"

   Tangna. Tanong ka pa ha! E kung ipulupot ko saiyo yang taling hawak hawak mo!

Naiinis ko siyang tingnan at ginawa ko rin kung anong ginawa niya saakin. Ang kaibahan lang ay tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo tapos nag akto ako na parang nagulat.

   "Oh, bakit ganiyan ang reaksyon mo ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?"

Napatawa ako ng mahina dahil sa snabi niya. "Joker ka pala? Nagulat ako dahil hind ako na inform na ang paa pala nasaulunan." Mukhang naguluhan sya sa sinabi ko. "Tsk. Bobo mo naman, ang ibig kong sabihin mukhang paa yang mukha mo. Really? Saan ka ba pinag lihi ng nanay mo? Sa sama ng loob?"

    Pag kasabi ko non bigla nalang niya akong sinugod kaya naman gumanti din ako sa kaniya noh! Hindi ako papayag na sirain niya ang beauty ko. Buti sya walang masisira sa kaniya dahil sira na naman ang mukha niya! Hindi ko nga alam kung anong nakain ni james at konting arte lang nito e sya na kakampihan. Tsk!

   "Nadine! Angel! Tigilan niyo na iyan!" Rinig kong may sumigaw mula sa likuran ko.

  Kahit hindi na ako lumingon alam ko kung kanino itong boses. Alam ko..... Kanino pa ba, edi kay james. Nakalapit na siya saamin at pinag hiwalay kaming dalawa. Sakto naman na dumating si enrique at pinuntahan agad ako.

   "J-james siya ang nauna, andito lang naman ako kinamusta ko lang siya pero sinugod niya agad ako."

   "Sige mag sinungaling ka. Kuhanin ka sana agad ng demonyo! Bwisit ka!"

   Hindi ko mapigilang sabi ko. Tinapik ni enrique ang likod ko na para bang sinasabi niya na maghunos dili ako. Kaya naman huminga ako ng malalim bago tumingin kay james na naktingin na din pala saakin ngayon. Hindi siya umimik ewan ko parang may inaantay siyang sabihin ko.

   "Oh? Anong tingin yan? Edi ako na may kasalanan bwisit!" Sabi ko bago nag martsa papaalis.

   "Teka nadine!" Rinig kong tinawag ako ni james pero hindi ko na siya pinansin pa.

Ramdam ko naman na hinabol ako ni enrique. Nakakahiya naman ganon pa niya ako nakita kanina. Hindi ko na namalayan na nasakung saang lugar na pala ako ganon ba kalayo at kalalim ang iniisip ko kaya nakalayo ako ng ganto. Buti na lang at nasasalikuran ko si enrique.

   "Hindi na kita tatanungin kung ayos ka lang dahil for sure naman na hindi ka okay. Andito lang ako para makinig sayo, sa mga rants mo sa buhay. Huwag mong solohin, andito pa ako"

   Dahil sa salitang iyon nag iba ang tingin ko kay enrique. Ibang iba siya kay james. Si james, hindi niya ako pinili saming dalawa ni angel. Pero si enrique hindi niya ako hinusgahan. Andiyan siya palagi sa tabi ko tuwing kailangan ko ng tulong, tuwing kailangan ko ng masasandalan. Napapasaya niya ako.

"Salamat enrique..... Sana ikaw na lang minahal ko."

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon