Affair 2: Sixteen

30K 471 29
                                    

Nadine:

Hapon na ng makauwi ako, pag katapos kong umalis sa harapan nila angel at james nag punta ako ilog na nadiskubre ko nung nakaraang araw. Doon muna ako nag pa lipas ng oras, bago ko napag desisyonan ko ng umuwi.

Nadatnan ko sa salas si james, ng makita niya ako agad niya akong nilapitan. Mag sasalita pa sana ako dahil gusto ko na itong unahan sa gagawn niyang pag sesermong saakin pero huli na ng malaman kong yakap yakap na niya ako.

"Kanina pa kita inaantay saan kapa nagpunta? Kanina pa ako nag aalala sayo, akala ko kung napaano kana." Mahinahon niyang sabi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung anong sasabihin ko, ang alam ko lang ay yinakap ko siya pabalik.

Yan tayo e. Marupok.

"Nag palipas oras lang ako diyan sa may ilog" Sabi ko, humiwalay siya sa pagkakayakap saakin.

"Pwede naman kitang samahan, bakit nag punta ka mag isa? Ang daming masasamang tao ngayon baka ma-"

"Relax. Andito na ako oh. Kain na tayo nagugutom na ako." Sabi ko at dumiretso na sa kusina.

Hinayaan ko siyang mag hain, nakatingin lang ako sa kaniya habang busy siya sa pa aayos. "Matutunaw ako sa ginagawa mo." Sabi nito kaya naman napaiwas agad ako. Narinig ko ang mahinang pag tawa niya.

Napabuntong hininga naman ako ng maalala na uuwi na ako sa isang araw.

"Lalim non ah." Sabi niya, oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kaniya.

"Tumawag sakin si mom noong isang araw."

"Oh, anong masama sa pag tawag?" Sabi niya sabay tawa.

"Sabi niya uuwi na daw ako doon." Nawala ang ngiti niya at saka ibinaling ang tingin saakin. Maya maya ay ngumiti ito ng bahagya .

"Ayaw mo non? Makakasama mo na sila?" Napa kunot naman ang noo ko dahil doon.

"P-paano..... Paano tayo?" Lumapit siya saakin at yinakap ako

"Don't worry, sasama ako sayo." Agad akong nabuhayan ng loob dahil doon.

"T-talaga?"

Tumango- tango pa ito bago sumagot. "Oo naman, bakit naman hindi diba?"

"Paano si.... Paano si angel?" Tanong ko sa kaniya, agad nag seryoso ang mukha niya. Umupo na din ito sa tabi ko.

"Sabi ko naman sayo mag kaibigan lang kami." Hindi ako nag salita at nag salin nalang ng kanin sa plato ko. "Nag kausap na rin kami tungkol doon sa paggawa niya ng pekeng pasa." Napatigil ako bahagya sa paglalagay ng kanin.

Tumingin muna ako sa kaniya bago ko ibinaba ang pinggan ko. "Ano naman napag usapan niyo?" Pag uusisa ko, ewan ko ba kung bakit gustong gusto kong malaman ang napag usapan nila. Baka mamaya puros kasinungalingan lang ang pinag sasasabi noong babaeng yun kay james.

"Tinanong ko kung bakit niya nagawa yun."

"Syempre gawa mo, patay na patay yun sayo e!" Pag angil ko, tumawa naman siya atsaka hinawakan ang kamay ko.

"Sayo lang ako remember?"

"Tskk"

"So yun na nga tinanong ko siya kung bakit niya nagawa yun. At gaya nga ng sabi mo, dahil ko. Sabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Umiyak siya sa harap ko pero nilinaw ko yung samin. Akala niya ay parehas kami ng nararamdaman dahil sa mga pakikitungo ko sa kanya. Pero nilinaw ko sa kanya na ginagawa ko yun dahil sa magkaibigan kami. Sabi ko rin na may napupusuan akong iba."

Sabi nito habang naka ngiting nakatingin saakin. Pakiramdam ko na nag iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ba niya tinanong kung sino?"

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon