Affair 2: One

69.5K 664 112
                                    

Author:

    Don't forget to vote every chapter and also drop any comments, suggestions, thoughts about the story. Na-a appreciate ko po bawat comment niyo, ginaganahan ako sa pagsusulat kapag may nababasa ako. Thank you!

----

Nadine:

Andito ako ngayon sa tabi ng lalaking ito. Kung itatanong niyo kung paano kami nagka sama nitong unggoy na ito ay dahil sa hindi ko naman akalain na sa salas siya matutulog. My gash! Sa dami ng kwarto sa mansyon namin naisipan niya doong matulog? Kaya naman nahuli niya ako habang patakas, may sa tulog manok ata ito at kaunting kaluskos lang ng yabag ko e nagising na agad. Sina manang nga hindi ako napapansin kapag natakas ako tapos siya!? Grrr!!

"Bakit ba kasi doon ka natulog?" Tanong ko sa kaniya, hindi niya ako nilingon dahil sa busy ito sa pag mamaneho.

Sad to say pero Papunta na kami sa probinsya nila. Grrr. Iniisip ko palang na mahina ang signal don mamamatay na ako. Isa ako sa mga kabataang hindi mabubuhay ng walang internet connection! Walang facebook, messenger, twitter at instagram. Naiisip ko palang na hindi ako makakapag update ng mga story ko sa wattpad ay mababaliw na ako.

"AHHHH!!!!" Bigla kong sigaw na dahilan para mapa preno siya.

"The fuck! Ano bang problema mo!?" Sigaw nito saakin at matalim na nakatingin saakin, sinamaan ko din siya ng tingin akala niya ha!

"Ikaw! Bakit kasi dinala dala mo pa ako sa bahay ayan tuloy pakiramdam ko grounded ako dahil sa pag babakasyon sa probinsya niyo!"

"Kasalanan ko bang nagmamakaawa sakin mga magulang mo para hanapin ka!?"

"Oo! Kung sanang hindi mo ako hinanap! Teka paano mo nga pala nalaman na doon ako sa bar nayon napunta? Stalker ka ano?!"

"Ikaw? I-stalk ko? Eww"

Parang baklang sabi nito at ibinaling na uli ang atensyon sa daan.

"Tsk! Kakainis ka naman ! Edi sana nasa party na ako nina kath!"

"Edi bumaba ka"

"Pano ako bababa e naandar!"

"Oh yan naka hinto na baba!"

Hulyaw nito saakin, tiningnan ko kung nasaang parte na kami ng mundo . Napag isip ko kung bababa ako, baka maligaw lang ako dahil hindi ko alam kung nasaan na kami at nakakaloka ha! Walang kabahay bahay dito!

"Oh bakit hindi ka makababa, gusto mong pumunta sa party nina kath diba. Go" mapang asar na sabi ni james. I don't mind calling him kuya kase hindi naman siya karespe-respeto. Inirapan ko nalang siya at binaling ang ulo sa ibang direksyon.

"Nag bago na isip ko" sabi ko nalang kahit ang totoo e gustong gusto kong bumaba.

Kung bababa ako ay baka abutin ako ng gabi sa daan kakahanap ng masasakyan. Nakakatakot kaya sabi nila madami daw aswang sa probinsya baka mamaya imbis na road to manila ang masakyan ko e road to kabaong pa.

Ilang sandali pa ay nakatating na kami sa bayan nila. Inabot na rin kami ng gabi, kinuha niya ang gamit niya sa likod ng kotse.

"Hoy! Pano yung gamit ko?!" Sigaw ko tumigil siya pero hindi niya aki nilingon.

"May dalawa kang kamay, right?"

"Oo baki-"

"Oh, edi bitbitin mo" pagkasabi niyang yun ay umalis na siya at nauna ng pumasok sa loob.

Punyeta talaga itong lalaking ito, kung hindi lang gwapo e kanina ko pa nabasag mukha niya. Malaki naman muscle niya, matipuno naman katawan niya pero hindi niya man lang magawang bitbitin ang gamit ko? Aanhin pa ang napaka gwapo niyang mukha, may matangos ngang ilong at mapipilantik na mga pilik isama pa ang labi niyang mapupula na masarap halikan— wait! Yung totoo naiinis ba ako sa kaniya?! E bakit ganon ko siya idescribe?! Tsk! Erase! Erase! Pangit siya mukha siyang unggoy na tinubuan ng sungay.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon