Affair 2: Three

47.2K 507 42
                                    

Naandidito ako sa likod ng bahay may magandang tanawin kasi dito at talagang nakakarelax. Hindi ko namalayan ang oras, tanghalian na pala. Bigla ring tumunog ang aking tiyan na nagsasabing wala pa akong kinakain pamula umagahan. Nagtataka ako kung bakit hindi man lamang ako hinahanap ni James, maaga akong pumunta dito at talagang tiniyak kong hindi niya ako makikitang pumunta dito. Pero ang pinag tataka ko ay ang hindi ko man lang narinig ang boses niyang sinisigaw ang pangalan ko.

Pamula kagabi ay hindi pa kami nag uusap, paano ba kami mag uusap kung tinataguan ko siya hindi ba?

Napag desisyonan kong tumayo na para pumasok sa bahay. Nagugutom na din ako. Hindi naman pe- pwedeng buong araw akong magtatago sa kaniya.

Malapit na ako sa pintuan ng may narinig akong nagtatawanan mula sa loob. Sa sobrang kuryosidad ko ay nag madali akong makapasok, hindi ko sinasadyang madagil sa kawad na nakausli kaya nahiwa ng maikli ang braso ko. Mahapdi iyon pero hindi ko na ito masyadong pinag tuunan ng pansin.

Pagkapasok ko ay hiniling ko na sana tiniis ko nalang ang gutom ko.

"Nadine andiyan ka na pala." masayang sabi ni james habang nasa satabi naman nito ang isang babae na nakangiti sa akin, ito yung babae sa palengke.

Naningkit ang mata ko at kumulo ang dugo ko sa pag mumukha noong babae. Inismiran ko siya kaya nawala ang ngiti sa labi nito at pinag taasan ako ng kilay. See! Nag papanggap lang ang babaeng ito! Plastikadang palaka!

"Siya ba yung sinasabi mo james na PINSAN mong BINABANTAYAN mo?" Sabi noong babae.

"Oo angel" maikli namang sabi ni james.

"Hi! Ako nga pala si Angel, kababata ni james" sabi noong angel na mukhang pinag sakluban ng lupa. Inilahad nito ang kamay nito, nakangiti ito saakin pero if I know kaya lang siya mabait sakin ay dahil nasasaharap kami ni james.

Hindi ko ito pinansin at nag deretso sa kusina. Napahiya si angel sa ginawa ko kaya naman napatingin na lang ito sa kamay niyang naiwan sa ere.

"Nadine!" Saway saakin ni james pero hindi ko siya pinansin.

Nakita kong nag usap sila at narinig ko ring humingi ng paumanhin si james kay angel dahil sa ginawa ko.

Pinagpatuloy ko nalamang ag pagkain ko ng biglang lumapit saakin si james na may inis na itsura.

"Bakit ang bastos mo?" Hindi ko siya pinansin dahil naiinis parin ako sa kaniya.

Kaya naman pala hindi niya ako hinanap ay busy ito sa pakikipaglandian. Ewan ko kung bakit napuno ako ng inis sa katawan. Eh ano naman kung may kausap siya ano ba kami? Magpinsan sagot ng utak ko napailing na lang ako.

"Kinakausap kita!" Sigaw nito idinabog kong ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak ko at matalim siyang tiningnan.

"Hindi mo ba nakikitang kumakain ako?" Sagot ko dito.

"Bakit ka ba ganiyan ha?"

"Wala"

"Kinakamayan ka ni angel kanina pero hindi mo manlang iyon inabot." Sabi nito.

"Bakit big deal na ba kung hindi ko siya kinamayan?"

"Hindi naman-"

"Oh, hindi naman pala e. Ayokong kamayan siya at wala ka ng pakialam don." Tumayo na ako sa inis ko sa kaniya ay binunggo ko siya. Napaatras naman ito at nagulat sa ginawa ko.

"Saan ka pupunta? Nakain ka pa ah!" Tanong nito ng makitang kakaunti pa ang nababawas kong kain. 

"Sa dami mong sinabi nawalan na ako ng gana" sabi ko at tuluyan siyang iniwan.


Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto sa kwarto kaya mas minabuti kong mag kunwaring natutulog. Maya maya ay biglang lumubog ang kanang bahagi ng kama malapit sa may braso ko. May naramdaman akong kaunting hapdi, ini awang ko ng kaunti ang aking mata para makita ang taong nasasatabi ko.

Sino pa nga ba ang aasahan ko, edi si james. Siya lang naman ang kasama ko dito sa bahay. Ginagamot niya pala ang sugat na natamo ko kanina dahil sa pagmamadali. Maya maya pa natapos na ito kaya pinikit ko uli ang mata ko. Naramdaman kong may kung anong mainit na lumapat sa noo ko pag katapos ay narinig ko uli ang pag bukas ng pinto dahil sa lumabas na ito ng kwato ko.

Teka ano yung lumapat sa noo ko? Hindi kaya.....hindi kaya hinalikan niya ako sa noo? Pero bakit? Dahil sa pinsan niya ako? Pero normal pa ba yon mga dalaga't binata na kami.

Hindi kaya totoo yung nakalagay niya sa diary niya? Na gusto niya ako? Pero.....



Pero magpinsan kami. At malaking kasalanan iyon kung sakaling totoo nga. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Isa lang ang alam ko, kahit mali ay sisiguraduhin kong akin lang siya. Bigla kong naalala ang pagmumukha ni angel kaya naman napabusangot akong muli.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon