Affair 2: Five

45K 532 58
                                    




Habang nag lalakad hindi ko maisip kung anong maaaring gawin noong dalawa sa bahay gayong dadalawa lang sila doon. Napailing ako sa nga naiisip ko at pinag tuunan ng pansin ang mga batong nadadaanan ko habang nag lalakad sa kung saan. Halos lahat ng inis ko ay ibinaling ko sa bato.

"Nakakaini!" Sigaw ko at tumigil sa paglalakag. "Tama bang mas paniwalaan niya ang babaeng iyon kesa sakin?" Tanong ko na parang nahihibang na kinakausap ang sarili buti na lamang at walang taong nakakakita saakin.

"Di hamak na mas mukha akong kapani paniwala doon sa babaeng iyon!" Sabi ko pa ng may nakita akong bato ay agad ko itong sinipa at nagitla ako sa narinig kong pag daing.

"Aray!" Sabi ng isang boses di kalayuan sa kinaroroonan ko.

Nako lagot mukhang may natamaan sa nasipa kong bato. Agad akong nagtungo doon sa boses na narinig ko at tama nga ako may tao akong natamaan.

"Nako pasensya na po hindi ko po sinasadya. " sabi ko doon sa lalaki na iniinda ang paa niyang natamaan ng bato.

"Okay lang. " maikling sabi nito pero halata naman sa mukha nito na talagang nasaktan siya.

"Nako pasensya na po talaga. " sabi ko pa tiningnan ko siya.

Gwapo pala niya.

"Huwag ka na nga mangopo sa tingin ko naman ay kaedad-an lang din kita."

"Ah sige"

"Teka, matanong ko lang bakit ba galit na galit ka sa mga bato at sinisipa mo ito"

Nakita niya pala ang ginagawa ko.

"Wala iyon, nabibwisit lang ako" sabi ko sabay kaming nag lakad.

"Kanino naman? Sa nobyo mo?" Tanong nito

"Ha? Hindi, wala ako noon" sabi ko nakita ko siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. Anong nakakangiti sa sinabi ko?

"Ganun ba, salamat naman" sabi nito na kinalito ko.

"Ha?"

"Wala wala, kanina pa kitang tinatanaw mula doon sa tindahan. Natatawa nga ako dahil may sinasabi ka tapos sisipain mo iyong mga bato. Noong lalapit ako sayo sakto namang sumipa ka uli. Hindi mo ata napansin na lumapit ako. " paliwanag nito sa tingin ko namula ako dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa kilig dahil gwapo ito kung hindi sa hiya dahil nakita niya akong ganoon.

"By the way, saan ka ba pupunta?"

"Diyan sa karendirya" hindi pa ako nag uunagahan at talagang nagugutom na ako

"Tara samahan na kita" sabi niya.

Tumango na lamang ako at nag simula na uli kaming mag lakad papunta doon sa karinderya. Pag karating namin agad kaming umorder akala ko ay ihahatid niya lang ako pero nagulat ako ng sabayan niya ako sa pag kain. Naalala kong hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Teka ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko pagkatapos ay sumipsip sa soft-drink na binili ko.

"Ako nga pala si Enrique " pag papakilala nito saakin. Ngumiti ako sa kaniya ang ganda ng pangalan niya.

"Ako naman si nadine" sabi ko nag shake hands pa kami tapos ay kumain na muli.

"Mukha ka namang hindi taga probinsya. Hulaan ko nag babakasyon ka lang dito ano?" Tanong nito napa isip ako. Bakasyon ba ang tawag dito na parang kinulong lang din naman ako sa bahay.

"Oo" sagot ko nalang.

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"Ha? Hindi naman sa ganon"

"Ganon ang nakikita ko sa mukha mo e"

Ganon ba ako kahalata? Tsk!

"Paano ba naman hindi naman ata bakasyon tawag dito e. Dapat nag eenjoy ako pero parang buong buwan ay hindi ako mag eenjoy. " sabi ko nalang.

"Ha? Teka kung enjoy lang din naman pala ang hinahanap mo. Bukas mag kita tayo dito isasama kita doon sa kabilang bayan. May ganap kasi doon tiyak matutuwa ka. " masayang sabi nito saakin. Mukhang excited din ito.

"Talaga? Sige sige! Hays salamat makakagala na rin ako. " sabi ko nalang. Tapos nagsimula na uli kaming kumain.


"Salamat sa pag sabay kumain ha! Pasensya na rin kanina" sabi ko ng matapos kaming kumain.

Nasa labas na kami ng karinderya at balak ko ng umuwi. Mag hahapon na at baka gabihin ako sa daan.

"Walang anuman" sabi nito.

"Sige una na ako, bye enrique" paalam ko sa kaniya at nag wave pa ng kamay bago nag simulang mag lakad.

Kumaway din ito saakin. "Ingat ka!" Sigaw nito kaya naman napangiti ako. Kahit kakakilala pa lang namin ay ang gaan na ng loob ko sa kaniya.

Pagkarating ko sa bahay nagulat ako sa nadatnan ko. Galit na mukha ni james, pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

Siniil niya ako ng halik.

Affair 2: Hot Summer with My Cousin✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon